bakit kaya mas masarap pa ang magbasa kaysa sa magsulat? siguro kadalasan wala lang akong maisip na isulat pero kahit pa nung ako’y nag-aaral pa nung high school at nung colege pagdating sa mga essay writing talagang hirap akong makabuo ng magandang essay yung tipo bang pwedeng pang display sa mga school papers
yung mga tipong ganun.
Pero hindi ibig sabihin nun bagsak ako sa subject kong may ganung sulatin nakakapasa pa rin. Patunay nga
sa katamaran kong magsulat sa pagkakatanda ko dalawang love letter lang ang naisulat ko sa asawa ko noong girlfriend ko pa lang sya napipilitan pa ko noon huh, pero masarap magsulat lalo na yung galing sa puso mo at alam mong ma-aapreciate ng pagbibigyan mo at ng mga makakabasa kaya naisipan ko rin na magsulat sa blog para mahasa ang talent ko sa pagsusulat ko,kung meron man pero tingin ko wala nga yata akong talent dito dahil tagal na nitong blog na ito noong buwan ng mayo noong isang taon ko pa ginawa itong blog na ito ngayon lang nalagyan ng post dahil sa kadahilanan na tinatamad magsulat.
okey ano ba magandang isulat ngayon? hhhhmm..
aahh! tsaka na nga lang ulit makikibasa na lang muna ako sa blog ng iba tinatamad na naman ko eh…..
and as for my question?…… well I think so.
0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment