The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

A week and a half after

May 10th, 2006 · 22 Comments · Blog

Isang linggo at kalahati na ang nakalipas mula nang ako’y magbalik sa aking bansang sinilangan ngunit aking nararamdaman ay katulad pa rin noong unang araw noong ako’y bumalik at nakapiling muli ang aking pamilya, puno pa rin ng excitement ang damdamin ko parang hindi ako makapaniwalang nandito na ako sa kanilang tabi, nakakasama’t nakikita ko na ulit sila sa araw-araw, hindi na ako mag-isang namamaluktot na natutulog sa lamig ng gabi at higit sa lahat lagi na akong maykayakap habang natutulog (sarap noh?).

Pero medyo naninibago lang ako, dahil sa tingin ko marami yatang nabago sa paligid ko, tulad na lang ng pa-uwi na lang kami galing sa airport halos hindi ko nakilala ang lugar na dati ko nang dinadaanan sa tuwing papasok ako sa opisina sa makati dati. Dahil ang dating bakanteng mataas na lote sa may kanto ng E.Rodriguez jr ave. at ortigas ext. sa may paanan ng C5 flyover ay natayuan na ng isang bagong restaurant at sa di kalayuan naman non may itinatayong bagong SM mall naman. At meron pang isang pagbabagong aking nalaman ay yung dating 4 pesos na pasahe last 2 years ago 7.50 na pala, ang hindi lang yata nabago ay ang ugali ng mga drayber na kung hindi mo sasabihin na may sukli ka pa hindi ka susuklian, pero hindi ko akalain na ang 6.50 pesos na pasahe ko mula sa amin papuntang cubao dati ay 12.50 na ngayon ang laki naman yata ng itinaas nila halos doble yon sa dati kong pasahe. At sa cubao ngayon marami na rin palang nabago dahil meron nang bagong mall ngayon bagong tambayan na naman ng mga walang magawa, ang Gateway mall, naalala ko noon bago ako umalis papuntang Thailand ginagawa pa lang sya puro bakod pa nga lang ang nakikita ko noon eh, pero ngayon tapos na tapos na sya, hindi ko pa nga lang sya naiikot sa loob dahil pag-aayos lang ng SSS ko ang ipinunta ko sa cubao at medyo tinanghali ako ng alis kaya medyo hapon na ng matapos ko ang misyon don, at dahil na-miss ko na agad ang mga babies ko (si misis at si baby syenpre) kaya nagmadali na rin akong umuwi agad dahil na rin sa pihadong mata-traffic ako pag naglamyerda pa ako.

Malaki na rin ang ipinagbago ng anak ko buhat noong isang taon, kasi noong isang taon na nagbakasyon ako ng sampung araw hindi nya ako kilala ng makita ako sa airport, (sakit non!) pero ngayon kilala na nya ako, kung noon halos hindi ko sya nakalaro pero ngayon unang araw pa lang nakalaro ko na sya, hindi na sya takot lumapit ngayon syempre tuwang-tuwa naman ako kaya nga hindi ako masyadong maka-online ngayon at hindi rin ako masyadong lumalabas ng bahay halos nagkukulong lang kami ngayon sa bahay, bumabawi baga sa mga araw at panahong wala ako sa piling nila, syempre sa umaga o hanggang hapon ang kalaro ko ang anak ko pero syempre sa gabi ang misis ko na ang kalaro ko, he he he(naughty smile).

Ang sarap ng pakiramdam habang kasama mo ang pamilya mo diba?, lalo na pag sama-sama kayong namamasyal, o kaya pagmagkakasama kayong nagtatawanan at naghaharutan. Yan kasi ang nararamdaman ko ngayon, masaya na hindi mo maipaliwanag siguro dahil sa tagal kong nawalay sa kanila kaya ganun na lang ang nararamdaman ko. At damang-dama ko rin ang pagiging tatay ko sa anak ko ngayon, andyan na ako na ang nagpapalit ng damit at diaper at naghuhugas ng pwet nya pagkatapos mag-poo poo, andyan naman na halos ang gusto ko lang gawin ay titigan at yakapin sya, lalo na pag-nakikita ko ang anak ko na masayang naglalaro at nakikipag-harutan sa akin, kaya tuloy parang ayoko munang bumalik sa workforce at enjoyin ko muna sila habang walang tawag galing sa boss ko.

