Sinusubukan kong ilipat lahat ng posts kasama na rin ang mga komento galing sa blog ko sa blogger papunta dito sa wordpress blog ko gamit ang import function sana ng wp, pero sa kasawiangpalad hindi ko magawa dahil na rin sa kadahilanang ito “your web server is not properly configured to use this importer. Please enable the CURL extension for PHP and then reload this page”. Â
Â
Ang mensahe ay malinaw na kailangan daw na meron akong dapat na ayusin para magamit ang import function na yon ang problema lang, paano ko kaya gagawin yon? sa madaling salita hindi ko alam ang ibig sabihin non, dahil para sa katulad kong internet ignoramus na ang tanging alam sa internet ay mag-surf at chat lamang at walang kamalay-malay sa ganitong klaseng program isa nang problema ito. Ano nga ba itong CURL extension na ito?, anong malay ko ba rito? nagba-blog lang ako eh. sinubukan kong i-search sa google ang tungkol sa curl na ito pero wala rin, hindi ko rin ma-get (he he, wala talagang alam pa sa wp eh, syensya na). Siguro kailangan ko lang nang step by step tutorials para maresolba ito, mahina kasi ang kukote ko sa ganitong bagay.
Paano kaya kung i-manual ko na lang? tingin nyo?
Â
18 responses so far ↓
1 karmi // Aug 30, 2006 at 12:02 am
kuya..
ano nga kaya yang CURL na yan?! pampam naman.. hehehe..
windang!
manual kuya?! hala.. hehehe.. medyo marami-rami ata.. pero mas ok na un kesa, sayang ung mga post diba?
gudluck kuya!
2 TK // Aug 30, 2006 at 5:48 am
Naku hirap nito pare koy, medyo mahina ako jan eh! sensya na… natanong monaba Mmy Lei? try mo!
3 tommmy // Aug 31, 2006 at 4:41 am
bloghopping…
haha, highly technical, hirap unawain. manu-mano mo nalang, ganun din ginawa ko kaso matrabaho nga lang, hehe.
4 fionski // Aug 31, 2006 at 5:45 am
Curl? Parang pang curl lash hehehe.
Ano ang nr sa domain mo? Naiisip ko no reaction. Tsk!
Musta na po?
5 lojik // Aug 31, 2006 at 5:58 am
malay ko rin jan! ahahah! gudluck sayo…….
paturo ka sa ibang bloggers..use connection.eheheh
6 major // Aug 31, 2006 at 8:16 am
kung host mo sarili mo pre, download mo curl extension for php, malamang yung version na gamit mo di kasama yun sa install, tapos enable mo lang somewhere in httpd.conf
kung hosted ka naman, kontakin mo webhost mo…sila na makakaaus nun…hehe
7 melai // Aug 31, 2006 at 8:53 am
mayroon ka bang cpanel?
kung mayroon doon mo aayusin yan
pero kung free webpage ito di ko alam
kung ano gagawin
8 potpot // Aug 31, 2006 at 9:27 am
wah!! ano un?? nagbabalak pa naman ako mag wordpress.. huhuhuhu.. kaya lang baka mag error dn.. hmf.. gud luck.. kapain mo lang yan… hehhehe
9 jlois // Aug 31, 2006 at 9:45 am
@karmi,
wala nga ako idea karmi tungkol dyan, pero ngayon alam ko na sya, nalipat ko na nga eh pero sa ibang paraan sya.
@TK
pareho na lng tayo
@Tommy
Oo nga very technical talga sya at mahirap arukin sa IT technically uninclined like me.
@Fionski
Hindi ko rin alam ang ibig sabihin ng nr eh sorry:)
@Lojiks
ayos na naman lojik eh, na-research ko na at dahil sa sadyang makalikot ako nakuha ko rin
@major
thanks sa suggestion pre! anyway naayos ko na sya na-import ko thru wp to wp using the export ng wordpress.
@melai
meron akong cpanel mare, yun nga lang hindi ko alam kung saan doon aayusin.:)
@potpot
kung ang balak mo ay lumipat sa wordpress.com yung free blog hosting wala syang problema, pero kung paid hosting ka at ikaw rin ang nag-install ng wp using the fantastico yon lang ang may konting problem, pero kaya naman syang ayusin tyaga lang
10 sarubesan // Sep 2, 2006 at 3:59 am
dko rin alam yan.. dpa ako nakakahawak ng wp..hehe sorry!
11 MommyBa // Sep 6, 2006 at 9:05 am
Welcome to your new home. Isa sa mga rason kung bakit ayaw ko maglipat ng blog eh dahil sa hirap ng paglilipat. Pero sa tingin ko mas maganda ang kalalabasan ng blog mo ngayon pag natapos na ang paglilipat mo. Don’t forget the housewarming pag tapos na ha
Ngayon, kelangan ko naman iupdate ang link mo na nasa blog ko
*hugs* and good luck!
12 ralphT // Sep 7, 2006 at 7:38 am
tanong mo yun mga magagaling sa programming! hehe. i also suck at computer-related shit! hahahahhaha
13 thess // Sep 8, 2006 at 1:03 pm
Hello neybor! congrats on your new e-home, ia-update ko na link ko…have a fine weekend!
14 mmy-lei // Sep 11, 2006 at 5:50 am
curl ba i-kamo? teka lang ha, tinapon ko na kasi yan at straight na buhok ko eh!
nyahahaha! welcome sa PHP world pre! online ka nalang turo ko syo! mas madali pa!
15 sarubesan // Sep 17, 2006 at 4:13 am
prang nabasa ko yang “curl” error sa php. sa new version ng wordpress daw di pwede gumamit ng word na “curl”…bug yun na kailangang ayusin ng wordpress..hehehe
16 jlois // Sep 17, 2006 at 11:38 pm
@Vemsan
ahh!/ bug ba yon?, pero okay di ko na, na-itransfer ko na yung mga post and comments sa blogger blog ko papunta dito sa wp
17 kyutbabe // Jun 30, 2007 at 3:46 pm
jlois, pano mo nalipat yung posts mo from blogger to wp? lumalabas din kasi ang error na ‘to sakin.
18 Don’t quit « ChocoCherryCoco // Jul 11, 2007 at 7:36 am
[...] Don’t quit | Jul 09th 2007 Just when I was about to move my blog one post at a time, someone who had experienced the same trouble I was going through reached out a helping hand. He shared the workaround which enabled him to migrate his blog to wordpress. It turned out I just had upload a wordpress.php file found in this site so that I would be able to see Wordpress from the list Import choices. Let’s see if this will work. Posted in Uncategorized [...]
Leave a Comment