The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Beauty is in the eye of the beholder

April 10th, 2006 · 25 Comments · Daily dose

Kanina habang kumakain ako sa canteen sa may tapat ng opisina namin, tinanong ako ng may-ari kung kailan daw ang uwi ko, at tinanong din kung ilan daw kaming uuwi, sabi ko sa katapusan ang uwi ko (sa salitang thai) at tatlo kaming siguradong uuwi sa petsang yon at tinanong kung bakit, hindi raw ba uuwi ang isa, sabi ko mukhang ayaw umuwi dahil sa babae nya dito. Sa pagkakasabi ko non, tumawa sila at sabay sabing mas maganda daw kasi mga babaeng Thai (madam thai suwai kua! sabi sa wika nila) kaya daw ayaw nang umuwi nitong isa naming kasama. Pagkarinig ko ng sinabi nilang yon parang may dugong sumulak sa aking ulo, kahit kasi hindi nila sabihin ng diretso isa lang ang ibig nilang sabihin, mas maganda ang babaeng Thai kaysa sa Filipina. Naisin ko mang sumagot wala ring kwenta dahil hindi ako ganon katatas magsalita ng wika nila at hindi rin naman ako maiintindihan kung sa wikang ingles ko sasabihin ag gusto kong sabihin.

Dahil doon naalala ko yung minsang sagutan namin ng babaeng thai na ka-opisina ko.
babae: “you know i think na!, thai lady is more beautiful than filipino lady
ako: “really huh?, so what makes you said that?”
babae: “i think na filipino lady’s skin is darker than thai lady”
ako: “oh! really now? why? have you ever been in the philippines? do you know what Filipina look like??

Sa puntong yon di na sya sumagot, siguro dahil hindi nya masuportahan ang sinabi nya o siguro kasi hindi pa sya nakapunta sa pinas, at hindi na rin ako sumagot para hindi na humaba pa ang diskusyon dahil talo ako nasa teritoryo nila ako eh.lol Nagtataka lang ako kung bakit nila nasasabi yong ganon, bakit sila nakakapagkumpara sa isang bagay sa ibang lugar na hindi pa nila napupuntahan at nakikita. Kung tutuusin halos pareho lang itsura ng Filipina at thai, kung magsasama-sama nga sila sa isang lugar hindi mo malalaman kung sino ang pinay o kung sino ang thai basta huwag lang magsasalita, Kung ako ang tatanungin at hindi ako magiging bias maraming magaganda dito, at marami ring hindi maganda, tulad din naman sa pilipinas at sa iba pang lupalop, may magaganda at hindi maganda.

Pero sa ganang akin mahirap pa rin talagang sabihin kung sinong mas maganda sa kung sino dahil nga bawat tao ay may iba’t ibang opinyon, at may iba’t iba ring pamantayan sa pagtingin sa kung sinong maganda at kung sinong hindi, kung sa ating paningin ay isang babae ay maganda sa iba ay hindi. Sabi nga ng kasabihan sa wikang ingles “beauty is in the eye of the beer holder” ay mali! “beholder” pala, hik..

Tags:

25 responses so far ↓

  • 1 malaya // Apr 10, 2006 at 6:50 pm

    uy nauna ako (hehehe)
    sa palagay ko, kahit saang bansa ka rin mapunta, mas malaki ang kumpiyansa ng mga local resident sa kanilang lahi.
    Ang importante lang marunong din dapat silang tumanggap ng kanilang kahinaan.

  • 2 jlois // Apr 10, 2006 at 7:25 pm

    @malaya
    yan ang nakikita kong negative sa karamihan nila, yung tipong para sa knila sila ang mas magaling , mahusay at maganda. lalo na kung ikukumpara sa ating mga pinoy, pero syempre hindi ko pa rin nilalahat

  • 3 thess // Apr 11, 2006 at 4:22 am

    Sawadee kabayan! unang una, salamat sa pagdaan at pag iwan mo ng komento sa blog ko, buti na lang iniwan mo rin ang URL mo, kung hindi, lilibutin ko ang mundo ng blog just to find it.

    2nd, i agree that beauty is in the eye of the beerholder heh heh…i think tama lang ginawa mo ng hindi mo na pinahaba usapan nyo ng officemate mo’ng thai..Pilipin(yung thai tonation ha) suwai mak mak! khun thai, mei suwai (sabay iling) ha ha..I’m just kidding. Baka kasi puro kayumanggi nakikita nyang mga pilipina. Baka magulat sya pag nakita nya mga mistisang pinay/pinoy sa atin :)
    I have worked and lived for several years in Thailand and I’ve seen both the good and bad (side) of its people. So I think, either na kulang sa information si office mate or sadyang pintasera lang.

    3rd, inggit ako nasa thailand ka pala, miss ko na dyan :(

  • 4 VemSan // Apr 11, 2006 at 7:41 am

    actually mga ka trabaho ko noon at ngayon di maniwala na pinay ako. siguro dahil kala nga nila lahat ng pinay kayumanggi eh medyo fair complexion ako. ewan ko ba me identity crisis din kasi tayong mga pinoy.

  • 5 melai // Apr 11, 2006 at 12:49 pm

    basta ako……..
    hindi maganda
    kahit nakainom ka pa
    lol!!!!!!

    yokong magsalita bout kagandahan!!!
    nakakapanindig balahibo kung sa akin manggagaling lol!

  • 6 lojik // Apr 11, 2006 at 1:32 pm

    naku jlois..lasiing ka pa ata!ahahaa! di ka ba makatulog sa gabi sa sobrang kaexcitedan mo? haha…

    i still believe that BEAUTY comes from within! thank you! ahahah..feeling ko nasa beauty contest ako!

  • 7 Mmy-Lei // Apr 11, 2006 at 2:39 pm

    di lahat ng thai maputi, punta ka sa mga probinsya nila, makikita mo ang kulay ng mga lokal nila.

  • 8 clown // Apr 11, 2006 at 2:41 pm

    cool ka lang jlois, basta ako sure na sure na isa lang ang maganda sa paningin out of these days, si KUMANDER mo, diba?

  • 9 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 11, 2006 at 5:52 pm

    porke maputi maganda na? sa amin mas gusto ang kayumanggi, sayang nga mejo fair ang kutis ko :D
    mga kilala kong Thailander eh mas maputi ako noh?
    mahirap nga makipagdiskusyon sa mga ….. ‘lam mo na :)

  • 10 skulgirltrx // Apr 11, 2006 at 8:35 pm

    hi long time no post! it’s good to hear that you will finally have your vacation ;)

    about your post, my take is that beauty just like everything will pass but goodness done towards other people will remain eternal di ba? :)

  • 11 MaXi // Apr 12, 2006 at 1:18 am

    jlois, makapunta nga ng thailand hehehehhe… meron ako classmate na thai din ayaw maniwala na pilipin woman ako hahahha di ko nga pinatulan baka lumawak pa diskusyon namin, umiinit talaga tenga ko pag pilipin woman na ang topic kasi discriminate ba ng mga ibang nationals na konti lang alam about the filipino people.

  • 12 jlois // Apr 12, 2006 at 7:38 am

    @thess
    sawadee krap! din kabayan, di ko na lang talaga pinatulan dahil naaawa ako sa naya dahil di nya alam sinasabi nya, sa tingin ko karaihan sa kanila kulang sa information about our country and our people.

  • 13 jlois // Apr 12, 2006 at 7:44 am

    @vemsan
    tama ka nga vemsan para ngang may identity crisis tayo, o baka naman wala lang silang interes na alamin ang culture natin at mga tao sa atin kaya karamihan ganun.:)

    @melai
    sobra mo nmang nilait sarili mo melai
    “beauty is in the eye of beholder” diba at sabi rin ni lojiks “beauty comes from within”. ang beauty hindi lang pang-pisikal kundi pang-loob din :)
    @lojiks
    oo excited ako pero di pa ako lashiiing kasi wla akong kainuman dito.

    @mmy-lei
    kahit naman sa bangkok mmy-lei marami ring miitim kaya hindi ko na kailangang pumunta ng probinsya nila kait nga dito sa lugar namin dami maitim mga nangingintab pa nga eh.

  • 14 lojik // Apr 12, 2006 at 7:46 am

    hehehe………pangit nga mag inom ng solo! nakakasenti. hahah! inom tau! tagay…

  • 15 jlois // Apr 12, 2006 at 7:49 am

    @clown
    cool naman ako eh, syempre si misis ang pinakamagand para sa akin kasi hindi lang ang mata ko ang nakakakita ng kagandahan nya kundi pati ang puso ko :)
    @racky
    hindi naman lahat ng thailander neng maputi, tsaka hindi rin lahat sila maganda, masyado lang proud yung ka-opisina ko kay ganun yon, kaya nga kibit balikat na lang ako eh:)

    @skulgirltrx
    oo nga sa wakas makaka-uwi na rin. :)
    @maxi
    wala nga yatang masyadong interesado sa culture natin kaya maraming hindi nakaka-alam kung ano at sino talaga ang mga pinoy.

