The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

For better or for worse

April 8th, 2006 · 15 Comments · Reflections

Nakikinig kasi ako ng wedding songs namin ng aking wan en onli, bigla ko tuloy naalala yung isang eksena na hindi ko mapigilang matawa noong pumunta kami ng seminar para sa mga kumukuha ng lisensya sa pagpapakasal.

Sa mga hindi pa ikinakasal at hindi alam, kailangan ang lisensya bago ikasal kase hinahanap ng pari o ng huwes kung sa sibil, at bago bigyan ng lisensya kailangan din ng certificate na umattend ang couples ng seminar for family planning.

Mga around November 2002 nung umattend nga kami sa seminar mga 10 couples yata kami noon syempre sampu ang lalake at sampu din ang babae so 20 lahat kami. Mostly ang topic sa seminar namin non eh magiging outcome ng pagiging may-asawa na, ang mga adjustment sa isat-isa, and of course family planning.

Ang unang tanong ng conductor ng seminar ay ganito; bakit daw magpapakasal sa isa’t isa, anong dahilan natin kung bakit kaming mga couples na naroon ay magpapakasal, ang karamihan ng sagot ay dahil mahal ang isa’t-isa at ayaw na mawala pa sa kanila, syempre ganun din ang sagot namin ng aking irog, mahal namin ang isa’t isa at ayaw naming mawala pa ang isa sa amin.

Sumunod na diniscuss ay ang buhay may asawa ay hindi tulad ng binata pa na kahit anong oras daw ay pwedeng umuwi, hindi na raw maari yon dahil may naghihintay na sa atin at hindi na tayo isang katawan lamang kundi dalawa na, at syempre ang family planning kung kasama na dito ang pagbibigay ng tip sa pagtatalik kung buntis na si misis (syempre hindi ko na eelaborate magka-ideya pa ang iba mawala ang excitement sa seminar he he) at syempre ang hindi ko malimutan ay noong ang conductor ay magtanong “nakahanda ba kayo na sumuong sa buhay, na sinasabi ng iba ay magulo”, “nakahanda ba kayo na makasama nyo ang isang tao na hindi nyo naman kanu-ano, makakaya nyo ba?”Syempre sagot namin oo namn kayang-kaya wala namang hindi sa nagmamahalan eh diba?.

Pero natawa ako don sa isang couple noong sila ang tinananong, ang babae walang kagatol-gatol na sumagot na oo naman kayang-kaya, pero itong lalake natigilan parang natauhan sa napipinto nyan kalalagyan, at iiling-iling na sumagot ng titiisin ko, seryoso pa ang pagkakasabi habang nakatungo ang ulo, kaya naman hindi talaga namin napigil ang magtawanan, pati ang conductor ng seminar hindi napigil tumawa. Kaya yun pukpok ang inabot sa magiging misis nya.lol

Wala lang naikuwento ko lang….

Tags:

15 responses so far ↓

  • 1 Ann // Apr 8, 2006 at 2:18 pm

    hahaha! baka pikot lang sya.

  • 2 melai // Apr 8, 2006 at 9:43 pm

    hehehehe!! kaka aliw :)

  • 3 jhay // Apr 9, 2006 at 5:32 am

    Hahaha! Nagdadalawang-isip tuloy ako kung magpapakasal ba ako o hindi, ;P

  • 4 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 9, 2006 at 6:39 pm

    sigurado kang di ikaw yon? hehehe

  • 5 tekla // Apr 10, 2006 at 7:34 am

    nyahaha! baka nahiya yung lalake kc yun ang pakakasalanan nya :D
    dapat pala scripted na yung mga issagot nmin..salamat sa tips hehehe

  • 6 jlois // Apr 10, 2006 at 7:44 am

    @ann
    yon ang di ko alam kung pikot lang sya :)
    @melai :)
    @jhay
    ba! wag kang magdalawang isip masarap pa rin ang magpakasal, syempre don sa babaeng mahal :)
    @racky
    hindi ako yon racky, siguradong sigurado ako, kulit mo talaga :)
    @tekla
    he he he, hindi ko alam kung nahihiya o baka, ayaw pa nya pakasal :)

  • 7 lojik // Apr 10, 2006 at 8:27 am

    heheh.. i think the guy’s thinking or maybe not! heheh ulet.

  • 8 Royce // Apr 10, 2006 at 9:17 am

    Titiisin daw na lang niya nga ang kakulitan ng mapapangasawa nya. Kasi daw, la ng atrasan at may sundang na nakaabang ang ama nito’t nagdadalang-tao na daw LOL LOL LOL

  • 9 lil _kath // Apr 10, 2006 at 9:40 am

    …nyaaa ganun ba seminar?di ko kase naranasan yun eh..kundi malamang nangulit ako dun sa city hall haha..
    …teka pano ba ko nakasal?parang gusto ko ng kalimutan yang episode na yan eh…naglupasay kase hubby ko nung first time pumunta sa pinas,ayaw na bumalik ng japan so wala na ko nagawa kawawang kathy..napa-oo ng di-oras hehe (shut up kathy,ur crazy!)
    …shhhh! jlois wag mo ko sumbong ha^_^ loko lang..luvs ko yun si hubby,wala na kong mahahanap na ibang tulad nun puro yes ang sagot nyahaha!
    …almusal muna ko..kulit ko na naman eh!

    cheers,
    -kathy-

  • 10 Ka Uro // Apr 10, 2006 at 10:43 am

    sabagay totoo naman na maraming bagay ang di mo na pwedeng gawin kapag may asawa ka na. iba ang buhay binata sa buhay may asawa. problems arise when married people start to behave as if they are still single.

  • 11 yuri // Apr 10, 2006 at 3:09 pm

    hahahaha natawa ko dun ha… na imagine ko tuloy ano hitsura nong babae sa sinabi nung asawa to be nya…. hahahahahaa

  • 12 Mistyjoy // Apr 10, 2006 at 3:23 pm

    sigurado napikotyun kaya di nakaimik. hehe ayos ang topic mo…

  • 13 jlois // Apr 10, 2006 at 6:43 pm

    @lojiks
    well i dont think he is thinking of what he’s thinking… ha ha ha kulit!

    @royce
    actually di ko alam bakit nya nasabi na titiisin nya, eh simple lang naman ang tanong eh.. :)

  • 14 jlois // Apr 10, 2006 at 6:46 pm

    @kathy
    actually kathy di ko alam kailan nag-simula na kailangan pa ng seminar, kasi noong nilalakad ko yung lisensya para sa kasla namin eh hiningan pa ako ng certificate na umatendd ako ng seminar kaya nag-seminar kami.

  • 15 jlois // Apr 10, 2006 at 6:50 pm

    tama ka nga ka uro, iba talaga ang buhay binata sa buhay may asawa, kaya nga siguro natigilan sya at nasabi nya yung ganoon, pero dapat una palang na pag-isispan nilang magpakasal eh dapat alam nilang mababago talaga ang magiging buhay nila diba?:)

    @yuri
    medyo nahiya nga yung itsura ng babae, sa reaksyon nya kay nga napukpok eh. :)
    @misty
    yan ang hindi ako sigurado kung napikot nga sya, kasi wala namn akong nakitang baril sa tagiliran eh. lol:)

Leave a Comment