Was it hard for you to leave the Philippines? a fellow blogger Iya innocently asked (thanks for asking Iya) the answer is of course mahirap din para sa akin na iwan ko ang pilipinas kahit pa pansamantala lang iisipin mo lang na mamumuhay ka sa ibang kultura at iba pa ang salita mahirap na, pero mas mahirap sa tulad kong may sarili nang pamilya in fact at that time nga my wife and I just celebrating the 1st anniversary of our union and the hardest part ay yung iniwan ko ang anak ko na 11 months old pa lang ni hindi pa nga marunong maglakad gumagapang pa nga lang sya at kung kailan ako nag-eenjoy sa kanya bilang tatay tsaka pa ako aalis upang mag-trabaho at mamuhay sa ibang bansa.
Pero wala akong magagawa kailangan lang kasi minsan lang dumating yung ganong oportunidad kung hahayaan ko baka mawala pa at wala na ring dumating na ganong oportunidad, gustuhin ko man silang isama noon pero hindi pwede dahil very sudden yung pag-alis ko at maraming dapat asikasuhin ang misis ko noon.
Bago ako umalis nanghihinayang ako hindi ko na kasi makikita ang unang hakbang ng anak ko, di ko na rin maririnig ang unang salita na lalabas sa kanyang bibig, inaasam-asam ko nga na makita ang pagtubo ng kanyang unang ngipen noon, pero wala na hindi ko na nakita yung mga una sa kanya kasi nung makapagbakasyon ako pagtapos ng isang taon marami na syang ngipen, tumatakbo na rin madaldal na pati, kaya lang ang masakit hindi ako kilala pagdating ko just imagine that gustong gusto mo syang kargahin ng makita mo pero natakot syo dahil hindi ka kilala ang sakit diba.
Ang naging konsolasyon ko na lang ay ngayon abot kamay namin ang magandang kinabukasan ng aming anak dahil meron nang nakuhang educational plan ang misis ko para sa kanya, meron na rin kaming nakuhang bahay at lupa (row house lang) na masasabi naming sarili na namin hulugan nga lang sya pero kung nasa pilipinas pa rin ako nagta-trabaho marahil hanggang ngayon ang mga pangarap namin sa aming sarili at sa aming munting prinsipe ay isa lamang aandap-andap na bumbilya sa karimlan.
Alam ko isa lang ako sa milyong pilipino na nasa ibayong dagat nagta-trabahong malayo sa pamilya nagtitiis sa hirap, pero wala namang hirap na kayang tiisin ng magulang para sa kinabukasan ng anak at minamahal diba?.
12 responses so far ↓
1 Alan // Mar 10, 2006 at 1:22 am
Thanks for hopping onto my blog Jlois.
Interesting blog post. It wasn’t really mentally difficult for me to leave the country at the time I went to England since I was longing for one heck of an adventure and an independent life, away from my comfort zones. But I must admit the Asian financial crisis was partly to be blamed.
But now, some of the kababayans and I have this thinking of “What if?”
But no regrets - so far.
2 melai // Mar 10, 2006 at 9:04 am
hala!!!! akala ko si ate charo ka
3 jlois // Mar 10, 2006 at 1:15 pm
@alan
well glad to hear you dont have this difficulty of leaving our country, anyway thanks for dropping by and spending time to read and commenting, appreciate it really
@melai
ha ha charing! baka kuya eddie hindi ate charo.
btw balak mo rin palang mag-migrate? naglalaro din kasi sa isip ko yan eh.
4 Racky aka Bakya Ni Neneng // Mar 10, 2006 at 1:30 pm
isang kang bagong bayani, saludo!!!
pero mas sasaluduhan ko ang ginagawa mong sakripisyo para sa pamilya mo! ganyan lang talaga ang buhay, konting tiis …biyaya naman ang makakamit!
ipon na lang muna, di naman panghabambuhay ang sitwasyon mo ngayon! go go go …jlois!
5 Jepoi // Mar 10, 2006 at 2:09 pm
making that supreme sacrifice just to give the loved ones a better chance in life ano? anyway, i wish u the best. hopefully someday, u wont have to be away from all the people u love.
6 karmi // Mar 11, 2006 at 4:33 am
mahirap talagang umalis ng pinas.. marami akong kakilala dito sa San Antonio na naiwan ang mga anak sa pinas.. sabi nga nila sa akin, swerte daw ang pamilya ko dahil kumpleto kami..
gusto ko na ring bumalik ng pilipinas.. iba talaga dun.. nandon kasi ang buhay namin.. siguro magpapayaman muna ako dito, saka ako babalik..
isang dahilan din cguro kaya ko gustong bumalik ay dahil sa mahal ko..
aliw lang ako sa post!
7 tintin // Mar 12, 2006 at 1:43 am
ayoko ko ring umalis sa pinas non, i was half way finishing my college degree and i just turned 18 then. i left a lot of friends and families behind to find a better future for me. but after 10 yrs, no regret by far. i’m actually happy that i’ve made that wise decision.
i’m proud of you for all the sacrifices you’re doing and i wish that some day it will pay off, i know it will.
goodluck to all your future plans
8 jaja // Mar 12, 2006 at 5:24 pm
omigod!i found an abettor!it sure was hard to leave home!
9 skulgirltrx // Mar 12, 2006 at 10:37 pm
i know what your going thru, a lot of my co-teachers have husbands as seamen or ofws, talagang sometimes we have to have a supreme sacrifice for our children’s future…and i admire you for doing this!
10 jaleesa // Mar 13, 2006 at 3:38 am
i was 13 when i left pinas with my parents and 4 siblings. it was hard for me to adjust. it took me 5yrs actually. nakaka-miss yun friends ko lalo na yun sa hs. to be honest, ok naman kasi yun status of living namin sa pinas kaya lang nag-decide si papa na pumunta kami ng australia to have a better future lalo na sa’ming magkakapatid. ayaw nya daw kasing mag-alala sa’min kung nasa manila kami nag-aaral. at first, gusto kong bumalik pero no choice. when i look back, i’m glad dinala kaming lahat ni papa’t mama sa australia. we feel safe and secure saka nandito yun future. my siblings all have good jobs. kung tatanungin mo ako kung nami-miss ko pa rin ang pinas? YES!!! i try to go home once or twice a yr
sa una mahirap magadjust kung bago kang dating sa isang bansa pero masasanay ka rin. plus you’ll meet friends along the way. saka nandyan si lord to guide and support you. ingatz
11 jlois // Mar 13, 2006 at 9:01 pm
@neng
salamat miss neng iyong saludo:)
oo nga ipon na nga lang muna ako para pag-uwi ko makapag-enjoy naman kami ng mag-ina ko
@jepoi
yes you are right jepoi in order to give ourloved ones we are willing do anything.
@karmi
isa talaga sa dahilan yung may naiwanan mahal mo kaya mahirap umalis bansa, kaya sa susunod na ako’y makalis muli isasama ko na mag-ina ko
@Tintin
glad to hear that you don’t any regrets pa sa naging decision mo:)
salamat sa pa-gudluck
@jaja
yes you are jaja, its really hard to leave home.
@skulgirltrx
thanks for admiration
@jaleesa
oo nga sa una talaga hirap na hirap ako, pero naka-pagadjust na rin kat nga umabot na rin ako ng 2 years dito eh:)
12 dennis // Mar 1, 2008 at 12:23 pm
totoo yan, dahil mahal natin ang ating pamilya kaya tayo lumabas nang bansa upang magtrabaho. Pero, sa katulad naming hindi gaanong malaki ang sweldo, lalo na’t bumababa ang dolyar, eh mas gugustugin kupang doon na sa pinas kasama ang pamilya. ( homesick na talaga aako..sk.tsk.) tiis lang muna may awa rin ang Diyos!
Leave a Comment