isang taon na ang lumipas
na labis ang pangungulila
alaala mo aking ligaya
ang lagi kong kasama
isang taon na ang lumipas
nang huli kang nahagkan
nang huli kitang nayakap
at nasilayan
isang taon na ang lumipas
na laman ka ng aking panaginip
na tanging unan lamang ang kayakap
pinapangarap kong makita kang muli
mahaplos ang iyong mukha
mayakap ka’t mahagkan
araw ay halos hilahin na, dahil sa pagka-inip
sa aking pagbabalik sa bayang minamahal
at sa piling mo aking mahal
11 responses so far ↓
1 Mistyjoy // Apr 24, 2006 at 10:29 am
naks naman……. uwing uwi na talaga.
poet ka na rin pala. ganda ng tula, sana may gumawa din tulang ganyan para sa akin. lol!
2 major // Apr 24, 2006 at 1:37 pm
mukhang intensity 100 ang lindol pagbalik mo ng pinas..hahaha
3 tutubing_karayom // Apr 24, 2006 at 2:47 pm
Natawa nman ako sa Comment ni Major.. pero i second the motion narin.. heheh!! totoo ngayan, baka nga makabuo kapa ng isang junior heheh!!!
Isang paalala, magbaon ng french na pasalubong galing kay Big Daddy.. para maibahagi sa iyong mahal… ang french kiss!!!
Nman, nainggit na nman si Tutube!!!
4 melai // Apr 24, 2006 at 3:43 pm
hehehehehe homesick na homesic e malapit na namang umuwi
san ka ba sa pinas pre?
5 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 24, 2006 at 4:28 pm
pare … hwag mo akong kalilimutan kapag nagpabinyan ka ha! hehehe
konting tiis na lang! teka, para kanino ba yan? kay #1, #2 or #3???
6 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 24, 2006 at 4:29 pm
ano ba yan … mali na naman …
binyag!!!
nahahawaan kc ng kasentihan eh
7 Bryan Anthony the First // Apr 24, 2006 at 4:35 pm
i use to write Tagalog poems, but i never really pulled it off
u did well, be a poet some more!
8 karmi // Apr 24, 2006 at 5:04 pm
yahoo!!
finally im home ang drama ni kuya!
ingatz paguwi ha!!!
ang dami atang pasalubong!!!
9 jlois // Apr 24, 2006 at 9:34 pm
@misty
poet ba misty? baka puwet? lol
@major
malabong intensity 100 major, walang ensayo eh. lol
@tk
hindi lang french kiss tk, pati kiss mala rapist pa! lol
@melai
oo nga melai HM na HM talaga, sa pasig ako pre!lol
10 jlois // Apr 24, 2006 at 9:38 pm
@racky

oo ba! mare ikaw pa makakalimutan ko, syempre kay one and only wife lang
@bryan
thanks, inspired lang siguro
@karmi
yeheey! uwin ako sa linggo! ikaw din eh diba?, madrama ba? ganun talaga ang nasasabik sa iniirog eh
11 melai // Apr 25, 2006 at 1:12 pm
ay layu mo pala pre
Leave a Comment