The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Mukha ba akong thai?

April 26th, 2006 · 22 Comments · Daily dose

Malapit na talaga akong umuwi 3 days na lang uwian na at last pagtapos ng isang taon makakauwi na rin makakapiling ko na ulit mag-ina ko, ooops tama na muna drama, kuwento na lang muna ako, kasi kahapon habang pauwi ako biglang may humintong sasakyan sa tabi ko at may itinanong yung driver, pakiwari ko ay nagtatanong sya ng kung saan ang isang lugar, yun nga lang dahil sa hindi ko maintindihan kung lugar ba ang tinatanong o pangalan ng tao kaya sinagot ko na lang sya ng “i’m sorry, i don’t understand”, in short napagkamalan na naman akong thai, sabagay madalas namang mangyari yon sa akin sa katunayan nga sa loob ng dalawang taon at dalawang buwan kong pamamalagi dito sa bansang ito maraming beses na akong napagtatanungan ng “kung saan itong lugar na ganito” at “kung saan daw itong ganire”, at kung anu-ano pang mga tanong na halos hindi ko naman maintindihan, lalo na noong medyo bagu-bago pa ako dito, at wala pang alam ni isang katiting na salita nila.

Natatanong ko tuloy ang sarili ko noon kung mukha ba akong thai. Minsan naman pag nasa mall naman ako at nagwi-window shopping ang madalas namang bati ng mga sales ref ay greetings na thai pa rin na hindi ko rin naman naiintindihan. Pero kadalasan kahit saan ako magpunta hindi pumapalya napagkakamalan akong lokal.

Kaya minsan noong isang taon yon, tinanong ko ang isa kong ka-opisinang thai kung mukha ba talaga akong thai?, ang sagot nya walang kagatol-gatol no oo mukha nga daw akong thai, pero dahil sa makulit ako tinanong ko ulit kung may pagkakaiba ba, ang sagot nya ay wala daw. Sabagay totoo naman ang sabi nya, base rin sa nakikita ko. Minsan okey rin naman na napagkakamalan akong thai kasi may benefits naman minsan eh, tulad na lang noong nagpunta kami sa crocodile farm nakapasok kami na ang bayad eh pang lokal lang.

May pagkakataon tuloy na nagti-trip ako sa tuwing pagkakamalan akong thai, tulad nung minsan habang ako’y naglalamierda sa may MBK Mall(Mah bung Krong) , biglang may lumapit na promo girl may sinasabi sya sa akin pinapaliwanag nya siguro yung produktong nire-represent nya, pero hindi ko maintindihan ang ibang sinasabi nya pero tuloy pa rin akong nakikinig kunwari naiintindihan ko (ganda kasi kaya hinayaan ko muna, he he he) tsaka kabastusan naman kung pahintuin kong magsalita agad diba? kaya pinatapos ko munang magsalita mga beinte minutos yata syang nagsalita non, tapos sabay sabi ko “hhmm, i’m sorry miss but i really don’t understand what you have just said” sabay ngiti at sabing”phom mai kon thai”, syempre nagulat yung promo girl sabay alis na lang na nakangiti.

Siguro yung mga nakapunta na dito sa thailand, may mga ganoong experience din tulad ng sa akin at namadalas na napagkakamalan at napagtatanungan din, at siguro yung mga hindi pa nakapunta sa bansang ito hindi nyo mailarawan kung ano nga ba ang pagkakaiba ng thai at pinoy. Pero kayo na lang pahusgahin ko kung mukha nga ba kong thai, tingnan nyo na lang sa letrato, tingnan ko kung mahulaan nyo kung sino ang pinoy sino ang thai, tatlo dyan pinoy kasama ako at the rest eh, mga thai na.

Ano sa tingin nyo sino ang mga pinoy dyan?, at saan ako naka-pwesto?, kung hindi nyo pa rin mahulaan kung nasaan ako, siguro mahuhulaan na nyo kung nasaan ako dito (click).

Tags:

22 responses so far ↓

  • 1 iya // Apr 27, 2006 at 10:36 am

    Asan nga po ba kayo?? Yung nakawhite??

  • 2 lojik // Apr 27, 2006 at 10:44 am

    hmmmnnn..nung di ko pa nababasa to akala ko lahat kau pinoy! magkamukha lang naman ang mga thai at pinoy.kung me diperensay man.very minimal… magtaka kung mapagkamalan kang amerikano.

    pero ung picture ng anak mo,mukhang thai.eheheh!

    grabe ka sinayang mo laway ng saleslady!

  • 3 lojik // Apr 27, 2006 at 10:45 am

    isa lang ibig sabihin kung bkit ka napagtatanungan…pakalat kalat ka kase sa daan eh!

  • 4 melai // Apr 27, 2006 at 10:49 am

    ang mga thai daw e parang mga pinoy …kaya ka napagkakamalan …at saka andyan ka kasi e kaya ikaw pinagtatanungan … kung wala ka kaya
    pagtatanungan ka pa ba?
    hehehehehehe pede magtanong?
    lol!

  • 5 skulgirltrx // Apr 27, 2006 at 11:03 am

    hi! i had the same experience nung nagpunta ko Hongkong, kinakausap din nila ko mandarin ba yun? kahit san kasi muka da ako Chinese, well talaa naman meron konting percent hehe fr. my father’s side…

    kilala na kita kamaukha mo baby mo eh ;)

  • 6 jlois // Apr 27, 2006 at 11:14 am

    @iya
    asan ako? secret! hulaan mo na lang iya at tingnan mo picture ng baby ko sinogn kamukha dyan.:)

  • 7 jlois // Apr 27, 2006 at 11:16 am

    @lojiks

    hindi nmn ako pakalat-kalat lojiks eh, nasa tabi nga akong naglalakad. :)

  • 8 jlois // Apr 27, 2006 at 11:23 am

    @melai
    at ang mga pinoy parang thai,:) Oo nga andito kasi ako, kaya napagtatanungan ako minsan… sge ano tanong mo? :)

  • 9 jlois // Apr 27, 2006 at 11:25 am

    @skulgirltrx
    nakita ko na picture mo may pagkasingkit ka, mapagkakamalan ka nga sa hongkong. :) aha! kilala mo na ba ako? nasaan ako dyan? :)

  • 10 major // Apr 27, 2006 at 12:16 pm

    di kaya ikaw yung kumuha nung picture? hehe
    baka naman akala mo lang na nagtatanong sila sau, baka nagbibigay ng presyo yun akala callboy ka dyan! haha

  • 11 Mmy-Lei // Apr 27, 2006 at 12:42 pm

    hahaha, ikaw yung nagkakamot ng pisngi…

    tama ba?

  • 12 Mistyjoy // Apr 27, 2006 at 12:50 pm

    ala eh alam ko na kung sino ka dun sa pic. kaw yung nakaturo sa pisngi noh! kung ikaw yan, mukha ka ngang ta-thai.. nagmana sayo ang noo ng baby mo. hehe joke! palagay ko ikaw talaga yun. alangan namang yung nasa likod na naka-maroon kasi masyadong singkit yun.

  • 13 dayunyor // Apr 27, 2006 at 1:34 pm

    san ka ba dyan bro? di ko makita pix nyo eh nayahahahaha…. mukha ngang nathataie ka na ah hehehehe jowkk

  • 14 tutubing_karayom // Apr 27, 2006 at 5:15 pm

    Ikaw nga un. sabi ko na ngaba kaw tlga un…

    najaryo kana minsan hindi ba?
    napanood kopa nga sa tv patrol sa news ni ted failon

    wag ka ng Mag deny makisig na Jlois
    at may lakas kapa ng loob kapa na magpa pixture?

    Wag mo ng ideny na ikaw tlga un
    sa thai-thai ka lang pala natago

    Ikaw pala ang salarin
    sa pagnakaw ng pustiso ni Aling Guring

    bwahhahahahha…

  • 15 kulas // Apr 28, 2006 at 7:22 am

    Mukha nga Jlois, ako din! Pero pag nagkasubukan, Chinese daw ako. Maniwala ka (noong bata pa ako), inaampon na nga ako ni Pablo, ung intsik na may tindahan sa kanto namin. lol.

  • 16 lil _kath // Apr 28, 2006 at 12:24 pm

    …nyee kamukha mo talaga si baby (di mo maitatago) umm..mukha ka nga sigurong thai…ayaw mo nun lagi ka may discount ?hehe..malayo kang makursunadahan jan (oops tama pa ba tagalog ko?)aray ko..ako yata thai eh ^_^
    …uyy 2 araw na lang, hinay-hinay ha haha! sama ko lima nyaa ;) ingatz…

    cheers,
    -kathy-

  • 17 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 28, 2006 at 1:54 pm

    sa wakas nakita din namin d man behind d kyut little boy!
    siguradong sa ina nagmana ng kakyutan! hehehe

    pareho lang features ng thai at pinoy, sa pormahan lang siguro ang pagkakaiba

    *peace pare, basta ba kcing astig mo rin ang susunod, di ko na babawiin pagiging ninang :D

  • 18 jlois // Apr 28, 2006 at 8:07 pm

    @major
    andyan ako major, nakikipicture din :)

  • 19 jlois // Apr 28, 2006 at 8:10 pm

    @mmy-lei
    ha ha ha! tama ka nga mmy-lei, pero hindi nmn ako nagkakamot doon tinungkuran ko yung ngiti ko antagal kasi ng cameraman dyan eh, nangawit na yung ngiti ko :)
    @misty
    korek ka din misty, pero hindi nakaturo yon nakatungkod talaga yon :)

  • 20 jlois // Apr 28, 2006 at 8:16 pm

    @dayunyor
    aha! di mo ako makita? basta ako yong ano dyan yon na yon :)
    @tutubi
    tutubi, tutubi
    ika’y gumising mukhang
    ika’y binabangungot
    o dili kaya’y ika’y
    nakasinghot nang matinding utot
    kaya kung anu-ano
    ang iyong pinagsasasabi :)
    @kulas
    ha ha ha! buti hindi ka nag-ampon, pero kung nag-paampon ka mayaman ka siguro negosyante ang makakagisnan mong magulang.lol

  • 21 jlois // Apr 28, 2006 at 8:19 pm

    @kath
    kamukha ko ba?, actually kahit yung mga inlaws ko at tsaka yung pinsan ko na isang beses pa lang nakita yung anak ko ang sabi daw kamukha ko, eh paano nga kasi kath nung naglilihi si misis eh laging galit sa akin at minsan namn laging nkahawak sa mukha ko pag natutulog ako.:)

  • 22 jlois // Apr 28, 2006 at 8:23 pm

    @racky
    ha ha ha! neng ayaw mong pumayag na kamukha ko ang baby ko ha.lol

    “pwera bawi isang basong ihi” na neng, nasabi na ang nasabi :)

Leave a Comment