Mula noong nakasal kami ng aking maybahay tatlong taon na ang nakararaan, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mamasyal na kaming dalawa lamang tulad ba noong kami’y magsyota palamang, iyon ang mga nami-miss ko rin mula noong dumating sa buhay namin ang aming prinsepe. Pero nitong nakaraang linggo nagkaroon kami ng aking maybahay ng pagkakataon na makapagsolo at makapanood ng sine dahil nga matagal ko na ring inuungot sa kanya iyon, kasi sa tuwing inuungot ko sa kanya iyon ang sagot nya ay parang nakokonsyensya daw sya na nagsasaya siya pero yung anak namin ay andoon sa bahay lamang.
Pero yun nga at natupad din yon nitong linggo dahil dumating yunghipag kong nakatira sa bahay namin sa cavite at dito muna sa aming bahay tumuloy kaya’t sinamantalana namin ang pagkakataon na mag-date kami kahit na manood lang ng sine, pina-alaga muna namin sa aking hipag ang aming munting anghel na saksakan na ng kulet.
At iyon okay naman ang naging date namin dahil nag-enjoy naman kami sa pinanood naming “X-Men 3″ ang third installment sa X-Men medyo naiintriga lang ako sa pelikulang ito dahil sa kanyang subtitle na”The Last Stand” sa simpleng tingin mo ay parang ito na ang huling pelikulang “X-Men”, pero kung napanood nyo na ito at nakita nyo ang huling scene after the credits ay mag-iisip ka na baka magkaroonpa ng fourth installment, pero iyon ay sa aking opinyon lamang pero malay natin diba?.
Anyway, sa tingin nyo ba tama ako na paminsan minsan eh dapat na nagkakaroon ng pagkakataon na magsolo ang mag-asawang meron nang mga anak, syempre hindi yung tuwing gabi lang, ang ibig kong sabihin ay iyong pagkakataon na mag-date tulad noong mga mag-syota pa lang. Katulad noong ginawa namin na kahit nanood lang kami ng sine ay ayos na ayos na sa akin yon, sabi ko sa sarili ko eh “at last nakapag-date din kami”.
22 responses so far ↓
1 phoebe // Jun 1, 2006 at 1:21 pm
oo naman. pwedeng pwede at talagang karapatan iyon. ina ko at tatay ko nag de-date minsan kaso di na masyado dahil inaalagaan nila este kami yung apo nila. pero nakakapag date parin tapos ako bantay bahay at sa pamangkin ko.
nakwekwento nila sakin na dati ng mag shuta palang sila, libre ang kanilang panonood ng sine dahil last full show sila lagi nanonood. libre din ang jeep dahil wala silang pamasahe pambayad, natalon nalang sila. nyahahaha… ang sweet nila noh.
ang pag de-date ang minsang nagpapatibay ng pagmamahalan. syempre dapat may nakalaang pera para maiwasan ang mawalan ng bigas.
2 jlois // Jun 1, 2006 at 1:31 pm
@PB
syempre neybor, kailangan may nakalaang pera para sa pang-date at para sa ulam at bigas at para din syempre sa gatas para laging masaya at may lambingan hindi yung laging nagbabangayan dahil wala nang pera kasi naubos sa pang-date.
3 melai // Jun 1, 2006 at 2:29 pm
aprub ako sa sinabi ni pb..kailangan naman wag hahayaang mamatay yung mga panahon na magkasarilinan kayong mag-asawa sa pamamasyal
pampatatag ng pundasyon nyong mag-asawa…kilalanin muli yung mga bagay na nabago sa inyo sa tagal ng paghihwialay nyo diba :0 ayus yan
masaya ako para sa inyong dalawa
4 Mistyjoy // Jun 1, 2006 at 3:25 pm
syempre. dapat lang na may nakalaang panahon din kayo sa isa’t isa para sweet kayo. parents ko dati nagdidisco pa silang dalawa esp. kapag anniversary nila. nood din sila ng sine once a month.
5 pobs // Jun 1, 2006 at 4:48 pm
hey..hopped from KD..
yep! best advise ng happy couples eh continue the courting stage khet kasal at may babies na, kse don nio masstrengthen un relationship nio, lam mo un parang nagliligwan pa din..
6 Mmy-Lei // Jun 1, 2006 at 9:36 pm
wow ang sweet! nood ng sine at X-men pa pinanood!
dapat talaga gawin mo yan at kaw mag-initiate lagi.
yan ang hinahanap ng nanay ko sa tatay ko, kasi tatay ko homebody lang, mas gusto na manood nalang sila sa bahay at kaming mga anak ang paalisin, para wala raw istorbo! hehehe
7 kisses // Jun 2, 2006 at 1:18 am
importante yan! pati sarili mong hobby dapat may panahon ka rin ganun din kay misis!
8 Ann // Jun 2, 2006 at 7:59 am
Minsan nakaka guilty nga na lalabas kayong mag-asawa na di kasama mga kids. Pero nung nag in-kingdom vacation si hubby ng 3 weeks at may pasok mga kids namin sa school that time, after namin sila hatid sa school, pasyal kaming dalawa lang, walking, kain sa labas. Iba pala talaga yung ganoon paminsan-minsan. Kaya nung after ng bakasyon nya parang nanibago naman ako.
9 JoLoGs QuEeN // Jun 2, 2006 at 12:51 pm
This post has been removed by the author.
10 JoLoGs QuEeN // Jun 2, 2006 at 12:52 pm
honga. minsan kc mag masaya kapag kasama mo rin ang anak mo kung lalabas kayo.
hehe. kc pag umaalis sila mama at papa gusto ko kasama din ako.
point of view lang naman ng isang anak m/
11 vemsan // Jun 2, 2006 at 1:12 pm
naks sweet naman!
12 tutubing_karayom // Jun 2, 2006 at 1:26 pm
Aba ako rin gusto kong mag solo kaming dalawa… Lam mo ba nung umuwi ako dahil nga kulang ang time.. dina kami namasyal outdoor puro lang indoor… eheheh!! lam mo na un.. khit hindi pa gabi at nakatirik pa ang araw heheh
13 KaDyo // Jun 3, 2006 at 12:04 pm
kelangan talaga yung time na kayong dalawa lang na mag-date kaya lang dahil na rin sa kabisihan medyo di makakuha ng tiyempo kaya pag may pagkakataon…go ahead ang make your day heheh
14 jlois // Jun 3, 2006 at 2:23 pm
@melai
yon din ang paniniwala ko, tumatatag ang pundasyon ng pagmamahalan ng isang couple kung hindi aalisin sa sarili nila ang mga bagay na nkagawian na nila noong mag-syota pa lamang tulad ng mga paglalambingan na parang nanliligaw pa rin.
15 jlois // Jun 3, 2006 at 3:58 pm
@misty
oo nga kaya nga dinate ko na si misis eh nung dumating si hipag.
@pobs
yes tama ka miss pobs, hindi talaga dapat pinuputol ang panliligaw kahit na mag-asawa at may mga anak na, kya nga lagi kong nililigawan misis ko na mag-date kami at that day lang sumagot at pumayag.
@mmy-lei
lagi ko nmng ginagawa yon mmylei kaya lang that day lang pumayag.
16 jlois // Jun 3, 2006 at 10:08 pm
@kisses
oo mare importante nga talaga yon, pero para sa aking hobby hinahanapan ko pa ng oras pero pasasaan din magkakaroon din ako ng oras para don
@ann
Oo nga ann nakaka-guilty talaga kaya nga that day ko lang sya napapayag kasi that time of that day eh tulog na ang anak namin kaya nagkaroon kami ng pagkakataon.
@jologs queen
oo naman masaya talaga pag kasama ang anak sa pamamasyal kasi makita mo lang na masaya ang anak mo eh mas masaya ka pa eh diba?
@vemsan
kailangan eh, para naman laging masaya ang pagsasama.:)
@TK
syempre TK!, ako nga rin naman kung pwedeng laging indoor kami ni misis, kaya lang hindi eh diba andyan na ang aming prinsipe.:)
@kadyo
oo nga kd, kaya nga noong nagkaroon ng time pinilit ko na.:)
17 tutubing_karayom // Jun 5, 2006 at 8:50 am
hirap nga nyan. patulugin ng maaga ang prinsipe o kaya ihabilin sa kapitbahay bwheheh!1
18 thess // Jun 6, 2006 at 7:55 pm
Hi neybor. I agree, kailangan talagang may quality time together ang magsing-irog..kailangan kasi ng time out from the little one/s once in a while…
19 kneeko // Jun 7, 2006 at 12:27 pm
ayos yan bro… masarap balikan ang masasayang nakaraan…
date kayo sa mga dati nyong pinupuntahan hehehe
20 Ka Uro // Jun 8, 2006 at 9:49 am
can’t see why not. sarap balikan yung mga pa-date-date ninyo nung magsyota pa lang di ba? now, when was the last time me and my esmi watched a movie together? hmmm, tagal na. mahal kasi ng sine dito eh.
21 clown // Jun 8, 2006 at 3:00 pm
….abot pa ba ako sa comment?
(hingal)hirap tumakbo eh…gusto kong mag comment kase ganda ng topic dito…teka ha, iinom muna ako ng tubig para makaisip ng magandang usapin.
….ang sagot ko sa iyong katungan ay DAFAT! dapat lang mag date kau ni misis at iwan ang prinsipe sa kanyang duyan. lam mo ba, (ma share ko lang ha)kami ni fafa ko ay nagdi date din mas matindi kesa noong mag bf pa kami … mas malaya na kase kaming pumunta at matulog kung saan-saan, di tulad noong mag bf pa lang… ang daming bawal noon. Bawal mag M—L, bawal magsama sa madidilim na lugar at kung anu-ano pa. Kaya naman ng mag asawa na kami, ginawa naming lahat ang na miss namin noon.–>
22 maureen // Sep 24, 2007 at 8:10 am
so kelan uli ang date? after 48 years pa ba? galaw galaw aba baka di ka na makilala na misis!!! hehehe…
wish ko makauwi ka na, lam kong miss na miss mo na c misis at unico hijo mo! ang date wag kalimutan…sweeetttttt nman…
Leave a Comment