Alas otso ng gabi ng marso 21 at naglilinis ako ng katawan noon dahil naghahanda na akongmatulog nang biglang umaringking sa sakit ang aking misis at habang tumatagal hindi na nya makaya ang sakit ng kanyang tiyan at sabi nya na oras na dahil nasa ika-huling buwan na sya ng kanyang pagbu-buntis, at biglaan hindi ko alam ang gagawin ko first time ko sa ganitong sitwasyon, natataranta ako andyan hawakan ko ang tyan ng misis ko at tanungin kung anong pwede kong gawin para maibsan ang sakit na nararamdaman nya.
At dahil hindi na nya talaga kaya ang sakit nagpasya na kaming pumunta sa ospital, naalala ko pa noon habang sakay kami ng taksi hindi ako mapalagay halu-halo na ang nararamdaman ko nae-excite at ninerbyos ako at the same time, nae-excite ako dahil sa wakas lalabas na ang anak namin pero ang hindi ko inaasahan yung nerbiyosin ako at manginig, natatawa ako pag naaalala ko yon mas ninerbyos pa ako sa asawa ko eh sya ang manganganak.
Lalo akong ninerbyos nang nasa loob na sya ng operating room at hindi man lang ako payagan na andoon sa tabi nya, hindi ako makatulog sa pag-iisip kung okay ba sya, nag-aalala ako kung ano ang mangyayari kaya magdamag akong gising, nag-aabang sapaglabas ng doktora at sa pagsasabi ng “congrats you have a bouncing baby boy/girl” kung may makakakita nga sa akin sasabihin para akong sabog sa utot, later on sabi ng misis ko sabi sa kanya ng doktor nakakaawa daw itsura ko nong gabing yon (nakakaawa o nakakatawa)lol.
Marso 22 na nang tanghali nang lumabas ang anak namin at ceasarian daw kaya namanawang-awa ako sa asawa ko, pero okay lang daw dahil malusog naman at walang naging problema ang baby namin. Parang kailan lang at ngayon tatlong taon na ang lumipas ang dati naming munting anghel isa nang makulit at madaldal na bata….
Maligayang kaarawan sa aking anak wala man ako ngayon sa piling nya pero lagi ko syang nasa isipan……
11 responses so far ↓
1 vemsan // Mar 22, 2006 at 11:36 am
huwaw congrats kuya me anghel ka na naman…:)
2 vemsan // Mar 22, 2006 at 11:38 am
teka teka mali ata intepretasyon ko… waaa sorry!
happy bday sa inyong anak…
pero dapat sundan na rin diba?! hehe lusot ba?!
3 majorkontrapelo // Mar 22, 2006 at 11:44 am
ei, pareho tau caesarian din wife ko nun eh! ilang araw nga ko di natulog nung paglabas ng baby ko kc gusto ko bantayan lang sya!!! Ang sarap noh…
4 Racky aka Bakya Ni Neneng // Mar 22, 2006 at 4:33 pm
“alles gute zum geburtstag” sa baby ninyo!
malapit ka naman ng umuwi, makikita mo na siya uli
5 Ann // Mar 22, 2006 at 5:21 pm
Happy birthday sa baby mo. Sana makasama mo sila ryan.
6 melai // Mar 22, 2006 at 5:29 pm
hPpy bday kay bebi!!
7 cruise // Mar 22, 2006 at 9:43 pm
makikibati na rin ako sa ana mo ng happy birthday…
8 Misty Joy // Mar 23, 2006 at 10:24 am
hapi bertdey sa 1 en onli beybi mo. uwi ka na para masundan na agad!
patagay ka naman jan… hehe bago ang a.k.a mo ah, kapitan tagay
9 jaleesa // Mar 23, 2006 at 6:47 pm
you are such a sweet and thoughtful dad!
10 jlois // Mar 23, 2006 at 9:18 pm
to all
salamat mga cyber friends ko sa mga pagbati nyo!
11 lil _kath // Mar 25, 2006 at 9:16 am
..wow sweet naman ni daddy^_^
…happy bday sa baby mo,give my hug and kiss sa kanya pag-uwi mo,pero dahan -dahan hug kay esmi ha baka masundan agad nyee^_^
happy weekend.
-kathy-
Leave a Comment