  • 16 lil _kath // Apr 12, 2006 at 8:21 am

    …sabihin mo sa girl na yan sori sya hehe (manood sya kamo ng beauty contest)kase di nawawala filipina sa finalist most of the time pa winner(snobbing her right now)hmmph!
    hehe ^_~
    .yung nanalo nga ng Miss Young International(ginanap dito sa Japan)pinay yeyyy! (clap clap)
    ..syempre proud to the max ang mga filipino sa japan…nag-guest sya sa tv grabe..iba talaga ang pinay!
    kaya sabihin mo jan sa girl na yan imulat nya mata nya…at wag ko lang sya masasalubong sa kanto..iirapan ko sya hehe!
    ..ano ba trip ko?aga-aga pa..kape pa lang kase ko..jlois uwi ka na no ?
    ..kakainggittttt(balik nyo na ko sa pinas)waaaa…kaya nagkakaganito ko eh^_^

  • 17 Royce // Apr 12, 2006 at 9:52 am

    ‘tol sinabi mo sana sa officemate mo at dun sa kinakain mo na ang pinakamagagandang dilag sa buong mundo’y mga kablogkada nating mga chics!!!!!!!!

    Sila talaga at wala ng iba! Kung meron man, pangalawa na lang sila hehehe

    Tinanong mo sana sila kung ilang Thai na ang naging Miss Universe, Miss World, at Miss dito, at Miss Doon. Pinay pa rin ang champ!!!

    Ayos ba mga pare? (Sigue kayo, ingats sa sagot…anjan sila, nagmamasid) hehehe

  • 18 arvin // Apr 12, 2006 at 12:37 pm

    nde ako pwedeng makisali sa paghusga kung sino ang mas maganda, nde pako nakakakita ng thai na babae sa tanda ko..

    dibale.. tingin ko nde na un importante sau basta happy ka sa wife mo ;)

  • 19 KaDyo // Apr 12, 2006 at 2:26 pm

    tama ka beauty is in the heye of the beolder…Beauty is not in the face; beauty is a light in the heart.

  • 20 MaXi // Apr 12, 2006 at 9:47 pm

    pag ang byuti ay nawala sa mga eyes ng mga tumitingin, kailangan ng pumunta kay dr belo pra maibalik ang kanilang paningin… whew!!! ang layo ko na! wla lang di kasi gumana ang utak ko ngayon puro bacteria at mga maliliit na anik anik ang nasa memory ko ngayon.

  • 21 Sarah // Apr 13, 2006 at 1:31 am

    haysus.. nainis naman ako sa sinabi. porke ba fairer skin mas maganda na? ang dami daming morena beauty ha! ang babaw naman nya!

    pero oo, dapat naman kasi wag nalang mas maganda ang _country_ ladies kesa sa _conutry2_ ladies. beauty is subjective! tama. beauty is in the eyes of the beer holder!

  • 22 jlois // Apr 13, 2006 at 9:59 am

    @kath
    easy lang kath! sge ka magka-wrinkles ka! he he he.

    @royce
    di alam ng ka-opiina ko kung ilang beauty queen na na-produce nila kay useless kung tanong ko yon :)

  • 23 jlois // Apr 13, 2006 at 10:01 am

    @arvin
    tama ko arvin di na importante sa akin kung i-claim man nilang maganda sila basta ako mas-maganda talaga si misis :)

  • 24 Ann // Apr 15, 2006 at 5:42 am

    “beauty is in the eye of the beholder” Tanungin mo si KD kung sino ang pinakamaganda sa paningin nya?..hehehe..Wag na lang kaya baka iba pa ang isagot.

    Happy Easter!

  • 25 maureen // Sep 24, 2007 at 8:03 am

    ppatulan ko pa ba to? history na tong post mo ha… pamparami rin to ng comments, hihihi!!!

    ang sa kin lang “essential things in life are seen not with the eyes, but with the heart” including beauty. this is a quote from The Little Prince. i hope u get to share this beautiful book with ur son bcoz my kids love this too!

Leave a Comment