
Nitong nakaraang linggo wala naman akong ginagawa, well! lagi naman akong walang ginagawa tuwing araw ng linggo, maliban sa paglalaba pagkatapos wala na, gala na o kaya tambay sa internet cafe. Kaya sumama na lang akong magsimba (syempre pasko ng pagkabuhay eh!) nang inaya ako ng senior engineer namin at ng mga anak niya kasama ang isa nilang kaibigang noypi. Pagkatapos naming magsimba at makakain ng tanghalian tumuloy kami sa crocodile farm sa may samut prakarn province, na-feature na daw sa extra challenge ng GMA7 ang crocodile farm sabi lang sa akin ng anak ng senior eng’r namin, kung kailan na-feature hindi ko alam.
Ang crocodile farm ay
ang pinakamalaki daw na breeding farm ng mga buwaya sa buong mundo, saksakan ngang dami ang mga buwayang inaalagaan doon, sari saring klase ng buwaya hindi nga lang kasama yung klase ng buwayang nakikita natin sa kalye na nagtatago sa likod ng poste. Hindi lang naman puro buwaya lang ang makikita dito, isa rin itong zoo ang maganda pa rito may mga show din tulad ng elephant show at crocodile wrestling show. Unang beses ko pa lang napuntahan ito kaya ayos! natuwa na naman ako nabawasan na naman ka-homesickan ko, paano nakakatuwa kasing makakita ng elepanteng naglalakad with their hind legs ang tagal pa naka 40 somethingna steps yata, meron pang elepanteng tumutulay sa alambre (1 ft. above the ground lang ang taas). At ang pinaka d best ay itong crocodile wrestling show, dito mo makikita kung gaano kahirap talaga kumita ng pera mantakin mong makita mo na ipasok ang ulo sa bibig ng buwaya at iyong mga pera na inihahagis ng mga manonooday inilagay sa bunganga ng buwaya at dahan dahang kinuha (tingnan nyo na lang sa picture).
All in all, its really a good experienced and awesome entertainment i really do enjoyed it speciallythe croc’s exploit, it is something surely someone shoudn’t miss when visiting thailand. Medyo mahal nga lang ang entrance fee for foreigners (500 baht), tapos sa local 50 baht lang, pero magaling mag-thai yung kasama namin kaya 50 baht lang binayaran namin, hindi na lang kami nagkuwentuhan habang papasok kami.
21 responses so far ↓
1 JoLoGs QuEeN // Apr 19, 2006 at 12:12 pm
sabi nila halos pantay lang daw ang currency ng pinas sa thailand.
at saka halos pareho ang mga makikitang items sa kanila dito satin.
m/
2 jlois // Apr 19, 2006 at 12:35 pm
@jologs queen
Oo halos pantay ang currency ng thaialnd sa pinas lamang ng konti ang thai ngayon (1.38 peso = 1.00 baht)
at oo pareho rin halos ng item nila sa atin yung mga traditional lang nilang kasuotan ang kaibahan nila at maraming mga imitations dito ng mga signature items.
3 jaleesa // Apr 19, 2006 at 5:26 pm
ang dami ko ng namiss na entries mo. i had a chance of reading them today
ay ‘di ko napanood yan crocodile show na yan when i was in thailand. next time na lang siguro
i really enjoyed visiting the temples saka yun buddhas.
have a good day!
4 Mmy-Lei // Apr 19, 2006 at 7:00 pm
ang daya nyo!!! hehehe, nakatipid kyo!
5 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 20, 2006 at 2:42 am
napanood ko na rin sa tv yan! alang binatbat ang thailand kumpara sa pinas … mas maraming buwaya sa atin (world record):D
mas interesting yata kung iyong pic ni jlois sa simbahan ang nandito! para kcing di ako naniniwala eh! hehehe
6 jlois // Apr 20, 2006 at 7:55 am
@jaleesa
sayang nga di mo napuntahan yong crocodile farm pero marami namng next time eh diba?
@mmy-lei
syempre mmy-lei!, sila rin eh madaya porke ba foreigner eh 500 na, unfair diba kasi sa atin kahit foreigner pareho presyo sa local kaya nandaya din kami. he he he
7 jlois // Apr 20, 2006 at 7:57 am
@racky
mas interesting bang makita na nasa simbahan ako?,he he he, maniwala k nmn pleaseeee kahit naman paminsan-minsan eh nagsisimba rin ako.:)
8 arvin // Apr 20, 2006 at 11:28 am
“crocodile wrestling show”
nde ko ata ito ma-imagine!
kakatuwa naman… nde ko maalala na nakita kung na-feature na nga ‘yan sa extra challenge pero may natatandaan nga akong crocodile farm pero dito lang ata un sa pilipinas.. hehe. ewan ko tlga.
cool! at naks unti nalang at ‘home sweet home’ ka na pala
pasalubong! hehe kahit isang crocodile lang (marami na pala butiki dito) at sure you could link me (meron na nga nakita ko) hehe
9 Mistyjoy // Apr 20, 2006 at 11:59 am
wag ka na magdala ng crocodile d2. ang dami, over loaded na… may hayop na may tao pa. –joke–
request naman dyan: magpost ka naman ng pic mo, gusto ko makita si jlois kahit side view lang
10 kneeko // Apr 20, 2006 at 12:26 pm
d ko makita mga buwaya ah… mura daw dyan lacoste kasi me pagawaan daw?
