The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Masarap ang may Anak

March 17th, 2006 · 11 Comments · Daily dose, Viewpoints

“Masarap magkaroon ng anak nakakawala ng pagod lalo na pag-uwi mo galing sa opisina” ang mga naririnig kong madalas sa mga mayroon ng anak, sa mga ka-opisina kong may anak na rin yan din ang sinasabi nila parang nagkaka-isa sila ng nararamdaman kahit hindi naman sila magkakakilala.

Noong ako’y binata pa sa tuwing makakarinig ako ng ganyan, sa literal kong pag-iisip noon isa lamang eksaheradong salita ng naging magulang na, paano nga naman kasi mawawala ang pagod mo doon makita mo lang ang anak mo?, hindi talaga ako maka-relate noon sa mga sinasabi nilang yon not until noong ako’y naging magulang na rin hindi ko nga masabi ang eksaktong salita kung gaano ako kasaya noon, naalala ko tuloy ang bungad sa kanta ni ka Freddie “Nang isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo” totoo pala talaga yon akmang akma sa naramdaman ko nang iluwal na sa mundong ito ang aming munting anghel, “at ang nanay at tatay mo di malaman ang gagawin minamasdan pati ang pagtulog mo” nangingiti ako sa sarili ko pagnaririnig ko yan sa kanta nyang “anak” ganyan na ganyan kasi ako noon, sabi nga ng aking misis minsan ng makita nya akong titig na titig sa anak namin habang himbing na himbing sya sa kanyang pagtulog ” o! bakit titig na titig ka dyan?” wala naman akong maisagot kundi wala lang gusto ko lang (may angal ka! syempre hindi ko sinabi yon! lol) hindi ko talaga kasi maipaliwanag kung bakit gusto ko na tinititigan ang anak namin eh.

Ngayon kaisa na ako ng mga nagsasabi ng “masarap magkaroon ng anak” masarap talaga sa pakiramdam di ko nga lang masabi ng eksakto kung ano talaga yung nararamdaman namin, alam ko maraming di makaka-relate pero malalaman nyo din yon pagdating ng tamang panahon.

Tags:

11 responses so far ↓

  • 1 Royce // Mar 18, 2006 at 7:44 am

    Amen lakay! I can empathize with you on this. Teka, matanong naman kita, siguro first born ito noh? Ganyan pa rin kaya ang feeling mo pag pang 6th, 8th or 10th child nyo? Mwwwwaaaah (joke lang kabsat).

  • 2 lil _kath // Mar 18, 2006 at 9:21 am

    Sarap talaga may anak ,kakaaliw pero minsan nakakabaliw din hehe…pag masyadong makulit^_^
    Eto nga pinapalayas na ko dito sa harap ng pc kase check daw sya email waaaa(mana sa nanay)5 years old lang yun ah nyeee^_~

  • 3 Ann // Mar 18, 2006 at 5:06 pm

    “Unconditional Love” yan ang love ng magulang sa anak. Ginagawa natin lahat para sa kanila without expecting anything in return.

    And, it’s true nakakawala nga ng pagod, di ko rin ma explain bakit..hehehe…basta masarap ang may anak.

  • 4 Racky aka Bakya Ni Neneng // Mar 18, 2006 at 5:25 pm

    ilan ba balak mo jlois? mukhang may plano na pag-uwi ah :D
    masarap plus …magastos! heheh

  • 5 MaXi // Mar 19, 2006 at 10:04 am

    Masarap? I can’t relate and would never do! Nakakainggit kayo!

  • 6 jlois // Mar 19, 2006 at 10:51 am

    @royce
    Oo first born namin yon, siguro kung pang 65th siguro iba na yon problema nayon mag-iisip ka na non kung paano mo mabibigyan ng magandang kinabukasan, pero di nman kami aabot don kasi ceasarian si misis so ang pangatlo eh delikado na.:)

    @kath
    nakakaaliw nga talaga ang mga anak lalo na nung baby pa sila, pero pagmalaki na at lumalabas na ang kulit nila minsan sakit din sa ulo minsan matatawa ka na lang. :)
    @ann
    Oo nga ann hirap talaga ipaliwanag ano kung ano yon puro na lang “basta”

    @neng
    ako hmmmm!? mga lima sana eh kaya lang ceasarian si misis eh delikado ang pangatlo kaya kahit dalawa lang koay na sa akin magkaroon lang ng kapatid ang anak ko.:)

    @maxi
    makaka-relate ka rin pagdating ng panahon miss maxi :)

  • 7 jaleesa // Mar 19, 2006 at 5:22 pm

    ganyan ang nararamdaman ng mga kapatid kong meron mga anak. sabi nga nila pampaalis daw ng pagod kapag nakikita nila pagdating sa bahay. my two sisters are on maternity leave at the moment kaya nasasaksihan nila bawat kilos, galaw o akto ng kanilang mga anak. nakakatuwa nga eh. pero nakakainis minsan kapag umiiyak mga beybi (dumadalaw sila) kasi istorbo sa tulog ko lalo na kapag may pasok ako the next day *hehehe*

  • 8 vemsan // Mar 20, 2006 at 3:24 am

    masarap ba talaga? magastos daw magka anak eh! hehehe.

  • 9 lojika // Mar 20, 2006 at 3:34 pm

    wow…sentiments of a father…

    gudluck na lang sa future ng anak mo…

  • 10 melai // Mar 21, 2006 at 11:25 am

    ako naman naiipokritahan ako sa mga magulang na wala na atang sinabing pangit tungkol sa mga anak nila ..specially mga nasa showbiz at politics .. sobrang exagg magkwento tungkol sa mga anak nila .. na sobrang mabait, mapagmahal at kung ano ano pa.. sa kin naman …hindi lalaki ng maayos ang mga anak kung puro compliment lang ang sasabihin mo.. dapat sabihin mo rin kung ano ang hindi maganda sa kanya ..basta ako ang madalas kong maalalang sinasabi ko sa bebi ko … sana anak maghapon di tayo magkasama ..para sa gabi pag nagkita tayo ..tyak nagmamahalan tayong dalawa

  • 11 jlois // Mar 21, 2006 at 12:26 pm

    @jaleesa
    ganyan din ako dato noong wala pa ako anak minsan nga yung anak nung pamangkin ko sa pinsan eh ang ingay kaya nasigawan ko eh lol, pero ngayon hindi na ako ganon :)
    @vemsan
    Oo masarap vemsan at tama ka rin magastos talaga :)
    @lojika
    thanks lojika sa goodluck

    @melai
    syempre melai celebrity sila eh kaya as much as posible gusto nila positive nakikita sa kanila, syempre hindi naman puro positive ang nakikita natin sa mga anak natin eh may mga negative traits din sila kaya lang tanggap natin yon dahil alam natin kung saan nila nakuha yon, sa atin ding magulang nila, now its up to us na kung itatama natin yon at para lumaki silng productive citizens:)

Leave a Comment