The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Isang dangkal na prepaid cards

March 29th, 2006 · 16 Comments · Daily dose

 

Sa paglilinis ko ng aking kwarto napansin ko na marami na palang nakakalat na pre-paid cards sa ibabaw ng side table ko, kaya naisipang kong bilangin lahat ng nagamit ko kasama na lahat pa ng mga prepaid cards na naitago ko sa isang kahon ng sapatos, marami-rami na rin pala ang nagamit kong prepaid cards na may iba’t ibang denomination may tig-500 Baht, may tig-150 Baht, 100 Baht at pinaka marami ay ang tig-300 Baht.

Sa loob ng dalawang taon ko dito halos umabot na sa isang dangkal ang nabili at nagamit kong prepaid cards nang bilangin ko nga kung magkano na ang nagagastos ko lahat lahat sa prepaid cards, tumataginting na ฿70350 Baht, whooah! (lagpas na sa isang buwang sweldo ko na yon ah!), kung iko-convert nga sa pesoeh 91k something na yon, malaki laking pera na rin yon.

Pero okay lang na makagastos man ako nang ganon karaming prepaid cards, hindi naman kayang tumbasan ng isang dangkal o kahit dalawang dangkal pa ang ligayang naidulot sa akin habang kausap at naririnig ko ang boses ng aking mahal na asawa.

Tags:

16 responses so far ↓

  • 1 Ann // Mar 29, 2006 at 1:56 pm

    Dami! Pwede na pambili ng ilang ticket pauwi sa Pinas.

  • 2 Mistyjoy // Mar 29, 2006 at 2:44 pm

    meron din akong prepaid collection na tig-P300 dati kaya lang itinapon ko na kasi nakakahinayang… nagsisi ako dahil nagsayang ako ng pera noon. dami ko kasing textmate! lols!

  • 3 Racky aka Bakya Ni Neneng // Mar 29, 2006 at 3:47 pm

    TAMA!!! walang halaga yan kumpara sa naipadama mong pagmamahal sa labopurlayp … kahit sa telepono lang.

    ej, pedeng ilagay sa ebay yan :D mabawi mo kahit man lang 1/100…
    sa amin ang daming nagko-collect ng ganyan.

  • 4 Juana // Mar 29, 2006 at 4:04 pm

    tumpak! panalo ka dyan! money can buy prepaid cards but not love and family.

  • 5 KaDyo // Mar 29, 2006 at 6:33 pm

    mukhang nahawahan ka na ng kasentihan ni darna ah. wag mong isipin yan kikitain mo pa rin yan, mahalaga ay importante diba =D

  • 6 karmi // Mar 29, 2006 at 7:00 pm

    hala kuya! pareho tau.. hehehe.. la pa kaming one yr dito, ang dami ko na ring mga prepaid cards.. sayang, di ko nga lang naipon! magkano rin un!!! hahaha.. ok lang kasi tama ka, nakakausap mo naman ung mga taong importante sau.. :)

  • 7 jhay // Mar 30, 2006 at 8:42 am

    madami din akong prepaid cards na naipon, sa kakalaro ko ng mga on-line games, hehehe

  • 8 yuri // Mar 30, 2006 at 11:31 am

    awwww…. i feel for u girl… ganyan din ako eh…. i’ll link up up ha…

  • 9 major // Mar 30, 2006 at 1:09 pm

    nakikilo ba yan pre? hahaha…
    maganda yan collection… tama c neng pwede pagkakitaan, pero mas maganda cguro itago mo na lang, remembrance…

  • 10 melai // Mar 30, 2006 at 4:21 pm

    laki ng sweldo ha!

    naalala ko nanay ko unang stay nya dito mga six months pag uwi sa pinas daming dalang pre-paid na gamit na .. di ko alam kung ano plano nyang gawin don :)..kung may sampung beses ata sa isang araw ganun tumawag nanay ko sa bahay sa sobrang homesick.

  • 11 Abaniko // Mar 30, 2006 at 6:54 pm

    P91K, ang laki! This is enough to sustain a family for a year in Pinas na ah. Have you heard of Voice chat in Yahoo Messenger? Pwede mo sigurong gawin yan. May computer na misis mo, free pa ang usapan nyo. Unlimited. What do you think?

    BTW, thanks for swinging over at my blog and leaving a comment.

  • 12 jlois // Mar 30, 2006 at 7:46 pm

    @ann
    Oo nga ann, 3 round trip na nga yon eh. :)
    @misty
    ako naman hindi mahilig mag-text noong nsa pinas kaya tipid ako sa prepaid dati.:)

    @neng
    syempre neng priceless pa rin yung ligayang nadarama mo sa mahal mo kahit pa nga boses lang.

  • 13 jlois // Mar 30, 2006 at 7:50 pm

    @juana
    sabi ko nga eh, mas mahalaga pa rin ang mahal natin diba, kaya nga ako andito :)
    @kadyo
    tumpak na tumpak KD, ang importante ay ang mahalaga :)
    @karmi
    ibig sabihin homesick na homesick ka rin lol. :)

  • 14 jlois // Mar 30, 2006 at 7:56 pm

    @jhay
    ako naman dati sa pinas marami akong naipon na isp bonanza sa kaka-internet surfing ko.:)

    @yuri
    pareho tayo?:), okey link me up link you up too, pero hindi ako girl ha, mahilig lang sa girl.lol :)
    @major
    hindi nga naikikilo eh, nag-iisip nga ako kung saan pwede ibenta. lol
    pero iuuwi ko sya bigay ko sa baby ko para text na lang kami :)
    @melai
    hindi naman kalakihan melai :)
    @abaniko
    oo nga inabot talaga ng ganon kalaki, pero okay lang yon, di ko pa alam yon pero try ko yan, pabibili ko muna ng PC si misis nauna ang bahay eh :)

  • 15 vemsan // Mar 31, 2006 at 8:28 am

    ako puro SMS nalang sinesend ko sa pinas para maka save… bihira na phonecall.

  • 16 Royce // Apr 1, 2006 at 4:10 am

    Dude, sus ginoo, pang DP na pala sa balay o sa condo yan noh? hahaha

    Ako kasama na sa budget ang tawag sa Pinas. May nadiskubre akong mas mura sa jajah.com. Visa na lang ang bayad mas mura walang tax at monthly fees eh D Tpid pa.

Leave a Comment