The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Balbas saradong bading?

July 13th, 2006 · 31 Comments · Poetry

Mamang balbas sarado
ikaw ba’y tunay na lalake
o isang bading na nagpapanggap
na maton

kundangan kasing bakit
kay lalagkit ng iyong tingin
at sa akin pang pagkaka-upo
ako’y iyo pang sinisiksik

maluwag naman ang upuan
sa iyong tabi
pero ang hita mong pagkalalaki
ay pilit mong idinidikit sa akin
pwede bang umusog-usog
ka ng kaunti nang ako naman
ay maka-upo ng maayos

yan sana ang nais kong sabihin
kaninang umaga sa jeep
sa isang mamang mahinhin
kung umupo at kumilos
at di ko mawari kung
tunay nga ba siyang lalake

malaki pa nga ang katawan
kaysa sa akin na pilit na
isinisiksik sa aking tabi
pero akin na lang hindi sinabi
at baka kako ako pa’y
masampal o matarayan o masapak
sa harap ng maraming pipol
kung nagkataong totoo man o hindi
ang aking hinala

naku! ang laki sanang kahihiyan
buti na lang ako pa’y nakapagtimpi
at hinayaan ko na lang sya sa
kanyang trip

Tags:

31 responses so far ↓

  • 1 cruise // Jul 13, 2006 at 7:14 pm

    kanta ba ito o tula?

    yung sa bubble gang i-spoof nila yung Narda ng Kamikazee, ginawang Mamaw ng Kayokasi… naging kanta tungkol sa isang Mamaw (bading), nakakaaliw si Michael V at si Diego.

  • 2 jlois // Jul 14, 2006 at 8:42 am

    @cruise
    kwento yan nang nangyari noong araw na yan dahil inilabas ko lang inis ko.

  • 3 Mistyjoy // Jul 14, 2006 at 10:54 am

    akala ko tula, kwento pala!

    mga siga sumasakay ng dyip ngayon kaya ingatz ka… wag kang padadala ng emosyon mo baka pagbaba mo kulay talong na ang 2 mata mo. :)

  • 4 tekla // Jul 14, 2006 at 3:32 pm

    nagpapa-cute lang yun sayo hehehe

  • 5 Ann // Jul 14, 2006 at 7:19 pm

    Dami ritong ganyan, ang lalaki ng katawan at balbas sarado rin, pag naglakad kumekendeng ang balakang, fake pala..hehehe.

  • 6 clown // Jul 15, 2006 at 9:25 am

    next time dala ka karayom para pag dumikit, tusukin mo hehehhehe

  • 7 melai // Jul 15, 2006 at 9:00 pm

    wow!
    lakas ng appeal sa bading?

  • 8 karmi // Jul 16, 2006 at 1:08 pm

    nyahaha.. aliw naman yan kuya.. aliw lang basahin pero feeling ko nga inis na inis ka! kahit ung kapatid kong lalaki, inis din sa mga bading kapag tumatabi na sa kanya..

    iba ka kuya.. di lang babae ha.. hehehe.. ang pogi!!!

  • 9 kneeko // Jul 16, 2006 at 5:22 pm

    dre antindi mo ah… baka inaamoy lang kung ano ang gamit mong pabango… hehehe

    hindi lang pang-girls pang gays pa hehehe

  • 10 vemsan // Jul 17, 2006 at 12:47 am

    pa-men-ta…marami nyan dito…

  • 11 tutubing_karayom // Jul 17, 2006 at 7:48 am

    Naku ang tindi ng powers mo JLOIS hahah!! hindi kalang habulin ng girls habulin karin pala ng mga pa girls.. eheheh! sana lumipat ka ng upuan pare ko… kc minsan akala natin bading pero dimo alam kinukuha na nya ung wallet mo… manggagantso pala.. ingat nlang lagi…

  • 12 jlois // Jul 17, 2006 at 4:32 pm

    @misty
    kaya nga pinabayaan ko na lang sa trip nya eh, dahil dag-iingat ako mas malaki kasi sa akin eh. :)
    @Maam Tekla
    baka nga maam! :)
    @ann
    Oo nga raw sabi daw ng bayaw ko, kasi nakapagtrabaho ang bayaw ko sa jeddah ng 4 years. :)
    @Clown
    naku wag na lang maam! bak kurutin ako eh:)

  • 13 jlois // Jul 17, 2006 at 4:39 pm

    @melai
    di naman mare!

    @karmi
    nakaka-inis naman kasi talaga diba?, okay lang sana ang matabihan kung talagang siksikan kaso nung time na yon ang luwag naman sa kaliwang side nya eh kaya nakaka-inis talaga, pero di na lang ako kumibo para walang gulo. :)
    @kneeko
    gamit kong pabango dre! yung pabango ni misis eh baka nga nabanguhan. :)
    @vemsan
    dito sa pinas madalas akong makakita sa sinehan :)
    @TK
    pinakikiramdaman ko nga kung wallet ko nga ang puntirya nya eh, pero hindi naman yata kasi kita ko ang dalawang kamay nya habang naka-upo isang kamay may hawak na payong ang isa naman sa may hita nya. :)

  • 14 skulgirltrx // Jul 17, 2006 at 7:44 pm

    dami din nila sa gym hehe, mga kasabay ko laki katawan, lecheflan bading pala, pag nagsalita na, ahay! ;)

  • 15 Racky aka Bakya Ni Neneng // Jul 18, 2006 at 1:53 am

    buti di ka kinantahan ng …

    this guy’s in love with you pare,
    this guy’s in love with you pare
    this guy’s in love wiyh you pare
    bading na bading sayo..

    heheheh!

