The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Araw ng mga puso….

February 11th, 2006 · 7 Comments · Daily dose

Dalawang araw na lang at araw na naman ng mga puso, ng mga pusong nagmamahal at minamahal at sigurado malaki na naman ang kita ng mga flower shop, at ng mga motel nyan, ang sabi nga ng mga tambay sa lugar na aking kinalakihan sa sampaloc ” araw na naman ng mga puso sipsipan na naman ng mga nguso”.

Pero ang hindi ko lang lubos na maisip ay bakit sa tuwina na lang sumasapit ang ganitong okasyon ay traffic sa mga lugar na may nakapalibot na kung tawagin ay “biglang liko”, naging bahagi na yata ng tradisyon ng modernong mga pinoy sa tuwing sasapit ang araw na ito ay maraming ng nakikipagunahan na magsing-irog na makapagpareserba sa pribadong lugar na ito.

Aking pang naalala noong ako’y nag-oopisina pa sa may pasig at ang daan mismo ay sa sta.mesa, kailangan kong pumasok ng maaga dahil alam kong matatraffic ako ngunit sa aking pagkakamangha kahit na pala maaga ako marami rin palang pumupunta ng mas maaga sa “biglang liko” di ko tuloy mapigilang mapa-isip kung bakit, nang makita ko ang mga sasakyang sunod sunod na pumapasok at lumalabas mga lugar na iyon.

Minsan nagbiro ako sa aking maybahay “Mommy magba-valentine na punta tayo sa malamig at puro salamin” sagot naman nya “ano ka? para kang tanga makikipagsabayan pa tayo doon nakakahiya noh!”

At hanggang ngayon ako’y nagtatanong pa rin sa aking sarili, bakit nga kaya?

Ewan… basta alam ko malamig ang gabi ko…………

Tags:

7 responses so far ↓

  • 1 Ella // Feb 12, 2006 at 7:09 pm

    Bakit nga kaya, ano? As if that’s the best way you can show you care, proof of undying love? hehehe

  • 2 Racky aka Bakya Ni Neneng // Feb 12, 2006 at 9:26 pm

    magkumot ka na lang …hehehe

    schönes wochenende (happy weekend)!

  • 3 rougemaxi // Feb 13, 2006 at 9:44 am

    Uunga ano? matagal ako sa manila almost 5 yrs pro ni minsan di ko naisip ang tamang logic na tuwing balentayms kailangan maglipana ang magswithart sa lugar na biglang liko. at kung bakit kailangan itaon pa tuwing balentayms? hayyy …

  • 4 jlois // Feb 13, 2006 at 10:39 am

    Ella

    Hindi ko nga rin alam eh, personally kasi ako hindi yon ang paraan para maipakita ang pagmamahal sa partner mo.

  • 5 jlois // Feb 13, 2006 at 10:41 am

    neneng

    Oo, nag kukumot na nga lang ako atsaka doble damit para di masyado maginaw :)

  • 6 jlois // Feb 13, 2006 at 10:46 am

    rougemaxi
    tama ka nga parang nasaan ang logic non, sa motel tuwing valentine eh pinayayaman lang non mga motel.

  • 7 lojika // Feb 14, 2006 at 11:58 am

    sa me sta. mesa ako nag-aaral… malapita sa mga sinasabi mo. di ko rin alam bakit gnun nga pag valentines… heheheh… siguro kase di masyadong nakakhiya kase marami silang kasabay… alam mo un di masyadong matatandaan ang mukha mo. hypothesis ko lang naman un..

Leave a Comment