Ang pag-ibig raw ay bulag, minsan binge, kung minsan naman tanga pa.
Ang pag-ibig raw pag pumasok sa puso ng sinuman hahamakin ang lahat masunod lamang.
Maari nga na ang taong umiibig ay nagiging bulag pansamantala, hindi nakikita ng mga taong umiibig ang anumang kasiraan ng kanilang minamahal ma pisikal man o ugali at kung anupa man, dahil sa taong lubos na umiibig ang puso na ang kanilang nagiging mata, isip at pandinig.
Marami na rin akong nakitang maari kong sabihin na klasikong patunay na bulag nga ang pag-ibig, andyan kung minsan ay may makikita akong pagkaganda gandang babae ngunit si lalake naman sabihin na nating may itsura (dahil lahat naman ng tao ay may itsura) masama nga lang. At kung minsan vice versa naman. Tangi na lamang nating masasabi ay talagang bulag ang pag-ibig.
“Love may be blind but marriage is a real eye-opener!
Unknown
Meron din namang taong nagiging binge pag umiibig, hindi na kasi naririnig ang anumang kasiraan patungkol sa kanilang iniibig, kahit pa ang salita at pangaral ng magulang nagagawaring suwayin masunod lang ang sinisigaw ng kanilang puso.
Meron din namang taong nagiging binge pag umiibig, hindi na kasi naririnig ang anumang kasiraan patungkol sa kanilang iniibig, kahit pa ang salita at pangaral ng magulang nagagawaring suwayin masunod lang ang sinisigaw ng kanilang puso.
Sa aking palagay ang panghihimasok ng magulang sa anumang suliraning pangpuso ng kanilang mga anak ay hindi dahil sa gusto lamang makialam, marami sa mga magulang iniisip lang ang magiging kapakanan ng kanilang mga anak kung sakaling sumuong na sila mundo ng pag-aasawa.
Ngunit dahil na rin nga siguro mas malakas ang kamandag ng tama ng pana ni kupido kaysa sa salita ng mga magulang, ng kapatid o kahit ng mga kaibigan, ang tibok ng puso pa rin tanging naririnig.
Meron din namang nagiging tanga pag umiibig, hindi na kasi nila alam kung ano ang tama at ano ang mali, kahit na kasi lantaran ng niloloko naniniwala pa rin, meron ring inaabuso na ng pisikal at verbal sa pagkakataong yon ang iba’y nagigising sa matagal na pagkakahimbing, ang iba naman ayhindi at masasabi nating matibay ang “helmet” na pina suot.
“I fell in love at first sight… I should have looked twice.”
Unknown
Lahat ng tao ay darating sa punto na matututong magmahal at iibig, merong suswertehin sa pag-ibig merong masasawi, merong naman masasabi natin na bagay sa isa’t isa, at meron namang naka “jackpot”merong magiging bulag, binge at tanga. Pero anu’t anuman tayo dito, ipagpasalamat na rin natin dahil kahit papaano naranasan natin ang magmahal.
“Love is temporary insanity curable by marriage.”
Ambrose Bierce
8 responses so far ↓
1 Mmy-Lei // Feb 14, 2006 at 6:13 pm
nabulag na nga rin ako eh! buti nagising ulit bago tuluyang masira… hahaha
oh pag-ibig!!!
2 jlois // Feb 15, 2006 at 7:53 am
Buti na lang nga mmy-lei nagising ka ng maaga
3 Ella // Feb 15, 2006 at 2:05 pm
Gusto kong mabulaaaag! wahhhh! At saka mabingeeee!
bakit ang tagal ng bubulag sa akin? naiinggit na ako, noh! Ang sarap siguro nun, kinikilig ka habang kakapa-kapa ka hehehe
4 jlois // Feb 15, 2006 at 3:46 pm
Ella
mas masarap yung nakabulag at naka jackpot miss ella kaysa sa nabulag at na jackpotan diba.
5 Racky aka Bakya Ni Neneng // Feb 16, 2006 at 2:38 am
nakabulag at naka-jackpot ba kamo?
ako ang nabulag pero jackpot naman o siya ang nabulag pero ako ang naka-jackpot??? labo yata ah! hehe
basta alam ko pareho kaming nabulag ng pag-ibig na yan, love-at-first-sight! ngayon? nagising na pero naging lovers, partners & best-of-friends
6 jlois // Feb 16, 2006 at 7:51 am
good for you, ibig sabihin swerte kayo sa isa’t isa diba?
7 Ka Uro // Feb 16, 2006 at 10:47 am
tawa ako sa mga quotes lalo na yung “marriage is an eye-opener”. yun pala yon.
8 jlois // Feb 16, 2006 at 12:39 pm
minsan akma naman kase yung quotes na yon, may kakilala kasi akong ganon inlove na inlove sa lalake wala daw pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao pero nung mag-asawa na
nagising sya na kasi pinagtatrabaho.
anyway salamy sa comment at dalaw mo ka Uro
Leave a Comment