The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

At last!, uwian na!

March 31st, 2006 · 13 Comments · Daily dose

Kahapon tinawagan ako ng admin assitant namin at kakausapin daw ako ng admin manager,
sabi ko sarili ko “yes! ito na yata ang hinihintay ko ang graduation”. Malapit na kasing matapos itong project na ginagawa namin kaya naman nagko-cost cutting na itong kompanya namin. At isa ako sa apat na pinoy na tapos na ang kontrata at hindi na ii-extend syempre walang pagsidlan ang galak at tuwang aking naramdaman, gaya rin nitong dalawa ko pang kasama sa dahilang makikita at makakasama na namin ang aming mga sariling pamilya.

Syempre mas lubos na nagagalak ang aking mag-ina nang itawag ko na uuwi na ako, pati ang aking prinsepe ay tuwang tuwa marami na ang gustong ipabili, gusto daw nya pabili ng “car, airplane at elephant”, natawa na lang ang misis ko, paano nga naman ako bibili ng elephant eh ang laki laki non. lol, akala siguro ng anak ko eh maliit lang yon, dahil yong ang nakikita nya sa libro nya.

Pero itong isa naming kasama mukha yatang hindi masaya sa pangyayari, dahil imbis
na siya ay nagagalak na tulad namin eh, mukha syang binagsakan ng langit at lupa. Ang akala
ko kaya sya nag-aalala ay iniisip nya kung paano ang pamilya nya kung wala na syang trabaho,
eh meron naman kaming matatanggap na “severance pay” bukod sa huli naming sasahurin, sapat yon kahit walang syang trabaho ng 3 buwan. Pero alam ko hindi yon ang dahilan nya, kasi alam ko wala nang uuwiang pamilya yon sa Pilipinas, ang sabi ng kaibigan nya na kasama rin namin dito iniwan na daw sya dahil na rin sa kalokohan nya, “puu-chai-chao-chu” (babaero) kasi paano.

kaya uwian na! yeheeey!!

Tags:

13 responses so far ↓

  • 1 major // Mar 31, 2006 at 5:57 pm

    buti ikaw hindi puu-chai-chau-choo ba yun?hahaha

    uuwi kna, inom tau minsan dito sa pinas!! m/

  • 2 jlois // Mar 31, 2006 at 6:25 pm

    Oo ba inom tayo! anong gusto mo ba mekong? o singha beer (local rhum at beer dito yan) o gin pomelo :)

  • 3 Royce // Apr 1, 2006 at 4:26 am

    Dude sana magkitakita tayo nila ManongBidoy at sama na din natin si Major pag dalaw kay Ella? BBgayan ko kc cya nun hiling nyang pasalabong na Mrs. See’s candies. Invite kaya natin sya sa dinner - pagbigyan kaya tayo?

  • 4 Royce // Apr 1, 2006 at 4:29 am

    Email mo pala ko para Bgay ko saU local contact no. (sa bahay ng brod ko) xr3265@yahoo.com

  • 5 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 1, 2006 at 4:48 am

    i’m happy for you :) sa wakas makakapiling mo uli ang family mo.

    ingats lang … kay royce … baka maging puu-chai-chao-chu ka rin. hehehe

    *peace ni peace*

  • 6 mei // Apr 1, 2006 at 8:56 am

    uy, uuwi na siya =D excited ka na siguro, lalo na ang family mo. congrats =D

  • 7 lil _kath // Apr 1, 2006 at 6:30 pm

    …uy di masusundan na si junior?nyaahaha..joke lang po^_^ bawal magalit..pinapainom ng shoktong(tama ba yun?)nabasa ko lang dun sa isang blog haha..
    congratz jlois,kakainggit ka naman..ako 3 years na di nakakauwi eh!Hopefully xmas..sana matuloy no?para kitakits mga “senti bloggers” sa pinas ..woww!

    cheers,
    -kathy-

  • 8 Ann // Apr 1, 2006 at 9:53 pm

    Goodluck sa pag-uwi mo. Sigurado miss na miss ka na rin ng mag-ina mo.

    Mukhang magkakaroon ng grand EB sa Pinas.

  • 9 jlois // Apr 2, 2006 at 9:48 am

    @royce
    oo nga sana nga magkitakits tayong mg uuwi, hahanapan ko ng oras yon,
    yan ang hindi ko alam kung pagbibigyan tayo ni ella eh busy yun dahil maami na raket. :)
    @neng
    hindi ako pwedeng mag-pu-chai-cho-chu sa pinas neng mahahalata ni misis tsaka hindi na kay ng powers ko.

    @mei
    excited na excited na nga ako eh, lagi nga akong absent minded ngayon :)
    @kathy
    naka-plano na talaga na masundan, para naman may kalaro na sya :)
    @ann
    salamat ann, miss na miss ko na nga rin sila eh, Grans EB ba? siguro? sana? :)

  • 10 karmi // Apr 2, 2006 at 12:37 pm

    kuya!!! ako rin uuwi.. kaso, sa mayo pa! :) bisita lang.. 3 weeks nga lang pero ok na rin!

    EB tau!!! hehehe.. :)
    ingatz sa paguwi ha.. and im happy for you!!! :)

  • 11 jlois // Apr 2, 2006 at 6:36 pm

    @karmi
    well at least kahit 3 weeks lang naka-uwi ka naman diba, EB tayo pwede rin :)

  • 12 Royce // Apr 3, 2006 at 6:59 am

    Pre, ano yun “EB”???

  • 13 jlois // Apr 3, 2006 at 7:43 am

    @royce

    EB Eye Ball yun tol, ibig sabihin mag-meet :)

Leave a Comment