Noong isang araw nagpa-ikot ng memo dito sa opisina at nakasaad sa memo na sa ika 24 ng pebrero ngayon yon meron daw party, ang akala ko meron nang grumadweyt dito sa project namin at nag-iimbita na ng
farewell party para sa mga ga-gradweyt, pero hindi pala ito daw ay party para ipagdiwang ang ika-dalawang taon ko na rito sa kumpanyang ito dalawang taon na kasi ako ngayon dito eh (syempre joke lang yon! asa pa ako! ha ha ano ako sikat!) ang totoo talaga ito’y imbitasyon na merong party pero hindi farewell kundi isang Barbe-que party kasi natapos na raw lahat ng MSS (Movable Scaffolding System) works o yung lahat ng superstructure works dito sa project namin.
Syempre pag tinawag na party ibig sabihin maraming pagkain babaha ang iba’t ibang putahe ng pagkain at pwedeng kumain ng kumain kahit hanggang sumabog sa kabusugan ang tyan pwede! syempre ulit hindi mawawala ang toma dito, kulang ang kasiyahan pag walang alak diba? at last! masasayaran na naman ng alcohol ang aking bahay alak saraap.
O tara na kain tayo tapos inom!
2 responses so far ↓
1 Racky aka Bakya Ni Neneng // Feb 24, 2006 at 2:53 pm
ej, buti ka pa! di pa kami pedeng mag-b-b-que party
schönes wochenende (happy weekend)!
*okej, dito na lang ako makikikain at tagay …HIK
makauwi pa kaya ako .°°°°°°°°
2 pobs // Mar 1, 2006 at 12:49 am
wow sarap naman jan..di ba puedeng bonus ‘in cash’ nalng?! hihihi
Leave a Comment