  • 16 tutubing_karayom // Jul 18, 2006 at 6:04 am

    Anong malay mo JLOIS e 3 pala ang kamay??? bwahahah

  • 17 jlois // Jul 18, 2006 at 6:57 pm

    @skulgirltrix
    dami rin ba doon?, di ko napapansin sa dating gym na pinupuntahan ko kung meron. :)

  • 18 jlois // Jul 18, 2006 at 6:59 pm

    @racky
    buti nga eh! di ako kinantahan ng ganon siguro dahil mahihiya din yon kung sakali. :)
    @TK
    yan ang di ko napansin he he he! pero kahit tatlo pa kamay nya wala naman nakuha sa akin eh :)

  • 19 MommyBa // Jul 18, 2006 at 7:33 pm

    Hehehehe! Just one of those days, eh? :)

    This was a really creative way to express your ‘inis’!

    Thanks for visiting my blog! I hope you wouldn’t mind being in my blogroll :)

  • 20 jlois // Jul 18, 2006 at 8:38 pm

    @mommyba

    buti nga kahit papaano eh nai-lalabas ko inis ko kahit sa ganong paraan lang atleast mtanggal ang inis. btw you can add me on your blogroll, i’ll add you too on my links. :)

  • 21 lojik // Jul 19, 2006 at 1:26 pm

    heheheh! papa material ata kase ang dating ng katawan mo mr. jlo eh.

    nakakainis nga ung mga ganung tao na sobra kung maniksik. di mo alam kuung nananadya o ewan.

    ikaw lalake. imagine mo naman lalo ang sitwasyon namin babae kapag me mga mamang bastos na hindi namen maintindihan.

  • 22 thess // Jul 20, 2006 at 2:00 am

    story pala, akala ko tula…

    hmm, kanina i accidentally saw a site with pictures of participants in the Gay Games…hindi lang may balbas, body builders pa lahat, hindi ako makapaniwala!

  • 23 tutubing_karayom // Jul 20, 2006 at 8:48 pm

    Anong walang nakuha?? un ang akala mo.. nakuha niya ang atensyon mo… o tamo naiibida mopa sya sa entry mo hehe!!

    Salamat sa kanta… feel na feel ko tlga sabay ng pag agos ng aking luha!!

  • 24 jlois // Jul 21, 2006 at 4:24 pm

    @lojiks
    he he he! di nman masyado lojiks
    Oo nga sa kaso nyong mga babae ang mahirap kung may maka-engkuwentro kayong manyakis, sa akin naman okay lang ang masiksik wag lang naman yung obvious :)

  • 25 jlois // Jul 21, 2006 at 4:27 pm

    @thess
    hindi rin talaga ako minsan makapaniwala pag nakakakita ko ng mga gay na mukha namang lalake, pero yung mga nagba-body building i know its for health reason yon at lifestyle eh. :)

  • 26 jlois // Jul 21, 2006 at 4:29 pm

    @Tk

    Oo nga pala noh? nakuha nya pala ang atensyon ko big time! kaya bida sa sa post ko. :)
    no problemo TK sabihin mo lang kung kailan mo kailangan na kantahan ulit kita kahit post lang ng lyrics, dahil di mo naman ako maririnig kung kakanta ako eh :)

  • 27 jairam // Jul 21, 2006 at 11:38 pm

    ka aliw :)

  • 28 deejayz // Jul 22, 2006 at 10:07 am

    Galing! Kahit na inis ka, nakagawa ka ng tula! Whew! Machong Bading! Closet Queen!

  • 29 Mmy-Lei // Jul 22, 2006 at 12:00 pm

    hahaha, kakatuwa naman nito J. grabe sana sinapak mo nalang… nyahahaha!

  • 30 Royce // Jul 23, 2006 at 3:47 am

    Wow dre, naka close encounter ka pala ng the third kind hahaha!

    On the serious side, tama si TK, baka MO (modus operandi) lang iyan eh mandurugas pala ang damuho…

  • 31 lil _kath // Aug 6, 2006 at 2:32 pm

    hahaha ^_^ lapitin ka pala ng may bigote? malambot nga lang ang mga balakang at pumipilantik mga daliri yakkkss! :P ok sana kung cute na bading no? kakatakot pag mas macho pa sayo nyeee!

    …miss ko na chat natin nila mmy-lei, buzz ka minsan pag free ^_^
    regards kay esmi and sa poging baby ;) o sige na nga mana na sayo lol! ^_^ painom ka na haha…

Leave a Comment