
nagba-bloghop ako kagabi at napadako ako sa tambayan ni lukin, at nakibasa sa bago nyang post tungkol sa mga palabas sa TV at mga cartoon series noong mga panahong musmos at walang alam pang gawin kundi maglaro at manood, naalala ko tuloy ang pinakapaborito kong cartoon series ang Voltes 5, sa tuwing maririnig ko nga ang theme song sa series na ito ay may excitement akong nararamdaman hindi ko mapigilang mapangiti at hindi ko maiwasang maalala noong ako’y batang paslit na sa tuwing sasapit na ang oras ng paglabas ng Voltes 5 sa TV ay nakatutok na ako sa harap ng TV at hindi ako matitinag sa panonood. May mga time pa nga na hindi bale nang mapingot dahil hindi ko masunod agad ang utos ng nanay ko noon basta hindi lang maputol sa panonood ng paborito kong cartoon series.
Sa aking palagay ang Voltes 5 ang pinakasikat sa lahat ng mga robot cartoon series, mas sikat pa kay Diamos, kay Mazinger Z o sa Transformer. Sa katunayan nga ay ang “Ultraelectromagneticpop” na pangalan ng unang album ng pinakasikat na pinoy band na Eraserheads ay hango sa “Ultra electro magnetic top” o ang tinatawag na turompo ni Voltes 5, at naging background music pa nga ang theme song ni Voltes 5 sa “ang dating doon” ni Brod pete na part ng gag show na Bubble gang.
Ano sa palagay nyo Voltes 5 nga ba ang pinakasikat o Fans lang ako ng Voltes 5?
(photo from: Choudenji Machine Voltes V Shrine)
5 responses so far ↓
1 vemsan // Mar 29, 2006 at 11:12 am
Voltes 5 — old school!
2 major // Mar 30, 2006 at 4:35 pm
sa palagay ko, fan ka ng pinakasikat!:)
3 jaleesa // Mar 30, 2006 at 6:07 pm
my siblings and i used to watch voltes v too. hmmm, wala pa pala akong collection ni voltes v. matanong ko nga yun bf ng friend ko. baka pwede nya akong ibili sa hk pag nagholiday uli sya *hehehe*
4 jlois // Mar 30, 2006 at 8:07 pm
@vemsan
old school ba? lolo ng mga robot cartoon series lol:)
@major
tingin ko nga fan ako
@jaleesa
uuy pabili rin ako! he he he joke lang
5 Royce // Apr 1, 2006 at 2:47 am
Pre, comment lang ako dun sa paborito nating Voltes 5. Very interesting ito:
It was one of the most popular Japanese super-robot series shown in the Philippines dubbed in the English language. However, its broadcasting history experienced polticial intrigue and controversy after being banned by the former Philippine president Marcos.
According to rumors, Ferdinand Marcos was the true-to-life representation of the character Boazanian Emperor Zu Zambajil while the late Senator Benigno Aquino Jr., a political opponent to Marcos, was compared to Baron Hrothgar, the heroic creator of Voltes V. Characters, as used in the Philippines, were retained.
Kita mo, tila yata may hitorical significance din ito sa political history ng bayan natin noh?
Leave a Comment