The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 4

Entries from June 2006

Ang nababagay na bantay

June 29th, 2006 · 21 Comments · Daily dose, Laughing trip

Last 3 weeks ago nagkaroon ng nakawan dito sa lugar namin, pinasok ang bahay ng ilang kapitbahay namin at nawalan ng mga importanteng maliliit na gamit tulad ng cellphone at wallet. Kami man ay napasok din at nasungkit ang isang bag na nakalagay sa malapit sa main door namin, swerte naman na ang laman lang ng bag na nasungkit ay puro pang pedicure at pang manicure ng aking maybahay. Nakakapagtaka lang na hindi man lamang nagigising at namamalayan na pinapasok na pala ang bahay ng may bahay, tulad din nang sa amin hindi rin namin namalayan na napasok na pala kami, maswerte lang dahil walang importanteng gamit na nakuha sa amin.

[Read more →]

Tags:

Otso pesos na yata ang pasahe?

June 26th, 2006 · 8 Comments · Blog

Otso pesos na yata ang pasahe?, yan ang nasa isip ko habang sakay ako ng jeep pauwi na ng bahay kagabi galing sa pagoo-overtime, sa kadahilanang nang mag-abot ako ng otso pesos sa mamang drayber ng dyip na aking sinasakyan eh, hindi man lamang ako nasuklian

Hindi lang isang beses kundi madalas na ganon ang nangyayari na kapag nag-abot ako ng halagang alanganin sa eksaktong halaga, madalas talagang hindi ako nasuksuklian. Sabihin na nating singkwenta sentimos lamang ang nawala sa akin, pero 50 cents is 50 cents sa hirap ng buhay ngayon sa pinas kailangan pahalagahan kahit na dalawang beinte singko lang, buti sana kung ang mga magagaling nating tsuper ay tumatanggap ng kulang ang pasahe.

[Read more →]

Tags:

TAGay! ulit

June 13th, 2006 · 16 Comments · Tags

Isang Tag na galing kay pakner Misty malapit na ngang mabulok kaya sasagutan ko na, masyado kasi akong busy ngayon sa trabaho ko one week na kasi akong nagwo-work ngayon sa bagong company ko dito sa pinas at tuloy wala na akong pagkakataong madalaw ang mga blogkada at mag-update pa ng blog ko, pero syempre hinahanapan ko rin ito ng oras kahit pa sandali lang.

Instructions: Remove the blog in the top spot from the following list and bump everyone up one place. Then add your blog to the bottom slot, like so.

[Read more →]

Tags:

At last nakapag-date din kami

June 1st, 2006 · 22 Comments · Blog

Mula noong nakasal kami ng aking maybahay tatlong taon na ang nakararaan, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mamasyal na kaming dalawa lamang tulad ba noong kami’y magsyota palamang, iyon ang mga nami-miss ko rin mula noong dumating sa buhay namin ang aming prinsepe. Pero nitong nakaraang linggo nagkaroon kami ng aking maybahay ng pagkakataon na makapagsolo at makapanood ng sine dahil nga matagal ko na ring inuungot sa kanya iyon, kasi sa tuwing inuungot ko sa kanya iyon ang sagot nya ay parang nakokonsyensya daw sya na nagsasaya siya pero yung anak namin ay andoon sa bahay lamang.

[Read more →]

Tags: