The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Ang aking mithiin

April 25th, 2006 · 17 Comments · Poetry, Senti

araw at gabi
ang aking minimithi
ay makapiling kang muli
madamang muli
ang malambot mong labi

panaginip ka sa bawat gabi
sa tuwina ay alaala
maghapon ay tulala
sa loob ng opisina
dahil mukha mo sinta
ang laging nasa-isipan

namamaluktot sa lamig ng gabi
ang katawang sabik
hinahanap ang yakap
mong walang kasing init

tanging mithiin ko
sana’y maka-uwi na
at nang matapos na itong
aking pagda-drama

hintayin mo ako sinta
sa aking pagbabalik
upang ang naudlot nating pag-ibig
ay muli nating madama

Tags:

17 responses so far ↓

  • 1 VemSan // Apr 25, 2006 at 9:34 am

    naks! gawa mo yang tula kuya?! galing!

  • 2 clown // Apr 25, 2006 at 10:22 am

    tsek!tsek! parang masama na ang tama sau ng homesik ah, lumalala yata ang pagiging korni mo heheheheh.

    ingat, ilang araw na lang uwi kana. be sure na tino ka pa pagdating sa airport, at wag mo munang tutulaan c misis, baka ma shock….ideretso ka s mental.

  • 3 lil _kath // Apr 25, 2006 at 10:33 am

    huuuu talaga naman^_~ yakap na yakap si jlois yeyyy! 4days down to go…uy gudlak ha,kwento ka pag nag-chat tayo pag-uwi mo hehe..promise mo yan ha,lagot ka sa amin nila neng,mmy-lei at ann ^_~

    cheers,
    -kathy-

  • 4 Mistyjoy // Apr 25, 2006 at 10:56 am

    tula na naman?! aba talagang kinakarir mo na yan… idaan mo na lang kaya sa sayaw. mahirap kasi yang isip ng isip. masama yan pag lumala…

  • 5 jlois // Apr 25, 2006 at 12:55 pm

    @vemsan
    he he! ayos ba? dulot ng ka-homesickan ko :)
    @clown
    mukha nga lumala clown! he he

    @kath
    sabik na sa yakap kasi kath! :) oo nga 4 days na lang kaya lagi akong tulala :)
    @misty
    ha ha ha!, kinarir na ba? hindi pa nmn kinakarir misty, kahapon ko pa kasi nagawa yan eh sayang nmn kung hindi ko post, hindi ako marunong magsayaw tska pag nagsayaw ako dito baka sa mental ako dalhin hindi sa pinas!lol

  • 6 malaya // Apr 25, 2006 at 1:38 pm

    wow, pag-ibig here he comes.
    baka wedding bells na kasunod n’yan.invite mo naman kami! hehehe

  • 7 jlois // Apr 25, 2006 at 1:47 pm

    @malaya
    tapos na po ang wedding bells !lol
    last three years ago pa, kaya lang naudlot na pag-ibig kasi hindi pa na-enjoy kasi 1year pa lang kasal nag-abroad na agad ako.:)

  • 8 lojik // Apr 25, 2006 at 3:07 pm

    huwaw! tumutula ka na rin ah!

    heheheh! lapit na pala talaga! less than a week na! uuwi rin si melai eh.

    ayos yan! tula lang ng tula para mapraktis!

  • 9 Ann // Apr 25, 2006 at 3:54 pm

    Nakup! Delikado, malamang masundan ang panganay. Tindi ng homesick eh.

  • 10 Royce // Apr 26, 2006 at 5:40 am

    Dre ang lupit naman ng tula mo. Mukhang ipon-na-ipon na talaga ang…..hehehe lam mo na yun, hehehe

    Basta kita-kits tayo jan nila Manong B., Ella, Basey, at kung sino pa man sa blogkada ang dadalo.

  • 11 jlois // Apr 26, 2006 at 7:47 am

    @lojiks
    ayos ba? pasable na ba? sobrang HM kaya nakagawa.:)

    @ann
    sana nga masundan, balak talagang sundan na eh:)

    @royce
    marami na talga ipon naka-reserve na eh, sge kitakitts na lang dre!

  • 12 phoebe // Apr 26, 2006 at 10:58 am

    ganun ba? hihintayin kita… nyahaha… i labu. teka… macho na pala ako. hihintayin ka nalang namin ng misis mo.. ehehe…

  • 13 iya // Apr 26, 2006 at 11:01 am

    So sweet! Kuya…natouch ako. sus, kung ako yung girl…i’d melt grabe!

    Namiss po kita! sorry po, nagiguilty tuloy ako sa di pagdalaw dito! huhu

    musta kna po?

  • 14 kls // Apr 26, 2006 at 11:26 am

    Galing, ah! Makabagbag damdamin.

  • 15 jlois // Apr 26, 2006 at 1:23 pm

    @machong phoebe
    nababakla ka na yata sa akin eh!lol he he

    @iya
    ok lang ako iya, uuwi na kaya mas lalong inip. :)

  • 16 jlois // Apr 26, 2006 at 1:51 pm

    @kls
    thanks, HM kasi kaya makabagbag damdamin. :)

  • 17 tutubing_karayom // Apr 27, 2006 at 5:16 am

    Nahawa lang nman ako sa kakatula mo makisig
    Kaya ako ay napaisip at nausig

    Na kelangan kona palang gamitin
    ang talento kong taglay

    Upang sa pagdating ng tinakdang araw
    Pakpak ni tutubi ay magiging bagwis narin daw!!!

    toink! ang baduy!! hehe!

Leave a Comment