The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Sayang naka-smart wifi pa naman ako

July 12th, 2006 · 10 Comments · Blog

Busy as a bee pa rin ako, hanggang silip lang sa ilang blog ng kaya kong gawin ngayon. Bukod sa sobrang daming trabahong dapat tapusin andyan pa aking aking munting prinsipe at maybahay na umaamot sa aking atensyon. Hindi naman ako nagrereklamo at least ngayon hindi na ako tulad ng dating nasa Thailand pa ako na nangungulila sa aking mag-ina.

Ngayon sa araw araw lagi ko na silang kasama, nakikita, nakaka-usap at nayayakap anumang oras ko gustuhin (sarap noh?) kung noong nasa abroad ako walang laman ang isip ko kundi sila, walang araw na dumaraan na sana’y lagi ko silang kasama. May mga time pa nga na minsang gusto kong umuwi na lang at hindi ko na tapusin ang kontrata ko, pero nakatiis pa rin ako at nakapaghintay sa tamang panahon, ngayon andito na ako sa piling nila (dalawang buwan na nga eh!) at masasabi ko na wala nang homesick akong nararamdaman. Kaya nga itong aking blog na naging libangan ko noong nasa abroad pa ako ay napapabayaan ko na lately dahil ang anak ko ang madalas na umuokopa ng mga libreng oras ko, pero still hindi ko pa rin ma-iiwan ng tuluyan ang mundo ng blog, para kasi itong nakaka-adik na gamot na hindi mai-alis alis sa sistema kung ika’y nalulong na. Eh sino nga bang hindi malululong sa blogging, dahil dito kasi marami akong nakilala at naging kaibigan, mga tulad ko rin noon na homesick at ang iba nama’y mga nagse-senti, mga sari-saring katauhan sa likod ng mga alyas na unti-unting nakikilala ko dahil na rin sa isinusulat nila. kaya mahirap talagang ma-iwanan ang mundo ng blog na aking nang kinagigiliwan ngayon na kahit paminsan-minsan lang akong bumibisita.

sayang naka smart wifi pa naman ako….. tapos hindi ko naman masyadong ma-enjoy….. sobra busy kasi.

Tags:

10 responses so far ↓

  • 1 Ann // Jul 13, 2006 at 6:12 am

    Malaki talaga ang nagagawa ng blogging sa mga nasa malalayo sa pinas, may mga nabubuong friendship kahit na di pa nagkikita ng personal. Bawas homesick.

    Pero dapat isulit mo wifi mo..hehehe..sayang.

  • 2 Mistyjoy // Jul 13, 2006 at 8:22 am

    Ok lang yan pakner, mas importante pa rin ang work kesa pagblog. Ang mahalaga andyan ka pa rin, di mo pa rin inii-snub ang blogosphere kahit busy…sayang nga lang wifi mo!

  • 3 tekla // Jul 13, 2006 at 10:05 am

    wifi din kmi dito sa skul ni clown kaya blog ng blog kapag walang klase hehehe

  • 4 tutubing_karayom // Jul 13, 2006 at 11:34 am

    wag kang mang ingget.. palibhasa anjan kana sa tabi nila.. huhuhu!! sige blog ka parin…

  • 5 clown1796 // Jul 13, 2006 at 1:03 pm

    sa lahat ng addict, ang pagiging blog addict ang di magagamot dahil walang rehab para sa mga tulad natin.

    ang saya sa mundong ito kaya di dapat talikdan, basta may time ka silip ka lang, dito lang ang blogkada…naghihintay sa mga updates mo

  • 6 lojik // Jul 13, 2006 at 1:43 pm

    sinabi na nga na wag nang magtrabaho eh…nakakasira lang ng pagbloblog yan! eheheh!

    tama si m’ rems…tayo ang addict na walang rehab, walang gamot!

    pero ok lang yan. at least kahit minsan nakakadalaw. pero xiempre nakakamiss ang makulit na”mr. JLois”.

    waah! ako rin laging busy-busyhan.

    mahirap talagang iwanan ang blog world.pano ba nila tau masisi. eh enjoy ang blogging. maraming natutunan at nagiging kaibigan. teka, sino pala ung pasenti-senti (*lingon-lingon*)lol

  • 7 kneeko // Jul 13, 2006 at 4:11 pm

    nangangati daliri ko pag di nakapag-blog…. parang may sariling isip na hehehe

  • 8 jlois // Jul 13, 2006 at 5:10 pm

    @ann
    totoo nga at tama ka malaki talaga ang nagawa ng blogging lalo na sa akin lalo noong nasa malyo ako sa aking pamilya, dahil dito kasi nabawasan ang ka-homesickan ko
    at nakilala ko kayong lahat :)
    @misty
    of course mas importante ang work ksi kung wala akong work paano kakain at aking pamilya at higit sa lahat paano ako makakapag-pakabit ng smart wifi diba? :)
    @maam tekla
    eh ka swerte nyo naman pala maam?

    @TK
    nyahahaha! na-ingget ka ba my pren?
    wag kang mag-alala darating din ang panahon makakasama mo uli si piolo mo, for the meantime blog lang ng blog para mabawasan ang homesick mo.

    @clown
    oo nga ano? walang pang rehab sa blog addict noh?
    di bale kahit magkaroon na hindi pa rin ako magpapa-rehab. bwahahaha!

    @lojiks
    ano pang nililingon lingon mo dyan? hinahanp mo ba ang nag-sesenti? harap ka na lang sa salamin nang makita mo. :)
    @knee-mo
    ayos pala kamay mo may sarili nang isip, di hindi ka na nag-iisip pag nagba-blog ka ang kamay mo na lang ayos!

  • 9 Patrice // Jul 19, 2006 at 4:58 am

    Hmm, parang ako rin ito..bloggin to while the time pero medyo busy na. Pasilip-silip lang at pasulpot-sulpot na parang palitaw.

  • 10 royce // Jul 23, 2006 at 3:56 am

    Usa lang masasabi ko sa blogging, para iyan langaw sa …..di bale na lang, medyo gross hehehe–>

Leave a Comment