The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Ano kaya ito?

February 22nd, 2006 · 5 Comments · Senti

Ano kaya itong aking nararamdaman
wala naman akong sakit pero walang sigla
ang aking katawan para magtrabaho,
nangigigil sa inis pag tinatambakan ng maraming gawain

ano ba kaya itong aking nararanasan
nasasabik na akong makita ang aking kabiyak
nasasabik na mayakap at mahalikan syang muli
nasasabik na makita ang aking munting prinsipe
inaasam-asam ko na mayakap at makalaro ko syang muli

kumusta na kaya sya, malaki na kaya sya makikilala kaya nya ako pag nagkita kaming muli

ano kaya itong aking nasasaisip
bahagi ng isip ko gustong umuwi na, bahagi naman ng isip ko
gusto manatili at magtrabaho pa

ano kaya itong nangyayari sa akin
minsan natutulala pag nag-iisa, minsan naman
malayo ang tingin wala namang naman akong nakikita

ito kaya ang homesick, ito ba ang homesick….

mabuti pa siguro mag bloghop na lang ako ?

Tags:

5 responses so far ↓

  • 1 Racky aka Bakya Ni Neneng // Feb 22, 2006 at 9:08 pm

    homesick nga!!!

    di ka nag-iisa :( nakakahawa ka naman.
    waaahhhh…gusto ko na rin umuwi.
    miss na miss ko na rin pinas lalo na malamig pa rin sa amin. huhuhu

  • 2 A v R i L s U n // Feb 22, 2006 at 9:36 pm

    HI! Naguilty naman ako… a lot of us here in Pinas wants to continent hop due to personal or financial concerns pero here you are missing Pinas ;) i’m sure it will pass…have a nice day still!

  • 3 Ka Uro // Feb 23, 2006 at 10:29 am

    hs nga. try mong mag-overseas call baka mabawasan.

  • 4 lojika // Feb 23, 2006 at 1:21 pm

    naks! ang dami na nahawa sa pasenti senti ko!!! nyahahah.. konting tyaga lang, manong!!!!

    ge, magbloghop ka na nga lang!

  • 5 dennis // Mar 1, 2008 at 12:51 pm

    Magtayo nalang kaya tayo ng Association ng mga naho homesick sa Pinas,Whaaa, nakupo maiiyak na yata ako gusto ku nang umuwi tsk.tsk. Kunting tiis Pinoy mahirap tayo eh , marami tayong ganyan dito sa ibang bansa. saan kaya tayo makahanap na ganoong asosasyon,he,he.

Leave a Comment