The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

You’re lovin’ don’t pay my bills…

April 4th, 2006 · 5 Comments · Daily dose


The best things in life are free
But you can keep them for the birds and bees
Now give me money
That’s what I want
That’s what I want, yeah
That’s what I want


May naalala akong kwento nang marinig ko ang kantang “money” ni pareng john ng the Beatles may limang skilled workers na pinoy kasi na na-hire dito sa project namin noong nakaraang taon, na walang inatupag kundi mag-beerhouse, mam-babae at kung anu-ano pang layaw sa buhay na akala mo eh, palaging wala nang bukas kung magkasiyahan minsan halos tipirin na ang ipinapadalang pera para sa kanilang mga pamilya makapam-bisyo lang, akala siguro nila eh pangmatagalan ang trabaho nila dito.

Minsan isang gabi, base lang sa kwento ng senior engineer namin, nagrambulan daw yung dalawa sa limang pinoy, muntik pa nga raw mahuli ng mga pulis, kung nagkataon nga baka nakulong sila ng di oras at made-deport pa sila. Ang dahilan nga raw ng away nila ay iti-nable ng isang pinoy yung syota raw nung isa, kaya sila nagsuntukan. Nung marinig ko nga yung dahilan hindi ko mapigilan ang matawa, mag-aaway sila dahil lang sa isang babae na nagta-trabaho sa beerhouse, dahil kasi itinable ng kasama nya yung syota daw nya, naku naman sabi ko sa mga ka-kwentuhan ko, syota lang sya non pag nandoon sya sa beerhouse pero pag wala sya may syotang iba yon kasi nga trabaho nila yon eh ang lambingin ang mga parokyano nila, kung hindi nila gagawin yung ganun hindi sila kikita. Buti kako kung matinong babaeang pinag-aawayan nila okay pa sana.


You’re lovin’ gives me a thrill
But you’re lovin’ don’t pay my bills
Now give me money
That’s what I want
That’s what I want, yeah
That’s what I want


Hindi ko naman nilalahat ng nagta-trabaho sa beerhouse ay hindi matitino, meron paring mga babaeng matitino, mga hindi bagay sa ganoong trabaho na napipilitang lang pumasok sa ganoon dahil wala nang ibang trabahong mapagpilian o mapuntahan, at ang iba’y umaasang mayroong taong mag-aahon sa kanila sa ganoong trabaho. Pero madali namang malaman kung matino yung babae at kung seryoso sila sa kanilang pakikipag-relasyon at hindi dahil trabaho lang. Dito pa naman pag nalaman ka pang dayuhan siguradong kakapitan ka, well siguro kahit saang lugar naman kaya tuloy feeling pogi yung ibang pinoy dito eh.lol

Ang hindi ko lang lubos na maisip ay kung bakit kailangan pang ipahamak ang kanilang sarili, isakripisyo ang future nila ang future ng pamilya nila, sabi pa nga ng isang noypi (yung naagawan daw) ma-deport na kung ma-deport. tamo yung takbo ng isip nila pag-andoon sa pinas hanap ng hanap ng trabaho nag-mamakaawa sa mga kakilala para mairekomenda, tapos pag nasa abroad kung anu-anong kabulastugan ang pinag-gagagawa.

Isip nga naman ng tao minsan ang hirap arukin…..

Tags:

5 responses so far ↓

  • 1 Huseng Busabos // Apr 4, 2006 at 9:38 pm

    Sapul na sapul Jlois. Nadampian lang ng dolyar yung bulsa, karamihan akala mo Hari na.
    Samantala nung nasa Pinas pa, panay ang reklamo sa buhay nila.
    Ayos lang na magpakasaya, Huwag lang sobra-sobra. Gantimpalaan sakripisyong ginagawa, Nakakabuwang na paghihirap mawala.

  • 2 Ann // Apr 5, 2006 at 11:07 am

    Dito rin daming ganyang kwento,(di nga lang beerhouse). Sana isipin rin nila na kaya sila lumayo para magtrabaho eh para sa pamilya nila. Bakit nga kaya may mga taong ang daling magpadala sa tukso?

  • 3 major // Apr 5, 2006 at 12:39 pm

    kelan ba uwi mo pre, gimik tayo pero wag sa beerhouse…
    beergarden na lang…hehehe!!!

    dito mas lalong madami nyan, wala nang trabaho, beerhawz pa din…

  • 4 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 5, 2006 at 2:22 pm

    kala ko madudulas ka na, kuwento lang pala ng engineer! sayang … heheh

    pinoy! ibang-iba ang pinoy! kahit saan :D

  • 5 jlois // Apr 5, 2006 at 4:04 pm

    @huse
    nakakainis din kasi minsan diba? andyan para silang mga basang sisiw sa pag-aaply sa pilipinas tapos pag-naka alis eh, sinasayang ang pagkakataon.

    @ann
    ang problema hindi yata nila naiisip yon ann. pansinin mo ang kadalasang ganyan ay yung nasa skilled o yung mga blue collar, hindi naman sa minamaliit pero karamihan ng nasa ganung job, ganun mag-isip, syempre hindi ko pa rin nilalahat. :)
    @major
    pwede rin major! minsanan lang naman. :)

    @neng
    kwento lang sakin neng! he he he
    kala mo ah!,:) pero minsan syempre gumigimk din kami kaya lang hindi namn ganon. :)

Leave a Comment