Entries from July 2006
I got sick! Tatlong araw akong nakulong sa loob ng bahay dahil sa trangkaso at dahil doon tatlong araw din akong hindi nakapasok, nakakapanghinayang din ang mga araw na hindi ko napasukan “no work no pay” pa mandin ako ngayon sa trabaho ko sa kadahilanang bago pa lang ako sa kumpanyang pinapasukan ko, pero wala naman akong magagawa pilitin ko man ang sarili kong pumasok baka lalo lang akong magkasakit.
Isang patunay lang na sa panahon ngayon mahirap talagang magkasakit, bukod sa mahal ang mga gamot malaki pa ang mawawalang kita sa hindi pagpasok. Dobleng ingat at alaga sa sarili na lamang ang kailangan ngayong panahon ng tag-ulan.
Permanent link to this post (109 words, estimated 26 secs reading time)
[Read more →]
Tags:
Mamang balbas sarado
ikaw ba’y tunay na lalake
o isang bading na nagpapanggap
na maton
kundangan kasing bakit
kay lalagkit ng iyong tingin
at sa akin pang pagkaka-upo
ako’y iyo pang sinisiksik
maluwag naman ang upuan
sa iyong tabi
pero ang hita mong pagkalalaki
ay pilit mong idinidikit sa akin
pwede bang umusog-usog
ka ng kaunti nang ako naman
ay maka-upo ng maayos
yan sana ang nais kong sabihin
kaninang umaga sa jeep
sa isang mamang mahinhin
kung umupo at kumilos
at di ko mawari kung
tunay nga ba siyang lalake
[Read more →]
Tags:
Busy as a bee pa rin ako, hanggang silip lang sa ilang blog ng kaya kong gawin ngayon. Bukod sa sobrang daming trabahong dapat tapusin andyan pa aking aking munting prinsipe at maybahay na umaamot sa aking atensyon. Hindi naman ako nagrereklamo at least ngayon hindi na ako tulad ng dating nasa Thailand pa ako na nangungulila sa aking mag-ina.
[Read more →]
Tags: