Entries from April 2006
Nakikinig kasi ako ng wedding songs namin ng aking wan en onli, bigla ko tuloy naalala yung isang eksena na hindi ko mapigilang matawa noong pumunta kami ng seminar para sa mga kumukuha ng lisensya sa pagpapakasal.
Sa mga hindi pa ikinakasal at hindi alam, kailangan ang lisensya bago ikasal kase hinahanap ng pari o ng huwes kung sa sibil, at bago bigyan ng lisensya kailangan din ng certificate na umattend ang couples ng seminar for family planning.
[Read more →]
Tags:
The best things in life are free
But you can keep them for the birds and bees
Now give me money
That’s what I want
That’s what I want, yeah
That’s what I want
May naalala akong kwento nang marinig ko ang kantang “money” ni pareng john ng the Beatles may limang skilled workers na pinoy kasi na na-hire dito sa project namin noong nakaraang taon, na walang inatupag kundi mag-beerhouse, mam-babae at kung anu-ano pang layaw sa buhay na akala mo eh, palaging wala nang bukas kung magkasiyahan minsan halos tipirin na ang ipinapadalang pera para sa kanilang mga pamilya makapam-bisyo lang, akala siguro nila eh pangmatagalan ang trabaho nila dito.
[Read more →]
Tags:
Gusto ko sanang mag-post kahapon para naman kako sa pagsalubong ng unang araw ng abril, pero walang pumapasok sa utak ko. Pre-occupied ang utak ko nang napipintong pag-uwi ko sa bayan kong minamahal, bale nga nitong nakaraang March 30 binigyan na ako ng 30 days notice, kaya naman excited na excited ako sa katunayan halos wala akong magawa sa opisina kahapon nakatutok lang ang aking mga mata sa harap ng aking PC, nasa opisina nga ang katawan ko pero ang isip ko nasa Pilipinas na.
[Read more →]
Tags: