The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Otso pesos na yata ang pasahe?

June 26th, 2006 · 8 Comments · Blog

Otso pesos na yata ang pasahe?, yan ang nasa isip ko habang sakay ako ng jeep pauwi na ng bahay kagabi galing sa pagoo-overtime, sa kadahilanang nang mag-abot ako ng otso pesos sa mamang drayber ng dyip na aking sinasakyan eh, hindi man lamang ako nasuklian

Hindi lang isang beses kundi madalas na ganon ang nangyayari na kapag nag-abot ako ng halagang alanganin sa eksaktong halaga, madalas talagang hindi ako nasuksuklian. Sabihin na nating singkwenta sentimos lamang ang nawala sa akin, pero 50 cents is 50 cents sa hirap ng buhay ngayon sa pinas kailangan pahalagahan kahit na dalawang beinte singko lang, buti sana kung ang mga magagaling nating tsuper ay tumatanggap ng kulang ang pasahe.

Ewan ko ba? nagiging praktis na yata ng mga magagaling nating mga tsuper ang mag maang-maangan na wala na syang susuklian, kung hindi pa sasabihang “hoy mama! may sukli pa ako sa otso” hindi pa nila ibibigay, nakakahiya pa namang ipagsigawan lalo na kung nasa dulo ka ng jeep na iyong sinasakyan diba?. kaya tuloy minsan hinahayaan ko na lang baka kako kailangang-kailangan pandag-dag din kita yon para sa kanila.

***************

Syanga pala, paumanhin mga giliw na blogkada kung pasulpot-sulpot man ako kung mag-update dito sa aking haybols, super busy kasi ako ngayon eh, actually magmula ng makapasok ulit ako sa bago kong trabaho naging super busy na lagi kasing tambak ang trabaho, pakiramdam ko nga inuugatan na ako sa pwesto ko eh, tingnan nyo.

Tags:

8 responses so far ↓

  • 1 tutubing_karayom // Jun 27, 2006 at 8:10 am

    Eh hindi nman ikaw yan eh! katanda na nyan! bwahahah!!Eh wag mo kasing sanayin ang mga drayber na hindi ibigay ang sukli wag ka ng mahiya sayang din yun pag naipon no… o kaya magpapalit ka ng bente pesos na tig 25 centavo para hindi ka na kailangang suklian ng drayber na nuknukan ng sakim…

    Salamat nman at natupad mo promise mo na mag popost kana, hehe! at tlgang hindi lang tuldok! heheh!! Dont work too hard kaibigan… kung ang iba e me smoke break,, kelangan mag apila tayo ng blog break hehe

  • 2 clown // Jun 27, 2006 at 11:33 am

    ganyan talaga ang mga driver, ako nga minsan di makahingi ng sukling 5.00 sa driver ng peborit kong jip kc naman dati lagi akong liber, more than a year atang free ride ako lagi…buti nalang dis year ay tinatanggapan n ako ng bayad….usually 40.00 ibinabayad ko pag wala akong baryang madukot sa bulsa ko, dpat 35.00 lang pamasahe kaya may sukli pang 5.00

    …huh! can you imagine now how far my house from my work, 1 hour ride sa jip lang naman yun or 40 minutes drive by own wheels.

  • 3 vemsan // Jun 27, 2006 at 11:40 am

    wala mahina ka kuya.. dapat kasi diretsahan nyo nang sabihin na may sukli kayo..di naman kasi napupulot ang pera di ba? hehehe

  • 4 melai // Jun 27, 2006 at 10:31 pm

    humirit ka pa pre lol!!!

  • 5 lil _kath // Jun 28, 2006 at 9:15 am

    ..lol! di ba si Bill Gates yan? ^_^ nyeee kulit nung paa ,quite scary hahaha :P
    ..whoaa 8 pesos na ba pamasahe? kelan pa ba ko huling nakasakay ng jeep?di ko na matandaan eh,;) kaka-miss tuloy.

    …ingatz , regards sa tsikiting at kay esmi.

    cheers,
    -kathy-

  • 6 major // Jun 29, 2006 at 10:29 am

    sa kin pre iba ang maugat…hehe

    yung….kamay…

  • 7 lojika // Jun 29, 2006 at 2:29 pm

    hmmmmp! onga! madalas kameng me makaaway na tsuper…heheh! makapal kase naming ipinanlalandakang “estudyante po!” ..minsan kase sasabihing pang kulang eh tama naman! well, hirap nga kase ng buhay. kelangan kumayod. pero di nman lahat ganyan. me mababait na drayber pa rin nman…

    wawa naman si mr. jLO. sinabi ng itigil ang trabaho dahil nakakasira ng blogging career eh! eheheh..gudluck na lang sau!

    ano? tuloy pa date naten nina major? nag-iwan ako ng contact ko sa ym mo!

  • 8 dimaks // Aug 25, 2006 at 6:31 am

    may hirit pa ang mga tsuper na yan, kesyo sabado, wala na raw student rate. pambihira, kulang-kulang na panukala, naging batas.. minsan may sinabihan akong driver, “mama, san ho nsasabi na walang student rate pag sabado, e may schools na may pasok sa sabado.. may linggo pa nga e”. patawa, di sila makasagot.

Leave a Comment