Dito nga eh ung Rufina patis - made in thailand, ginaya lang din nila.
11 jlois // Apr 20, 2006 at 7:55 pm
@arvin
hindi mo ba ma-imagine, hindi ko rin alam bakit tinawag nilang wrestling hindi naman lumalaban yung mga buwaya lol.
hindi ko rin tanda eh kung kailan na feature sinabi lang nga sa akin ng isang pinay na na nakapanood non.
naku buwaya pa ang gusto mong pasalubong marami dyan sa atin punta ka lang sa kanto baka nakatago sa poste
@misty
syempre hindi ko na kailangan magdal ng buwaya mas marami sa atin lol, picture ko ba gusto mong makita? imaginnin mo na lang yan baby pic ako din yan paglaki nya he he he.
@kneeko
marami kasing pirated dito ng mga signature item.:)
12 vemsan // Apr 21, 2006 at 6:28 am
di ko yata makakaya yung ginagawa nung mama kasi naman alam naman ng lahat na bad breath ang mga buwaya… heheheh… kidding aside, sana may ganuyan din dito… =)
13 lojik // Apr 21, 2006 at 10:26 am
waahahaha! aliwin ang sarili, pantanggal senti.
parang ang cute panoorin ng malalaking elepante sa circus nila. hirap nga kumita ng pera no? hahah..di birong ilagay ang ulo mo sa loob ng bunganga ng buway… dapat titira ka muna ng basahan..hahah
nalalapit na……uwian na to.. amoy tsokoleyt na! hahah
14 jlois // Apr 21, 2006 at 10:38 am
@vemsan
oo nga bad breath talaga ang mga buwaya lol
@lojiks
nakakaaliw tlaga, tsaka nakakatakot kasi baka madaganan ka ng mga yon, mas matindi kung gamit na brief o gamit na tipan ang tirahin para mas matindi ang tama lol.
nangangamoy tsokoleyt na ba? lol
15 lukin reloaded // Apr 21, 2006 at 12:34 pm
na-feature ata yan sa isang TV station d2. I forgot when.
16 cruise // Apr 21, 2006 at 10:44 pm
galing sa thailand no? ako din dati sinama nung friend ko doon sa isang pasyalan din, walang bayad kapag thai, sabi sa akin ng kaibigan ko, hwag na hwag akong magsasalita basta lakad lang daw ng diretso, kinabahan ako pero di nga kami sinita kasi mukhang naman siguro kaming thai… hehehe
17 Obi Macapuno // Apr 21, 2006 at 10:47 pm
magaganda ang bebot sa Thailand. period. hehehe.
18 Royce // Apr 22, 2006 at 7:49 am
Pre na-feature na din yata yan sa Discovery Channel…
Na-overtaken na tayo ng Bhat? Eh baka ang susunod jan eh overtake na din ang Rupiah ng Indonesia. Patay pag nangyari yun, Supposedly
maganda ang standing ng foreign exchange natin for quite sometime. To top that, tumataas ang value ng Pesos versus US$.
Dejado nga ang mga nagre-remit at mga tourist kasi ang baba ng palitan. Last year nanjan ako tila ata nakapalit pa ako sa $1-P56 kaya enjoy talaga kasi parang teks pagnagbilang ka ng P1K bills sa palitan hahaha. Kabilis naman maubos din hehehe
19 jhay // Apr 22, 2006 at 8:11 am
masaya at exciting ang pagpunta sa mga crocodile farms, minsan nakapunta ako sa isang crocodile farm sa palawan, thrilling at sa wakas, nagawa ko na din (kahit papaano) ang ginagawa ng mga naturalists at biologists na napapanood ko sa Nat. Geo at Discovery channel. lol
20 jlois // Apr 22, 2006 at 8:41 am
@cruise
ganyan dito cruise, hindi tayo napagkakamalang dayuhan kung hindi tayo magsasalita, kaya nga mdalas akong napagtatanungan eh.
@obi
magaganda nga obi, tulad din ng mga pinay pero mas malambing ang mga pinay
@royce
oo royce na-overtaken na talaga ayo ng baht 1.38 to 1 peso na nga pero nung 1998 pareho lang ang rate ng baht at peso dahil na rin sa political going ons sa pinas kaya nagkaganon, inabot ko yung yung palitan na 56=1 last year nung umuwi ako ngayon 51=1 na lang eh bumaba tuloy sweldo ko lol.
pag tumaasa ang rupiah sa atin imaginin mo gaano na kababa ang pera natin no, baka magkagulo na sa atin non pagnagkataon.
@jhay
tama ka masaya at exciting talaga parang may part syo na feeling mo part ka ng nature diba?
21 KaDyo // Apr 22, 2006 at 2:50 pm
hehe buti nalang at di kayo nagkibuan siguro sabi noong nasa gate mga mahiyain kayo kaya ayaw nyong magsalita hehehe
Leave a Comment