Wala pa kaming masyadong napapasyalan ng mag-ina ko ngayon kundi ang mag-ikot pa lamang sa SM megamall ang playground ng anak ko at maghabulan sa Toy kingdom, pero napuntahan na rin namin ang bahay na nakuha namin thru pag-ibig fund sa cavite kanya nga lang ayaw munang ipa-post ni misis ang picture, kaya picture na lang ng baby ko post ko habang naglalaro sa likod ng bahay namin. (pero hindi pa namin titirhan yon ngayon)

yung naka-white na sando ang baby ko dyan yung isa second cousin nya yon, cute noh? mana kasi tatay diba?.. he he he

Tags:

22 responses so far ↓

  • 1 Katrina // May 11, 2006 at 1:40 am

    ang sarap talaga ng feeling na kasama ang mga mahal sa buhay…ienjoy mo ang bakasyon mo tsong at naku super igsi yan pag sila kasama. kami nga nung umuwi ng pinas dalawang buwan pero pag binabalikan ko ng tanaw parang kulang pa yun..

    kami man nung umuwi after five years, di ako makapaniwala na malalaki ng mga anak kong naiwan. ganyan din ang ginawa ko, yung puro titigan sila at manghinayang sa taon na dumaan na wala ako sa tabi nila..

    babawi na lang kami pag nakuha na namin sila. uwi kami sa katapusan para sunduin sila..finally, magkakasama-sama na uli kami, buo na uli ang pamilya…

  • 2 tutubing_karayom // May 11, 2006 at 8:03 am

    Ayan, nang ingget kana nman! hmmppp!!! ako pag nagbakasyon, di ako mag popost, kc baka mang-inggit din ako… heheheh!! enjoy lang kaibigan…

  • 3 Mistyjoy // May 11, 2006 at 8:12 am

    sige lubusin mo na ang pagpakasaya ngayon kasi baka ilang araw na lang malamig na unan na naman uli ang kayakap mo… :-)siguraduhin mong may kasunod na baby mo para may kalaro na siya next year.

    sana may pic din ni misis, sya na lang kasi ang di pa namin nakikilala.

  • 4 clown // May 11, 2006 at 9:47 am

    tama si misty, pakita ang proof na masaya ka sa piling ni misis.

    enjoyin ang bakasyon, take it for granted!

  • 5 phoebe // May 11, 2006 at 12:50 pm

    vwah!!! saya-saya nga naman talaga. tatay ko di ko magawang makipaglaro kahit madalas syang wala dahil isa syang seaman.. sa totoo lang eh naiinis na ako kapag andito sya.. (sama ko). perfectionist kasi, ang gusto nya lagi ang dapat masunod. wah! ang bait bait ko na nga eh lagi pa akong inaaway pero alam kong mahal na mahal ako ng tatay ko. nararamdaman ko yun. minsan lang talaga ang hirap nyang intindihin.

    may pamangkin ako. ako din minsan taga palit ng diapher kapag may “yah-yeh” sya. madalas kong nilalaro at niyayakap pati kiss at minsan sinasabunutan ang kulet kasi. lalaki din po sya, 2 years old palang. hehe.

    di pa ako nakakapunta Gateway… magadang pasyalan Greenhills at Eastwood.. dami ka pang makikitang celebrities. hehe. sa SM megamol ok lang, ayoko lang dami masyadong tao lalo na pag linggo.

  • 6 Racky aka Bakya Ni Neneng // May 12, 2006 at 2:55 am

    oy, enjoy nga talaga siya! magpakasawa ka … kaya lang mainit ngayon jan eh :D
    kita na namin pic mo, mali ka … siguradong mana sa kyut na nanay beybi mo! heheh

    einen guten tag noch (have a nice day) pare!

  • 7 Mmy-Lei // May 12, 2006 at 8:12 pm

    cute nga baby mo.

    halatang enjoy na enjoy ka sa piling ni joven jr. wala pa bang kasunod? para me kalaro na sya.

    buti ka pa nasa pinas na. pics naman sa susunod na post.

  • 8 jlois // May 12, 2006 at 9:59 pm

    @katrina
    oo nman tama ka talaga, masarap ang feeling pag kasama mo ang mga mahal mo lalo na kung matagal kayong hindi nagkita :)

  • 9 jlois // May 12, 2006 at 10:02 pm

    @tk
    hindi nman nang-iingit hindi ko lng kasi mapigil sarili kong i-post pic ng baby ko eh, proud father baga :)

  • 10 jlois // May 12, 2006 at 10:03 pm

    @misty
    ginagalingan ko nga eh misty kaya lang nag-red flag bigla eh. :)

  • 11 jlois // May 12, 2006 at 10:06 pm

    @misty
    mahiyain si misis ayaw nya pa-post pic nya si baby na lang daw

    @clown
    talagang ine-enjoy ko ang time ko na andito ako sa kanila kasi nga gaya ng sabi ni misty baka ilang araw o linggo o kaya buwan malamig na unan na ang kayakap ko.

  • 12 jlois // May 12, 2006 at 10:09 pm

    @phoebe
    sigurado yon mahal na mahal ka ng tatay mo, hinihigpitan ka man o hindi mo maintindihan sya i’m sure para sa welfare mo yon.
    magandang practice yang ikaw minsn ang nagpapalit ng diaper after all darating ka rin don. :)

  • 13 jlois // May 12, 2006 at 10:11 pm

    @racky
    nyahaha kulet mo talaga neng!, sge na nga si misis na ang kamukha ni baby ko :) have a nice day din syo mare!

  • 14 jlois // May 12, 2006 at 10:13 pm

    @mmy-lei
    oo nman mmy-lei talagang enjoy na enjoy ako sa kakulitan kadaldalan nya
    kahit na minsan nauubusan na ako ng isasagot sa mga tinatanong nya pero okay lang masarap nmn sa pakiramdam :)

  • 15 Soul_Seeker // May 12, 2006 at 11:44 pm

    Welcome back sa Pinas!

    Kainggit!

  • 16 Soul_Seeker // May 12, 2006 at 11:45 pm

    P.S. Maganda sa Gateway. Noong huling uwi ko sa Pilipinas, madalas ako doon. Waaah gusto ko nang umuwi.

  • 17 Royce // May 13, 2006 at 1:14 pm

    At long last, finally, may summary of events na kami sa absence mo hahaha! Sorry Dre, I had to say that hehehe.

    I’m so happy to hear that you are really enjoying every minute of your time with your family. Iba talaga pag may pamilya ka.

    Tumaas ba ang pasahe? Unano na lang nga ang hindi tumataas. Sana ang mga palda na lang ng mga chics ang tumaas, wag na ang gasolina at mga prime commodities.

  • 18 Royce // May 13, 2006 at 1:23 pm

    Pahabol pala Dre. Ang pagkabili nyo ng bahay through Pag-Ibig is the best move and the best investment that you’ll ever make in your life.

    It’s an investment for your future and the future of your family. Congratulations for being a new home owner. I’m very proud of you because you have the foresight to invest in real estate.

    Mabisita sana natin ang new property mo pagdating ko diyan noh?

  • 19 Ann // May 13, 2006 at 8:37 pm

    Sarap lang pag kasama ang buong pamilya, mahimbing ang tulog sa gabi, di na kasi nag-iisip bago matulog.

    Di na rin makaka-ipon ng napakakapal na cel cards..hehehe.

  • 20 jlois // May 13, 2006 at 9:40 pm

    @seeker
    salamat sa pag-welcome, uwi ka na rin kasi kahit bakasyon lang :) alam ko sobrang miss mo na rin ang pinas.

  • 21 jlois // May 13, 2006 at 9:46 pm

    @royce
    tama ka iba na talaga pag may pamilya ka na parang ang mundo mo kasi sa kanila na lang umiikot walang ibang iniisip kundi ang welfare nila, kaya naman pag nandito ako sa tabi nila halos ayaw kong malayo sa kanila eh.

    And yes investment din ang unang naisip ko ng kumuha kami ng house n lot thru pag-ibig even though hulugan lang sya, pero at least meron na akong matatawag na sariling bahay at lupa.

  • 22 jlois // May 13, 2006 at 9:48 pm

    @ann
    oo nga ann lagi ng himibing ang tulog ko kasi nga hindi na nga ako nag-iisip ng tungkol sa kanila bago matulog at tama ka wala na ngang prepaid cell card na naiipon pa.–>

Leave a Comment