The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 4

Entries from March 2006

At last!, uwian na!

March 31st, 2006 · 13 Comments · Daily dose

Kahapon tinawagan ako ng admin assitant namin at kakausapin daw ako ng admin manager,
sabi ko sarili ko “yes! ito na yata ang hinihintay ko ang graduation”. Malapit na kasing matapos itong project na ginagawa namin kaya naman nagko-cost cutting na itong kompanya namin. At isa ako sa apat na pinoy na tapos na ang kontrata at hindi na ii-extend syempre walang pagsidlan ang galak at tuwang aking naramdaman, gaya rin nitong dalawa ko pang kasama sa dahilang makikita at makakasama na namin ang aming mga sariling pamilya.

[Read more →]

Tags:

Isang dangkal na prepaid cards

March 29th, 2006 · 16 Comments · Daily dose

 

Sa paglilinis ko ng aking kwarto napansin ko na marami na palang nakakalat na pre-paid cards sa ibabaw ng side table ko, kaya naisipang kong bilangin lahat ng nagamit ko kasama na lahat pa ng mga prepaid cards na naitago ko sa isang kahon ng sapatos, marami-rami na rin pala ang nagamit kong prepaid cards na may iba’t ibang denomination may tig-500 Baht, may tig-150 Baht, 100 Baht at pinaka marami ay ang tig-300 Baht.

[Read more →]

Tags:

Lets Volt in!

March 28th, 2006 · 5 Comments · Daily dose


nagba-bloghop ako kagabi at napadako ako sa tambayan ni lukin, at nakibasa sa bago nyang post tungkol sa mga palabas sa TV at mga cartoon series noong mga panahong musmos at walang alam pang gawin kundi maglaro at manood, naalala ko tuloy ang pinakapaborito kong cartoon series ang Voltes 5, sa tuwing maririnig ko nga ang theme song sa series na ito ay may excitement akong nararamdaman hindi ko mapigilang mapangiti at hindi ko maiwasang maalala noong ako’y batang paslit na sa tuwing sasapit na ang oras ng paglabas ng Voltes 5 sa TV ay nakatutok na ako sa harap ng TV at hindi ako matitinag sa panonood. May mga time pa nga na hindi bale nang mapingot dahil hindi ko masunod agad ang utos ng nanay ko noon basta hindi lang maputol sa panonood ng paborito kong cartoon series.

[Read more →]

Tags:

“Pai kin kee is same as Pai kin kao”

March 25th, 2006 · 10 Comments · Daily dose

“Sawadee Krap” yan ang unang salitang Thai na aking natutunan, na ang ibig sabihin ay “Good morning, Good afternoon, Good day and Good evening”,”Khop Khun krap” ang ibig sabihin naman ay “Thank you” kung magpapasalamat daw (of course kaya Thank you eh!) “Tao Lai Krap” naman daw ang sasabihin kung magbabayad na, “mai koh tsai” naman kung hindi mo maintindihan ang sinabi nila, yan ang ilan sa mga basic words na unang itinuro sa akin ng mga Thai na kasama ko sa trabaho.

[Read more →]

Tags:

I’ve been Tagged

March 23rd, 2006 · 8 Comments · Tags

tagged by karmi, Neng…. & Misty

I’ve been blogging for quite sometime now and this is my first time being tagged by a fellow bloggers and it came in double pa :)

The rules:List seven songs you’re into right now. No matter what the genre, whether [or not] they have words, or even if they’re any good, they must be songs you’re really enjoying right now. Post these instructions in your blog along with your seven songs, then tag seven other peopleto see what they’re listening to.

[Read more →]

Tags:

Maligayang kaarawan

March 22nd, 2006 · 11 Comments · Senti

Alas otso ng gabi ng marso 21 at naglilinis ako ng katawan noon dahil naghahanda na akongmatulog nang biglang umaringking sa sakit ang aking misis at habang tumatagal hindi na nya makaya ang sakit ng kanyang tiyan at sabi nya na oras na dahil nasa ika-huling buwan na sya ng kanyang pagbu-buntis, at biglaan hindi ko alam ang gagawin ko first time ko sa ganitong sitwasyon, natataranta ako andyan hawakan ko ang tyan ng misis ko at tanungin kung anong pwede kong gawin para maibsan ang sakit na nararamdaman nya.

[Read more →]

Tags:

Masarap ang may Anak

March 17th, 2006 · 11 Comments · Daily dose, Viewpoints

“Masarap magkaroon ng anak nakakawala ng pagod lalo na pag-uwi mo galing sa opisina” ang mga naririnig kong madalas sa mga mayroon ng anak, sa mga ka-opisina kong may anak na rin yan din ang sinasabi nila parang nagkaka-isa sila ng nararamdaman kahit hindi naman sila magkakakilala.

[Read more →]

Tags: