The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Ang nababagay na bantay

June 29th, 2006 · 21 Comments · Daily dose, Laughing trip

Last 3 weeks ago nagkaroon ng nakawan dito sa lugar namin, pinasok ang bahay ng ilang kapitbahay namin at nawalan ng mga importanteng maliliit na gamit tulad ng cellphone at wallet. Kami man ay napasok din at nasungkit ang isang bag na nakalagay sa malapit sa main door namin, swerte naman na ang laman lang ng bag na nasungkit ay puro pang pedicure at pang manicure ng aking maybahay. Nakakapagtaka lang na hindi man lamang nagigising at namamalayan na pinapasok na pala ang bahay ng may bahay, tulad din nang sa amin hindi rin namin namalayan na napasok na pala kami, maswerte lang dahil walang importanteng gamit na nakuha sa amin.

Pero siguro kung mayroon lang alagang aso ang isang bahay hindi siguro mangyayari yon, dahil sigurado pagtatangkaan pa lang na akyatin ang mga bahay eh, magigising ang may-ari ng bahay dahil na rin sa ingay ng tahol ng aso.

Kaya nai-iisipan at pinagbabalakan kong bumili ng aso, kaya lang medyo nahihirapan akong pumili ng kung anong klaseng aso kaya ang magandang alagaan. Gusto ko kasing aso yung tipong unang tingin palang matatakot ka na

German Shepard

Ito kayang German shepperd dog, maganda kayang alagaan? mukha kaya syang nakakatakot na?

 

Rootweiller

Ito kayang Rottweiller? ayos na kaya?

Haay!, hirap talagang mag-decide….

pero meron akong nakitang kong aso sa unang tingin ko pa lang nawewerduhan at nahihiwagaan na ako, kaya sa tingin ko itong ganitong lahi ng asong ito ang nababagay na bantay sa bahay, dahil sigurado ako ditong hindi na kailangan pang tumahol ito para matakot ang magnanakaw kaya lang hindi ko alam kung anong klaseng aso ito. Pakitingnan nyo na nga lang yung picture ng asong tinutukoy ko dito (sige pindot na! click!) at pakisabi na lang sa akin kung anong lahi nitong asong ito.

Tags:

21 responses so far ↓

  • 1 - K - // Jun 29, 2006 at 11:45 pm

    ROTT!!! ever! i have 3 normal & 2 oversized rotts :) mukha lang sila masungit pero.. sweet sila :)
    join ka {bLoG jUnKiEs} :) nasa http://kianah.com ty po :)

  • 2 Racky aka Bakya Ni Neneng // Jun 30, 2006 at 3:44 am

    hahahah! mas ok iyong nahuli, tatakbo kaagad mga katropa ni KD … mga allergic sa … bading na bading … na song :D
    kung kailangan mo ng shepperd, nadito lang ako, mas matapang ako jan!

    mga rottweillersa amin bawal ilabas kung walang mask kc ang dami ng nangyaring kagatan (tama ba?) karamihan ginagawa nilang parang killer machine (amo - skinheads)

    depende sa training yan eh :)

  • 3 Ann // Jun 30, 2006 at 7:55 am

    Aso yan na nalahian ng tao, o tao na nalahian ng aso..hehehe….

  • 4 Mistyjoy // Jun 30, 2006 at 10:23 am

    pakner ayos yang huling aso kaya lang siguradong mahal ang talent fee nyan.. este ang presyo pala.

    sabagay siguro papayag na rin yang aso na i-kiss mo na lang sya as a reward pag may nakagat na magnanakaw. ^_^

    tama si neng kahit ako tatakbo pag ganyan ang aso ng kapitbahay ko. nyahaha!!!!

  • 5 tutubing_karayom // Jul 1, 2006 at 9:19 am

    Pare ko tlga, tinanong mopa kung anong lahi nun e kita nman ang pruweba.. hehe!! clone mo yan dba? dika makaangal kc sa mata palang para kayong pinagbiyak na bunga! bwahhah! joke only pare ko!!!

    Sayang ung pang pedicure ng esmi mo sana akin nalang.. masakit na ung mga singit singit ng kuko ko… heheh

  • 6 ::es::ef::ee:: // Jul 1, 2006 at 12:46 pm

    Bilang isang dog lover, kung naghahanap ka ng bantay, ok ang mga tingin-pa-lang kakainin-ka-na na type ng aso. Siguro gaya ng mga rott, pitbull, german sheperd… pero ok na rin ang askal - lalo na pag loyal ang mga ito sayo. Karamihan kasi ng mga tao eh takot sa aso. Pwede ring maglagay ka ng sign sa inyo na BEWARE OF DOGS - WITH rabies. Emphasize mo na yung word na WITH.

  • 7 skulgirltrx // Jul 1, 2006 at 6:17 pm

    naranasan ko na rin manakawan Bro! at dalawang beses pa Dec. 1996. u can’t explain yung feeling na shock and also violated. it’s true having a dog would be a great help. ngayon we have 7 dito sa min . nagkaron din kami german shepherd ok sya tahol pa lang manginginig ka na. ;)kaya lang ang takaw tska laki ng ebs haha. pinaka-ok sa kin yung labrador!

  • 8 kneeko // Jul 1, 2006 at 7:09 pm

    hmmm kilala ko ung last na aso ah… nasa eat bulaga dati yan hehehe…

    dre, labrador… pag kumahol para kang lalamunin… labrador na lang…

  • 9 jlois // Jul 1, 2006 at 10:11 pm

    @kianah
    mukha nga talagang masusungit ang mga rottweiler.

    @racky
    oo nga mare! sa tingin ko talaga ok yung huling asong pinakita ko diba sa tingin mo lang tatakbo ka na eh. :)
    @ann
    hindi ko alam ann kung alin don yang asong yan eh, siguro both. he he

  • 10 jlois // Jul 1, 2006 at 10:22 pm

    @misty
    weird na aso noh? ha ha ha
    kahit naman ako tatakbo pag ganyang aso makita ko eh

    @TK
    nyahahaha! clone ka dyan :)
    @esfe
    tama ka nga bukod na sa mukhang nakakatakot ang magandang alagaan takutin pa lalo sa paglalagay ng WARNING. pero siguro ASKAL na lang para mas matapang ang RABBIES he he he

    @skulgirltrix
    wow! seven aso nyo? dami ah? penge naman isa he he.

    @kneeko
    kilala mo ba?, mas nakakatakot yung lahi ni scooby doo pre, tahimik lang pero napakalaki.

  • 11 karmi // Jul 2, 2006 at 12:58 pm

    ang laki ng aso kuya! hehehe.. medyo nakakatakot, kasi parang ganyang aso ung kumagat sa akin dati.. :(
    pero ok na bantay yan!!! :)

  • 12 melai // Jul 3, 2006 at 11:17 am

    lol! ang mamahal kaya ng mga asong yan ..lalo na si morlock :)

  • 13 vemsan // Jul 6, 2006 at 12:00 pm

    pano kaya pag naging kamukha ko future aso ko? scary! heeheh

  • 14 * diday kampupot * // Jul 7, 2006 at 2:01 pm

    pitbull katakot! yikes! =S

  • 15 clown1796 // Jul 8, 2006 at 7:32 am

    hahahah…

    sakit ng tyan ko sakakatawa…salamat jlois ha, pinaganda mo ang morning ko!

  • 16 Mmy-Lei // Jul 8, 2006 at 11:45 am

    go for Rott! basta i-train mo lang at talagang loyal yan!

    dati meron kaming German S, grabe walang silbi, mas matapang pa ang askal at poodle namin! bukod sa malakas ng kumain, tamad pa! kaya binenta nalang ng nanay ko!

  • 17 lojik // Jul 10, 2006 at 10:42 am

    nyahahah! ung last dog dapat me note na malaki na ganito ang nakalagay:

    GANITO ANG MANGYAYARI SA MUKHA MO PAG TINULOY MO ANG MASAMANG BALAK MO. MANGKUKULAM ANG ME ARI NG BAHAY NA TO!

  • 18 mai // Jul 11, 2006 at 9:28 pm

    cool yung huling breed!

    itsura pa lang…matatakot na ang magnanakaw ituloy ang maitim niyang balak. :D
    salamat sa pagdaan sa aking blog. nilink po kita. :D http://www.maipaul.blogspot.com

  • 19 MommyBa // Jul 18, 2006 at 7:37 pm

    LOL! What a funny photo! :)
    My son has a doberman for a pet back home and is much bigger than him. Cute sana pero ‘di ko talaga type ang mga naglalakihang aso. Kakatakot naman ang rottweilers eh. Feeling ko laging manlalapa! LOL!

  • 20 Patrice // Jul 29, 2006 at 4:47 am

    Kung dun sa 2, sa German Sheperd na ako. Very smart sila. Yung asawa ko, meron silang German Sheperd dati. Kapag tumatakas siya sa bahay at umaakyat ng pader, tatakbo na yung aso nila at hihilahin yung short niya para di siya makapanik sa pader nila. hehe.
    Pero my personal choice in a dog are boxers. I read somewhere that they are very good with kids and are loyal to their owner than most dogs. Boxer aso namin.

  • 21 BURAOT // Nov 7, 2007 at 1:44 pm

    Naalala ko tuloy nung nanakawan din kami. Napasok na kami sa bahay ala pa kaming kamalay-malay. Yung isa kong kuya, nakuha pa ng suot suot na relos, tindi matulog. Heheheh.

Leave a Comment