The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Hindi nakakasira sa porma ang pagdadala ng payong

August 5th, 2006 · 10 Comments · Blog, Daily dose

Back in working condition na ulit ako ngayon, balik na ulit sa pagiging ulirang empleyado, nakapagpahinga rin kasi ako ng mahigit isang linggo at ngayon nakakapasok na ulit ako, although medyo relax lang muna dahil baka mabinat.

Sa aking pagbabalik trabaho balik na rin ako sa usual na eksena sa kalye, mga eksenang nakasanayan na at hinahanap-hanap ko noong ako’y mangibang bayan, tulad ng pakikipag-agawan ng masasakyan tuwing umaga, mga pasabit-sabi ko sa jeep, mga pakikipagbalyahan ko sa pag-akyat sa bus na halos hindi na ma-isara ang pinto dahil sa sobrang dami ng umakyat na pasahero, pakikipagsiksikan sa MRT sama na don yung pakikipag-agawan ko ng libreng dyaryo, mga eksenang sigawan sa loob ng bus at MRT sa tuwing may nagagalit dahil ayaw masiksik, at isa pang eksenang gustong gusto ko ay sa tuwing mamiilit ang mga konduktor na papasukin sa kaloob-looban ng kanilang bus ang mga pasahero syempre upang imaximize nila ang space at makapagsakay pa, pero tigas naman ng pagtanggi ng ibang pasahero at sasabayan pa ng kung anu-anong sasabihin at ang kawawang konduktor wala na lang magawa, kundi ang mailing.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa tuwing may ganitong eksena akong nasasaksihan, mga eksenang masasabi kong sa Pilipinas ko lang makikita. Ilan lang yang mga nabanggit kong eksena na namiss ko at ngayon akin na namang nanamnamin (he he he).

Sa aking pagkakasakit, ay may mga natutunan din ako at may konting nabago, nawala ng konti ang katigasan ng aking ulo, kase naman akala ko kasi malakas ang resistensya ko at hindi ako tatablan ng trangkaso nitong tag-ulan. Paano kase sumusugod ako sa ulan lalo na kung mahina lang ang patak, at hindi ko rin kase sinusunod ang madalas na sinasabi ni esmi na magdala ng payong sa tuwing hindi maganda ang panahon, kasi ang katwiran ko palagi ay hassle ang magdala ng payong, sagabal sa aking pagsabit sabit at pakikipag-agawan ng masasakyan at isa pa nakakasira ng porma (he he! yan ang napala ko) kaya mas pinipili ko pa ang tumakbo takbo kung papatak na ang ulan. Pero ngayon hindi na, isa na akong ganap na masunuring asawa at nagbi-bitbit na rin ako ng payong ngayon, umuulan man o umaaraw basta laging may secret weapon akong nakatago sa aking belt bag. Mahirap na ulit kasing magkasakit kase nga sabi ng karamihang nagkomento sa nahuling post ko “health is wealth” at kailangan laging ingatan, tama nga naman sila sa kanilang tinuran dahil sa katulad kong ang aking mag-ina lang ang tanging yaman marapat ngang laging dapat iniingatan ang kalusugan, kaya lagi ko nang isinasaksak sa kukute ko na hindi naman kabawasan sa porma ang magdala ng payong.

Tulad nitong mamang nasa larawan hindi nahihiyang magdala ng payong

Tags:

10 responses so far ↓

  • 1 Mmy-Lei // Aug 6, 2006 at 11:16 am

    wow back to work! konting ingat lang J at baka mabinat! wawa naman si esmi at mapupuyat!

    payong! nagdadala ka na ng payong ngayon? hehehe, isa rin akong katulad mo na di nagdadala ng payong, jacket nalang… hehehe

  • 2 lil _kath // Aug 6, 2006 at 2:38 pm

    aww laki nung payong ng mama sa pic. lol! dyan ka mabibinat pag ganyan kalaki dadalhin mo sa trabaho mo o baka magulpi ka pa sa labas kase nakasundot ka ng katabi mo hahaha ^_^ kulit mo joven :P
    ingatz po!

    …chat ulit tayo nila mmy-lei pag free ka ha…buzz ka lang o just leave offline message para alam ko!

    enjoy weekend!

    cheers,
    -kathy-

  • 3 Jam // Aug 7, 2006 at 3:35 am

    Hello!

    Nakita ko tong blog mo habang naghahanap ng paraan para di makatulog dahil ang dami ko pang dapat ayusin. Hehe.

    Nice blog by the way. Napadaan lang. :)

  • 4 tutubing_karayom // Aug 7, 2006 at 6:52 am

    Ayan, buti nman masunurin kana.. kung ganon ba kalaki ang payong na pwede mong dalhin mag bitbit ka narin ng kakanin o mga prutas pwede kanang mag benta pare ko… joke!!!

    walang dyahe sa pag dala ng payong no, at least me pantusok ka sa Mrt kung sakaling ayaw kang pasiksikin.. heheh! joke ulit…

  • 5 Katrina // Aug 7, 2006 at 9:44 pm

    hindi ba’t mas nakakasira ng porma yung umuulan tapos heto ka at susukot-sukot, patakbo-takbo para di mabasa? tapos pag nagkasakit itsura mo’y parang pindanggang isda?nasan na yung iniingatang porma? di ba? kaya ikaw john…ehe! masyado naman yata akong nadala ng emosyon hehehe..sensya na dre at nakikisermon lang tulad ni misis…

  • 6 malaya // Aug 9, 2006 at 3:02 pm

    minsan talaga nakakatamad magdala ng payong. hassle. pero natuto na rin akong magbitbit dahil tulad mo
    tinamaan din ako ng sakit dahil sa pagsugod sa ulan.

    ***
    siguro, magre-refuse rin akong magdala nang ganyang kalaking payong nung mama sa pic. aba e hindi nga ako magkakasakit,
    mabubunggo naman ako sa laki ng payong. ehehehe.

    ***
    pa-update nalang po ng link
    http://malaya.manilenya.com
    salamat!

  • 7 JoLoGs QuEeN // Aug 9, 2006 at 3:24 pm

    mas hassle kung
    sobrang umulan
    at basang basa
    kang papasok sa
    ofis o kaya naman
    tirik ang araw
    at papasok ka
    ng ubos ng pawis

    kung ganun din lang
    magddala na lang
    ako ng payong
    araw araw (^_^)

  • 8 Royce // Aug 11, 2006 at 1:29 pm

    Dre, happy to hear to back to work. Hirap yata iyong may sakit at nakapako ka lang sa kama.

    Mis mo iyong sisikan sa bus? Eh kung madukutan ka-tepok! Di bale sa umaga, eh kung sa hapon na puros pawis na mga madla? Yuk!!!!! Amoy tinapa na sila, hehehe

  • 9 Royce // Aug 11, 2006 at 1:30 pm

    to back=you’re back. So sorry…

  • 10 VemSan // Aug 15, 2006 at 8:00 am

    may payong ako lagi sa bag pero nahihiya naman akong gamitin..hehehe–>

Leave a Comment