The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 4

Entries from April 2006

Pasasalamat at despedida

April 28th, 2006 · 27 Comments · Daily dose

Dalawang tulog na lang at makaka-uwi na rin ako a wakas natapos na rin ang matagal kong paghihintay, makakasama ko na ulit ang aking mag-ina na isang taon at dalawang buwan ko ring hindi nakita at nakasama. Ako nga lang ay medyo nagugulat , dahil sa loob ng isang linggo kong paghihintay eh lagi na lang akong nanaginip, ang lagi kong panaginip ay naka-uwi na raw ako at katabi ko na si misis, kaya tuloy lagi akong late sa pagpasok nitong mga huling araw. Siguro dahil laging laman ng isip ko ang napipinto kong pag-uwi kaya maging sa pagtulog iyon ang rumerehistro.

[Read more →]

Tags:

Mukha ba akong thai?

April 26th, 2006 · 22 Comments · Daily dose

Malapit na talaga akong umuwi 3 days na lang uwian na at last pagtapos ng isang taon makakauwi na rin makakapiling ko na ulit mag-ina ko, ooops tama na muna drama, kuwento na lang muna ako, kasi kahapon habang pauwi ako biglang may humintong sasakyan sa tabi ko at may itinanong yung driver, pakiwari ko ay nagtatanong sya ng kung saan ang isang lugar, yun nga lang dahil sa hindi ko maintindihan kung lugar ba ang tinatanong o pangalan ng tao kaya sinagot ko na lang sya ng “i’m sorry, i don’t understand”, in short napagkamalan na naman akong thai, sabagay madalas namang mangyari yon sa akin sa katunayan nga sa loob ng dalawang taon at dalawang buwan kong pamamalagi dito sa bansang ito maraming beses na akong napagtatanungan ng “kung saan itong lugar na ganito” at “kung saan daw itong ganire”, at kung anu-ano pang mga tanong na halos hindi ko naman maintindihan, lalo na noong medyo bagu-bago pa ako dito, at wala pang alam ni isang katiting na salita nila.

[Read more →]

Tags:

Ang aking mithiin

April 25th, 2006 · 17 Comments · Poetry, Senti

araw at gabi
ang aking minimithi
ay makapiling kang muli
madamang muli
ang malambot mong labi

panaginip ka sa bawat gabi
sa tuwina ay alaala
maghapon ay tulala
sa loob ng opisina
dahil mukha mo sinta
ang laging nasa-isipan

namamaluktot sa lamig ng gabi
ang katawang sabik
hinahanap ang yakap
mong walang kasing init

tanging mithiin ko
sana’y maka-uwi na
at nang matapos na itong
aking pagda-drama

hintayin mo ako sinta
sa aking pagbabalik
upang ang naudlot nating pag-ibig
ay muli nating madama

[Read more →]

Tags:

isang taong lumipas

April 24th, 2006 · 11 Comments · Poetry

isang taon na ang lumipas
na labis ang pangungulila
alaala mo aking ligaya
ang lagi kong kasama

isang taon na ang lumipas
nang huli kang nahagkan
nang huli kitang nayakap
at nasilayan

isang taon na ang lumipas
na laman ka ng aking panaginip
na tanging unan lamang ang kayakap

pinapangarap kong makita kang muli
mahaplos ang iyong mukha
mayakap ka’t mahagkan

araw ay halos hilahin na, dahil sa pagka-inip
sa aking pagbabalik sa bayang minamahal
at sa piling mo aking mahal

[Read more →]

Tags:

One day at the crocodile farm

April 19th, 2006 · 21 Comments · Daily dose


Nitong nakaraang linggo wala naman akong ginagawa, well! lagi naman akong walang ginagawa tuwing araw ng linggo, maliban sa paglalaba pagkatapos wala na, gala na o kaya tambay sa internet cafe. Kaya sumama na lang akong magsimba (syempre pasko ng pagkabuhay eh!) nang inaya ako ng senior engineer namin at ng mga anak niya kasama ang isa nilang kaibigang noypi. Pagkatapos naming magsimba at makakain ng tanghalian tumuloy kami sa crocodile farm sa may samut prakarn province, na-feature na daw sa extra challenge ng GMA7 ang crocodile farm sabi lang sa akin ng anak ng senior eng’r namin, kung kailan na-feature hindi ko alam.

[Read more →]

Tags:

Back to work

April 17th, 2006 · 6 Comments · Daily dose

Tapos na naman ang isang mahabang weekend, balik trabaho na naman maghapon na naman sa harap ng PC, nitong nakaraang abril 13~15 ay holiday din dito sa thailand pero hindi dahil “holy week” tulad ng mga christian nations kundi dahil sa ito’y songkran festival o ang tradisyonal na bagong taon ng mga thai, sa mga ganitong araw common nang makikita sa mga kalye ng bangkok ang mga labanan ng tubig may makikita ka ring paga-galang mga pick-up truck na sakay ang mga taong walang magawa kundi magsaboy ng inis at kasiyahan sa mga tao, inis kung ang masabuyan ng tubig ay walang balak na sumali at mabasa at mga nakapustura, syempre kasiyahan sa mga gustong makilahok sa kasiyahan nila.

[Read more →]

Tags:

Beauty is in the eye of the beholder

April 10th, 2006 · 25 Comments · Daily dose

Kanina habang kumakain ako sa canteen sa may tapat ng opisina namin, tinanong ako ng may-ari kung kailan daw ang uwi ko, at tinanong din kung ilan daw kaming uuwi, sabi ko sa katapusan ang uwi ko (sa salitang thai) at tatlo kaming siguradong uuwi sa petsang yon at tinanong kung bakit, hindi raw ba uuwi ang isa, sabi ko mukhang ayaw umuwi dahil sa babae nya dito. Sa pagkakasabi ko non, tumawa sila at sabay sabing mas maganda daw kasi mga babaeng Thai (madam thai suwai kua! sabi sa wika nila) kaya daw ayaw nang umuwi nitong isa naming kasama. Pagkarinig ko ng sinabi nilang yon parang may dugong sumulak sa aking ulo, kahit kasi hindi nila sabihin ng diretso isa lang ang ibig nilang sabihin, mas maganda ang babaeng Thai kaysa sa Filipina. Naisin ko mang sumagot wala ring kwenta dahil hindi ako ganon katatas magsalita ng wika nila at hindi rin naman ako maiintindihan kung sa wikang ingles ko sasabihin ag gusto kong sabihin.

[Read more →]

Tags: