The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Pasasalamat at despedida

April 28th, 2006 · 27 Comments · Daily dose

Dalawang tulog na lang at makaka-uwi na rin ako a wakas natapos na rin ang matagal kong paghihintay, makakasama ko na ulit ang aking mag-ina na isang taon at dalawang buwan ko ring hindi nakita at nakasama. Ako nga lang ay medyo nagugulat , dahil sa loob ng isang linggo kong paghihintay eh lagi na lang akong nanaginip, ang lagi kong panaginip ay naka-uwi na raw ako at katabi ko na si misis, kaya tuloy lagi akong late sa pagpasok nitong mga huling araw. Siguro dahil laging laman ng isip ko ang napipinto kong pag-uwi kaya maging sa pagtulog iyon ang rumerehistro.

Pero syempre hindi naman ako aalis ng biglaan at hindi man lang magpapaalam sa lahat ng blogkada, naging bahagi kayo ng aking buhay, kasalo sa kasentihan at tawanan palaging handang umintinde sa tuwing nangungulit sa bawat bahay, kaya naman syempre akin namang bibigyan ng halaga iyon kahit man lamang sa pamamgitan ng konting salu-salong aking nakayanan eh, maipadama ko sa inyong lahat ang taus-puso kong pasasalamat.

At ang aking mga nakayanan mga pagkaing thai, pagpasensyahan nyo na lang yan, gusto ko sana’y pagkaing pinoy ang aking ihanda sa inyo kaya lang wala akong makuhang cook na pinoy at naka-empake na kasi ang mga kawali’t kaldero ko, kaya nagpaluto na lang ako dyan sa tabi tabi, sige kainan na’t lalamig na ang sabaw.


Syanga pala muntik kong malimutan ang panulak heto nga pala…..
Oooopss! synsya na kayo kung naunahan na naman kayo ni maam teks, bagal bagal nyo kasi eh, malakas pang-amoy ni maam (o yan maam !siguro naman mataas na grades ko nyan. he he)
at kung gusto nyo ring tumagay hiniram ko yung tagayan ni ka-uro na hiniram ni big daddi



O yan! siguro naman hindi kayo mabibitin dyan ha!, dinagdagan ko ng isang litrong red horse ang tatagayan nyo, sinamahan ko na rin ng sugpo ang pulutang boy bawang, O sya sige maiwan ko muna kayo at hinihintay na ako ni misis eh, enjoy lang kayo sa handa ko ha?.

Tags:

27 responses so far ↓

  • 1 phoebe // Apr 28, 2006 at 10:36 pm

    ako ang una dapat dito… nyahaha… ako una… yehey. nakow… hindi na ko umiinom. sayang… ok na po ako sa KFC na iniinom ni mam teklatot kasama ng boy bawang…

  • 2 tutubing_karayom // Apr 28, 2006 at 10:37 pm

    Ke-sarap sarap naman ng handa sa despedida
    kaya tyan ng blogkada e lumaki’t lumobo na
    Kung sana ay tutube ay dina masakit ang ipen
    Di paman nainvite e nilantakan ko nayan kahit ala pang-amen

    Ako nalang ay makikisaya
    Sa kaibigan kong makisig na uwing uwing na
    upang mayakap na ang kanyang mahal na asawa
    at sa anak ang pasalubong ay maibigay na

    sa totoo lang ang tutubi ay naiiyak na
    pagkat kaibigan ko ay magiging masaya na
    Gudluck sayo kaibigang Jlois
    surely ikaw ay aking mamimiss…

    tutubing karayom in senti mode.. but happi for u..

  • 3 DeeJeiPoh // Apr 28, 2006 at 10:39 pm

    may alam ka po bang seminar tungkol sa I.T na magaganap within the metro?post mo po sa blog koh ung sagot…

  • 4 jlois // Apr 28, 2006 at 10:40 pm

    @macho
    ha ha ha! ang bibilis nyo pagdating sa handaan ah! kaka-handa ko pa lang yan eh, kaya lang mas mabilis maam!lol

    @tutubi
    bilis nyo ha!
    sige makisaya ka lang
    at syempre lumamon ka na rin
    upang sakit ng ipen ay maibsan
    sarap pa nman ng ulam
    iyong isahog sa sinangag

  • 5 phoebe // Apr 28, 2006 at 10:41 pm

    this lab is taken in stol on me, he said gudbye to many times b4… kakanta nalang ako… ehehe… ingat po sa pag-uwi…

  • 6 jlois // Apr 28, 2006 at 10:42 pm

    @deejeipoh
    syensya ka na dj ala pa ako sa pinas eh, uuwi pa lang ako sa lingo kaya ala pa akong balita sa ganyan, kain ka muna at tumagay:)

  • 7 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 28, 2006 at 10:48 pm

    salamat sa invatation pare! sarap naman ng mga handa … di ba maanghang mga thai foods, aba eh
    aapoy pala dito! :D
    gute reise (happy trip) mein freund!
    kahit mejo malungkot ang ganitong okasyon, may halo namang saya dahil makakapiling mo na ang iyong pamilya!

    TAGAY NA! PROSIT!!!

  • 8 jlois // Apr 28, 2006 at 10:51 pm

    @neng
    ha ha! bilis nyo talaga ha!
    huwag sanang malungkot
    at ako nama’y magbabalik
    eenjoyin ko lamang ang
    pagsasama naming muli
    ng aking mag-ina
    sisilip na lamang akong muli sa inyong mga bahay
    PROSIT! ano nga pala ibig sabihin non?

  • 9 melai // Apr 28, 2006 at 10:54 pm

    waaaahhhhhh!!!! tsalap tsalap handa [para namang wala ng balikan sa thailand niyan …… pero sarap talaga thai food grabeh busog na naman ang aking tiyan niyan :) ingat ingat jlois pagdating mo andito pa lola mo sa manila niyan :)

  • 10 tutubing_karayom // Apr 28, 2006 at 10:58 pm

    Naunahan lang tlga ako ni Macho, dahil sya tinutukan kong maghugas ng plato sa despedida mo.

    mabilis tlga ang pag amoy ko, lalo na me red-horse na sipa ay ke sakit..

    antok nako, madaling araw na kaya dito… itutupi ko muna pak-pak ko basta enjoy enjoy lang kayo!!!

    Me videoke ba? gusto ko sanang kumanta… catch me if u can… heheh!!

  • 11 Ella // Apr 28, 2006 at 11:53 pm

    uy, grabe mukhang ang sasarap naman ng thai food na handa mo. one year and two months. Sa totoo lang parang sampung taon na ‘yan pag malayo sa mahal. Kinikilig din ako para sa iyo, jlois. Be happy, be safe, God speed , my dear, dear, friend. Kumusta kay misis at kisses sa baby mo.

  • 12 Mmy-Lei // Apr 29, 2006 at 1:02 am

    uy daya at naunahan ako ni macho… hehehe, weekend dito eh.

    meron pa bang kao pad moo? yun ang gusto ko at isang malaming na malt beer.

    happy trip bro, miss ko tsikahan natin nila kathy. sana makapag-online ka pa sa pinas.

    dont forget to update ha!!!

  • 13 Royce // Apr 29, 2006 at 3:29 am

    Dre, happy trip na lang although hindi naman ganoon katagal ang flight. Para ka lang lumpiad from Manila to Davao o Zamboanga noh?

    Anyway, salamat sa imbitasyon. Wow, talagang engrande ang despedida mo ah. Doon na lang ako sa tunggaan-kasama na lang kami nila Racky at Mmy-Lei. La na bang stock na Red Horse? Ubos na yata namin, hehehe

    Basta, keep in touch ‘dre. nandito lang ang blogkada sa tabi-tabi…

  • 14 Racky aka Bakya Ni Neneng // Apr 29, 2006 at 3:31 am

    CHEERS!!!

  • 15 Ann // Apr 29, 2006 at 5:39 am

    waahhh..wala na handa! Nahuli ako,weekend kasi namin eh.

    Di bale, Jlois happy trip! Sana walang maging kasinsaya ang muli nyong pagkikita ng mag-ina mo. God bless!

  • 16 tekla // Apr 29, 2006 at 7:39 am

    hndi tlga ako mauunahan sa lafangan, maagap ako dyan :D nagbabalak ka pa lng mghanda naamoy ko na hehehe.

    pangalawang balik ko na ito, buti may masasaid pa…

    uy happy trip sa iyo.. mgbaon ng bonamin baka mahilo sa tren este eroplano :)

  • 17 karmi // Apr 29, 2006 at 7:53 am

    may natira pa bang handa? hehehe.. kuya!!!! ingatz paguwi.. :)

  • 18 major // Apr 29, 2006 at 10:30 am

    paikutin na ang baso…uhaw na si major!

  • 19 lil _kath // Apr 29, 2006 at 11:57 am

    …woww! tsalap tsalap nyan joven ah kaya lang di ako kumakain ng masyadong maanghang eh,dun na lang ako sa tagay(pero direcho na ko sa bote)hahaha..nakita ko kase yung pitsel ni KU eh nyaaa ^_^
    ..yan na nga lang din handa ko sa bday ko today pede?sa labas kase celebration namin eh…
    ..ingatz sa byahe and pa-kiz na lang sa baby muahhh!regards kay esmi ^_~
    ..stay blessed!

    cheers,
    -kathy-

  • 20 KaDyo // Apr 29, 2006 at 2:39 pm

    may natira pa bang handa…mahirap pala ng wedding planner di na ako naka-ikot sa mga barkada, tampo pa si maam teks hheheh.

    have a safe trip back home. enjoy at wag kayong makakalimot ha. pag may time kwentuhan mo kami ng mga gimik nyo sa pinas. TAKE CARE and God Bless

  • 21 vemsan // Apr 30, 2006 at 5:50 am

    ano yun hindi ka na mag blo blog pag uwi nyo sa pinas? nyeee bat naman? ay sya, i train nyo nalang yung anak nyo mag blog para sya na ang magtutuloy ng blog nyo… hehehe

    welcome back sa pinas! kahit wala ako sa pinas.. hehe

  • 22 cruise // May 2, 2006 at 12:52 pm

    nakakagutom… natikman ko na ilan sa mga pagkain dyan at garantisadong masarap.

    by now nasa pinas ka na siguro, rgds nalang sa family mo :)

  • 23 lukin reloaded // May 2, 2006 at 1:18 pm

    koya, baket nuknukan ng anghang yung isa mong handa? Ay! Thai fud nga pala yan he he he.

    Naks! two days na laang!!!

  • 24 arvin // May 2, 2006 at 7:05 pm

    waaahh! you’re back by now!! grabe!! matinding romansa na ‘to haha :D
    *oops mali ata un!

    ayun so uso pala tlga si boy bawang kahit saan! haay grabe! nagutom ako sa mga pagkain! wahehe…

  • 25 Soul_Seeker // May 3, 2006 at 9:59 pm

    Uy! Nasa Pinas ka na siguro ngayon. Welcome home. Waah inggit ako, gusto ko na ring umuwi.

    Ingat po!

  • 26 JoLoGs QuEeN // May 5, 2006 at 2:22 pm

    wow ang sarap naman ng handa mo.
    parang ang sarap maging bisita jan ah.

  • 27 ade // May 10, 2006 at 12:11 am

    nakita ko ang mga pix ng pagkain… nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko.

    nagutom ako eh.

Leave a Comment