The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Tawag sa anu? kung mahirap o mayaman

May 18th, 2006 · 21 Comments · From Inbox, Laughing trip

Sa mundo natin lalo na dito sa bansang pilipinas nahahati sa dalawang klasemga tao, kumbaga may mga classes of people at syempre may kanya kanyang tawag sa mga kung anong meron ang mahirap at sa kung anong meron ang mayaman tulad na lang nitong forwarded email na natanggap ko mula sa isang kaibigan.

Kung mayaman ka, meron kang “allergy”
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis” o “bakokang”

Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress”
Sa mahirap, “sira ang ulo”

Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo
Kung mahirap, “TB” yon

Sa mayaman, “hyperacidity”
Kapag mahirap, “ulcer” dahil walang laman ang tiyan

Sa mayamang “malikot ang kamay”, ang tawag ay “kleptomaniac”
Sa mahirap, ang tawag ay “magnanakaw” o “kawatan”

Pag mayaman ka, you’re “eccentric”
Kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo” o “may topak” o “may sayad”

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”

Kung mayaman ka, you are referred to ! as someone who is “scoliotic”
Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”

Kung ang se๑orita mo ay maitim, ang tawag ay “morena” o “sun tanned”
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita” o “baluga”

Kung socialite ka, ikaw ay “pleasingly plump”
Kapag mahirap ka, ika’y “tabatsoy” o “lumba-lumba”…pagminamalas ka, “baboy”

Kapag mayaman, “fasting” ang hindi kumain
Kung mahirap, “nagtitiis”

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay “socialite”
Kung mahirap ka, ikaw ay “pakawala” o “pok-pok”

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay “liberated”
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo “malandi”

Kapag mayaman, “misguided” o “spoiled” ka
Kung mahirap ka, “addict” o “durugista”

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo “single parent”
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo “disgrasyada”

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, “vegetarian”
Habang kakaawa ang mahirap na ” kumakain ng damo.”

Sa exclusive school, “assertive” ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay “bastos!”

Ang mayamang tumatanda, “are graduating gracefully into senior citizenhood”
Ang mga mahihirap ay “gumugurang”

Ang anak ng mayaman ay “slow learner”
Ang anak ng mahirap ay “bobo” o “gung-gong”

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says, “masarap kang kumain and I like you, you do great justice to my cooking”
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay “patay-gutom”

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo “expat” Kung mahirap ka lang, ikaw ay “contract worker”

Kung boss ka at binabasa mo ito sa office mo, “okay lang” Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay” nagbubulakbol”…

Tags:

21 responses so far ↓

  • 1 tutubing_karayom // May 19, 2006 at 5:16 am

    Naku bakit nman ganyan.. bwheheh!! grabe ganun ba tlga un??

    Kasi ako di nman mayaman.. pero me allergy ako sa bagoong na peborit kopa mandin.. hmmppp…

    at slow learner ako kc tamad ako…waaaaa ang dami pa nun.. halos patama sakin.. migraine at kung ano-ano pa na pang mayaman.. pero di ako mayaman promise… magpapayaman palang… ng pagmamamahal at kaibigan…

  • 2 Mistyjoy // May 19, 2006 at 8:32 am

    para sa akin korek lahat ang forwarded email na yan…

    at dahil mahirap lang ako kumakain ako ng damo, nagtitiis, may sayad, may ulcer at bobo… pero ok lang na ganyan ang tawag sa akin. tanggap ko. kasalanan ko ba na ipinanganak akong mahirap?

    sinusubukan ko na ring magpayaman para maging sosyal na ang tawag sa akin… ^-^

  • 3 major // May 19, 2006 at 1:16 pm

    merong isa para sa mayaman na nakakatuwa ang tawag, ang mayamang pulitiko - “CORRUPT”

    hehehe…

  • 4 VemSan // May 21, 2006 at 1:54 pm

    hahaha oo ng ano… double standards nga naman.

  • 5 clown // May 22, 2006 at 8:42 am

    bwhahahah!

    mula ngayon itatanong ko muna sa mga estudyante ko kung sino ang mayaman at mahirap para makilala ko kung sino ang tatawgin kong slow learner o bobo.

    huh! sumasakit ang tyan ko kase di pa ako kumakain…pede ba itong tawaging “im on diet” o “wala lang akong makain”? hehehehheh

  • 6 tekla // May 22, 2006 at 9:53 am

    sabi ko na nga ba eh..MAHIRAP ako :)

  • 7 jlois // May 22, 2006 at 10:29 am

    @TK
    naniniwala nmn ako na mayaman ka sa kaibigan eh at alam ko isa na ako sa kaibigan mo diba? :)
    @misty
    in some way korek nga talaga yon misty pero depende na lang nga sa mga magsasabi, eh nagkataon na mahirap tayo kaya hindi maganda sa pandinig ang maririnig natin pero i think this forwarde email made only for good laughs. :)

  • 8 jlois // May 22, 2006 at 10:33 am

    @major
    ganun ba yon pag mayamang pulitiko?eh paano kung mahirap?, aah nga pala walang mahirap na pulitiko dahil sa pangangampanya lang kailangan ng malaking pera eh, kaya can’t afford ang mahirap na maging pulitiko. :)
    @vemsan
    Oo nga vemsan double standard talaga.:)

  • 9 jlois // May 22, 2006 at 10:35 am

    @clown
    depende sa komporeme clown.:)

    @tekla
    ganun ba? pareho pala tayo? :)

  • 10 Anonymous // May 22, 2006 at 3:18 pm

    Hi,
    I Found Absolutely FREE PlayBoy & PentHouse:
    http://www.playmates-girls.com
    http://www.oxpe.net
    If I find something else I’ll inform you.
    Best Regards, Yuriy

  • 11 phoebe // May 22, 2006 at 6:18 pm

    teka… sa totoo lang eh walang pinagkaiba. itrinanslate lang ang ilan sa english. kadalasan naman kasi ang mga mayayaman pinaninindigan nilang mayaman sila so pati pananalita nila nagiiba narin. syempre kapag magkaiba ang antas sa buhay malamang magkaiba din ang mga ginagawa pero ang totoo naman talaga eh pare pareho lang naman tayong dumudumi.

    ang mga pinoy nga naman talaga. “hindi kailangang panindigan kung mahirap ka eh mag-aasta karing mahirap. mali yun. umasta dapat tayong tao”

  • 12 Ka Uro // May 23, 2006 at 7:43 am

    may katotohanan ang sinasabi dito sa forwarded email na ito. the words we use and our understanding of them depends on our experiences and upbringing.

  • 13 Juana // May 23, 2006 at 4:17 pm

    lahat tayo ay pantay pantay sa mata ng Diyos…

  • 14 Mistyjoy // May 24, 2006 at 3:10 pm

    pakner may spam na nakapasok sa comment mo… bad trip mga ganyan, dito pa sa atin nangungumersyal

  • 15 jhay // May 24, 2006 at 7:35 pm

    Nakakatuwa naman, hehehehe

    kailangan na talagang burahin ang dibisyon ng mahirap at mayaman

    Mga kapatid kong Pinoy Bloggers, imbitado po kayo sa 1st edition ng Philippine Blog Carnival. Nasa link ko po ang details.

    Kasali ka rin jlois. :D

  • 16 thess // May 25, 2006 at 8:02 pm

    hello neybor! kumusta na? :-)
    neybor, di ba pinoy din ang nagbigay ng brand or tatak kaya may pagkakaiba? katulad ng mababang pagtingin sa mga janitor, basurero, crew sa fastfood chains etc..tayo mismo nagpapababa ng pagtingin natin sa ATIN, while sa ibang bansa hindi ganito ang ‘trato’ sa ganitong uri ng trabaho or kahit sa hindi nakaka-angat sa buhay

    pinoy mentality?

  • 17 jlois // May 26, 2006 at 5:19 pm

    @PB
    wala nmn talagang pagkakaiba, nagkakaiba lang base sa kung sino ang tatawag kung mayaman ang tatawag ang words na gamit yung hindi degrading pero kung mahirap ang subject degrading ang words na gagamitin, typical pinoy “elitist” mentality kasi.

  • 18 jlois // May 26, 2006 at 5:28 pm

    @ka uro
    yes you’re definitely right about your observations ka uro.

    @juana
    oo tama ka sa paningin ng diyos walang mahirap walang mayaman, haharap tayo sa diyos balang araw ng hubad na gaya ng tayo’y isinilang, huhusgahan tayo hindi saanong meron tayo kundi kung ano ang nagawa natin sa mundo. :)
    @misty
    oo nga pakner! kaasar nga eh alukin ba ako ng playmate magazine?

    @jhay
    sana nga mabura na ang mistulang pader na nakaharang sa pagtrato at pagtingin sa mga unfortunate, pero tingin ko malayo pa yon lalo na sa bansa natin na ang naghahari ay ang mga elitista.

    @thess
    oo totoong totoo yon pinoy rin namn talaga ang may sala kung bakit nagkaroon ng ganyan trato sa mga iba kababayan medyo hindi nakaaangat, nakaklungkot isipin pero totoo madalas ko kasing maranasan yan noong kabataan ko.

  • 19 phoebe // May 29, 2006 at 1:34 pm

    wah! sakit tanggapin ang katotohanan talaga. Kasalanan din kasi ito ng gobyerno. prevention is better than cure, nagkasakit ang mga pinoy ng ganyang ugali na dapat sa simula palang eh iniwasan ng mangyari. wah!!!

  • 20 cruise // May 31, 2006 at 5:11 pm

    sosyal kasing pakinggan kung ingles. diba nga kung private parts ng tao ang pag-uusapan, kung tagalog bastos pero kapag ingles sosyal. halimbawa sa commercial ng mga sanitary napkin o kaya mga panlinis… walang kagatol gatol na sasabihing vagina…pero kaya mo kayang sabihin yung sa tagalog?

  • 21 cruise // May 31, 2006 at 5:13 pm

    ang tanong bakit kaya kapag tagalog ang salita parang pang mahirap o kaya average lang karunungan, pero kapag magaling mag ingles ay matalino ang projection ng image niya? [sensiya na sa grammar, hehehe tagalog eh, joke!]

Leave a Comment