Pinoy community in Singapore is growing, mainly because almost everyday there is a lots of job seekers coming here in Singapore looking for a greener pasture. You can see pinoy in almost every places here in Singapore. You might even think that you are just only somewhere in one of the city of the Philippines, dahil sa dami na nga ng mga kababayan natin. Halo-halong kalamay na ang makikitang pinoy professionals dito sa Singapore kadalasan mga Archi, (Architects, Draftsman) Engineers, mga IT professionals, may mga F&B rin (Food &Beverage) may mga sa Retail din, meron ding mga Nurses at may mga sa Call centers na rin at meron ding mangilan-ngilang mga teachers na naghahanap ng trabaho.
Job hunting in Singapore the reality..
November 10th, 2008 · 2 Comments · Ofw life, Viewpoints
→ 2 CommentsTags:
The right decision?
August 23rd, 2008 · 5 Comments · Daily dose, Ofw life
Did I made the right decision?. This thoughts has been running inside my head for sometime now. It is started around december of 2006 when I chose to come here in Singapore instead of going to where I originally intend to go.
A few months back before december of 2006 I received a call from my boss who is assigned in Dubai. He invited me be a part of the design team of his project. Of course being already a part of his previous project I readily accepted his offer without any hesitation. Not until a week after when the offer for me to be assigned in Singapore came. To make the story short, I chose Singapore over Dubai.
→ 5 CommentsTags:
Mga katanungang naglalaro sa isipan
November 30th, 2007 · 3 Comments · Daily dose, Viewpoints
Madalas ka bang mamuna ng maling gawi ng iba, pero hindi mo napupuna ang pagkakamali mo?. Kung ang sagot mo sa katanungan ko ay OO, halika dito sa tabi ko at mag-usap tayo. Papayuhan kita at payuhan mo rin ako, dahil katulad mo nagdaan din ako sa pagiging palaging namumuna, pero hindi ko naman napapansin na mas marami palang dapat punahin sa aking sarili.
Tinitingnan mo ba ang sarili mo sa salamin?, kung OO ulit ang sagot mo? siguro makikita mo rin na may kapintasan ka rin. Huwag kang mag-alala normal lang ang may kapintasan sa katawan. Di ba nga wala namang perpekto? si Perfecto lang daw ang perpekto sabi ng mga tambay sa kanto.
→ 3 CommentsTags:
Eroplano
November 30th, 2007 · No Comments · Blog, Ofw life
Noong naka-assign pa ako sa project naming malapit sa changi airport, ang makakita ka ng eroplanong papa-landing o papa-himpapawid pa lamang ay isang ordinaryong sightings lamang. Iba’t ibang klaseng eroplano at iba’t ibang laki. May mga eroplanong pang cargo? at pampasahero. Pero mas madalas ang pampasahero.
Sa tuwing ako’y nakakakita ng pampasaherong eroplanong papahimpapawid hindi ko maiwasang pangarapin na sana’y isa ako sa mga pasaherong nakasakay doon at nananabik na muling makita at makatuntong muli sa lupang aking sinilangan ang bayang Pilipinas. Ang Pilipinas, na kahit na naghihirap dulot ng kapabayaan ng iilan at agawan sa kapangyarihan ng mga namumuno at nais mamuno ay ninanais ko pa rin tirhan at pinapangarap ko pa ring na doon mag-retiro sa pagdating ng panahon.
→ No CommentsTags: airplane·eroplano·ofw·PAL
What’s in a name (A name tag)
October 29th, 2007 · 3 Comments · Blog, Non-sense
Ano meron sa pangalan mo?, isang tanung na gustong gusto mong itanong dahil siguro na-curious ka kung sa pangalang iyong nabasa o nalaman. Sa cyberspace mapa-Forum man o Chat normal na ang may mga kakaibang nick o handle. Merong mga nick na talaga namang agaw pansin dahil kakaiba, meron namang napaka-simple lang tipong tamad nang mag-isip. Tulad nitong nick na gamit ko Jlois, ang aking nick na gamit ay kombinasyon ng unang letrang first name ko at last 4 letters ng surname ko.
→ 3 CommentsTags:
Ang kalabaw at ang elepante
July 7th, 2007 · 16 Comments · Daily dose
“Kapag ako’y nababato, pinaglalaruan ko ang birdie ko, ang cute cute niya naman kasi, kaya ko sya binili”. Yan daw ang ginagawa ni Chito ang lead singer ng Parokya ni Edgar pag daw sya ay nababato. Ako naman hindi, wala kasi akong birdie na pwedeng paglaruan tulad ng kay Chito maliban sa aking “birdie” pero hindi naman pupuwede na palagi kong paglaruan yon at baka lagi akong manghina.
Kadalasan ang tao pag nababato o nabo-bored, nakaka-alala ng mga nakaraang kuwento o ng mga pangyayaring minsan eh nagkaroon ng malaking bahagi sa kanilang buhay. At kung minsan naman eh nakaka-alala tayo ng mga kalokohang pinaggagawa natin noong tayo’y nasa stage pa ng pagiging bata at makulit at walang pang pakialam sa mundo. At kadalasan kapag naalala mo ang iyong mga kalokohang ginawa ay hindi mo mapigilang mangiti nang hindi mo naman namamalayan.
→ 16 CommentsTags:
Sariling mundo
May 12th, 2007 · 15 Comments · Daily dose
Naging routine na sa akin na bago ako dumiretso sa stasyon ng MRT papunta sa aming lugar, ay kumakain muna ako ng aking hapunan sa isang hawker center na malapit sa MRT Station na aking sasakyan. Kagabi isang ordinaryong gabi at dating gawi bago dumiretso sa stasyon kain muna ako. habang umoorder palingon-lingon ako’t naghahanap ng may bakanteng mesa na mapupuwestuhan. Sa sandaling paghahanap na bitbit ang aking pagkain, nakakita naman ako ng mapupuwestuhang mesa, naki-share na lamang ako sa isang mesa na may naka-upong medyo may edad ng babae.
→ 15 CommentsTags:
