The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 4

Entries from May 2006

Tawag sa anu? kung mahirap o mayaman

May 18th, 2006 · 21 Comments · From Inbox, Laughing trip

Sa mundo natin lalo na dito sa bansang pilipinas nahahati sa dalawang klasemga tao, kumbaga may mga classes of people at syempre may kanya kanyang tawag sa mga kung anong meron ang mahirap at sa kung anong meron ang mayaman tulad na lang nitong forwarded email na natanggap ko mula sa isang kaibigan.

Kung mayaman ka, meron kang “allergy”
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis” o “bakokang”

Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress”
Sa mahirap, “sira ang ulo”

Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo
Kung mahirap, “TB” yon

[Read more →]

Tags:

Para sa Ilaw ng aking tahanan at ligaya ng aking buhay

May 14th, 2006 · 10 Comments · Poetry

Sa tahanan ikaw ang ilaw
dahil ikaw ang nagbibigay
liwanag sa madilim na bahay

sa tahanan ako ang halige
ngunit ikaw ang aking gabay
sa aking pagpupunyagi
kaya’t presensya mo’y
mahalaga sa bawat balakin
na aking iniisip

dalangin ko sana’y ilaw na iyong
taglay ay hindi mapundi
dahil sa kakulitan naming
taglay ng munti nating prinsipe

happy mother’s day syo MAHAL
hindi lang ikaw ang ilaw ng ating tahanan
ikaw rin ang ilaw ng puso ko’t
LIGAYA ng aking buhay

[Read more →]

Tags:

A week and a half after

May 10th, 2006 · 22 Comments · Blog

Isang linggo at kalahati na ang nakalipas mula nang ako’y magbalik sa aking bansang sinilangan ngunit aking nararamdaman ay katulad pa rin noong unang araw noong ako’y bumalik at nakapiling muli ang aking pamilya, puno pa rin ng excitement ang damdamin ko parang hindi ako makapaniwalang nandito na ako sa kanilang tabi, nakakasama’t nakikita ko na ulit sila sa araw-araw, hindi na ako mag-isang namamaluktot na natutulog sa lamig ng gabi at higit sa lahat lagi na akong maykayakap habang natutulog (sarap noh?).

[Read more →]

Tags: