Ayon kay Melai ang buhay daw ay parang sa pelikula na hindi nawawalan ng mga tugtog o awitin na nais pakinggan. Yung parang sa pelikula na may soundtrack sa bawat eksena.
Kung baga sa pelikula ang buhay hindi rin daw nawawala ng soundtrack, theme song noong lumang panahon. Bawat oras, minuto, segundo ng buhay parang sobrang lungkot kung wala ka man lang musika na naririnig o mga kantang paulit-ulit mong pinakikinggan.
Tulad nga din ng sa pelikula, sa buhay natin ay may mga awitin din tayong nais marinig sa bawat eksenang nangyayari sa ating buhay. Mga awiting tumutugma sa ating panglasa at umaangkop din sa ating kasalukuyang damdamin. Dahil minsan pa-iba iba ang ating mood, kaya’t pa-iba iba rin ang ating gustong marinig.
At dahil sa naalala daw ako ni mareng Melai, kaya naman kasama ako sa binatuhan ng tag na ito.
Jlois, baka nga pre
kasi ganoon din ako e, alam ko yung kanta hindi ko alam ang pamagat
oo pre naalala kita kaya tinag kita
Syempre kahit naman nakagawa na rin ako ng ganitong tag dati ay gagawin ko pa rin ito. Iba kasi pag-naalala ka ng isang kaibigan ibig sabihin….. close kami :), kaya heto na ang pitong kantang aking naging soundtrack sa mga nakaraang eksena sa aking buhay. In random order lang.
- Saan na nga bang Barkada, by APO Hiking Society. Although ang barkadang hinahanap ko ay hindi nagsimula sa eskwela kundi sa lugar na aking kinalakihan. Dahil sa ngayon halos lahat ang barkada ko don ay nasa ibang lupalop na naninirahan at talagang nakakamiss ang dati naming samahan.
- Be my Lady, by Martin Nievera. Ito ang palagi kong pagsusumamo sa aking kaklaseng babae na aking nililigawan noong ako’y nasa kolehiyo pa, hulaan nyo kung anong nangyari?
- Now and Forever, by Richard
MerkMarx. Now and forever, I will be your man…. ang palagi kong pangako ko sa babaeng nililigawan ko para ako’y sagutin.
- In my Life, by the Beatles. There are places are remember, all my life though some have changed. Some forever not for better, some have gone and some remain. All these places have their moments with lovers and friends, I still can recall….. ala John Lennon ang aking drama sa tuwing aking naaalala ang mga lugar na aking kinalakihan at mga taong naging bahagi ng ilang kabanata ng masayang eksena sa aking buhay.
- Love of a Lifetime, by Firehouse. I finally found the love of a life time, a love to last my whole life through….. I finally found the love of a lifetime, forever in my heart…. I finally found the love of a lifetime… Ang madalas kong kantahin sa aking misis, dahil tulad ng sinasabi sa bawat titik ng kanta ay yoon ang aking nararamdaman para sa kanya.
- Kahit maputi na ang buhok mo, by Rey Valera. Kung tayo ay matanda na, Sana’y di tayo magbago, Kailan man Nasaan ma’y ito ang pangarap ko, Makuha mo pa kayang, Ako’y hagkan at yakapin, Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa iyo, Ako pa kaya’y ibigin mo kung maputi na ang buhok ko? Mga katanungang sumisiksik sa aking isipan, dahil tanggapin ko man o hindi darating talaga ang panahong tutungo ako sa aking pagtanda. - Magpakailanman, by Rocksteddy. ang aking kasalukuyang paboritong awitin. Darating din ang araw Na tayo’y tatanda Babagal ang mga paa At malalabo ang mata Hindi mo mamalayan ang pagikot ng mundo. Darating din ang panahon na malalagas ang buhok balat ay kukulubot at makukuba ang likod hindi malilimutan ang pagibig ko syo, magpakailanman. Panahon ay lilipas din mga araw ay daraan ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso ngunit hindi ang pagibig ko syo. Darating din ang bukas na tayo’y kukupas ang buhay ay magwawakas kasama ang gunita ngunit hindi malilimutan ang pagibig ko syo, Magpakailanman… Kailangan ko pa bang sabihin kung ano ang mood ko habang naiisip ko ang kantan ito?,Â
Hindi naman madrama ang mga eksena sa buhay ko diba?. o sige hindi ko na ipapasa ito sa iba, bahala na lang kung sino ang may gusto.
Â
11 responses so far ↓
1 sarubesan // Sep 27, 2006 at 4:37 am
naku videoke time na ito..ipasa na ang magic mic at ako na ang bibirit..hehehe
2 TK // Sep 27, 2006 at 4:50 am
Batit nibura mu cumint ku, huhuhu!! dapat aku pers onor naunahan tuluy ako ni Vemsan! nyahahah!!
ano na ngaba ung kinoment ko kanina? sabi ko na tag din ni Te Melai to saken. kung sayo me lyrics ako me live streaming! heheh! wag mo ng burahin ito si Tikey itoooooooooo…
3 melai // Sep 27, 2006 at 5:06 am
waheheheh natawa naman ako dito sa post mo pre
talagang ekstrang ekstra aketch
heheheh tingin ko mali ka …. kasi pansin ko madrama ang buhay mo dahil sa mga fave songs mo e
4 jologs_jaja // Sep 27, 2006 at 6:32 am
mas madali kasing maalala
ang magagandang part ng
movie dahil sa soundtrack
kaya kelangan ang emo
theme song lalo na kapag
you against the world
ang drama ng buhay mo
(^_^) nakikibisita lang..
5 karmi // Sep 27, 2006 at 8:22 am
naks naman sa mga awitin mo kuya!
ganda..
naalala ko nga pala, sa blog mo una kong narinig ung kanta ng rocksteddy..
ganda nga nun eh!!!
kahit anong kanta ng APO the best!! ^_^
6 MommyBa // Sep 27, 2006 at 12:24 pm
#2 and #6, lagi naming nakakanta during karaoke sessions. Una, maganda ang mga kanta na yan at pangalawa eh nakakakilig.
Great choice of songs! APO, of course, I grew up listening to them
Cheers!
7 jlois // Sep 27, 2006 at 2:33 pm
@vemsan sige hihiramin ko muna yung “extreme magic sing” ni manny pacqiuao tapos pahiram ko syo. he he he
@Tikey, naharang ng taga moderate yung unang mong komento eh, hindi ko naman napansin akala ko SPAM?
@Melai, madrama ba? pwedeng pang MMK (Maalaala mo kaya) ba?
@jologs_jaja, sabagay nga totoo yon madali ngang maalala kung may mga soundtrack, at syempre kung walang soundtrack parang ang boring.
@Karmi, Ganda ba?
@Mommyba, ako rin yung #2 lagi ang nire-request ko sa karaoke
8 melai // Sep 29, 2006 at 2:09 am
uu pedeng pede pre
9 mmy-lei // Sep 29, 2006 at 7:35 pm
asan na ang magic mic at ako naman ang bibirit ng love of a lifetime… nyahahah
tamang senti na ito!!!
10 rho // Sep 30, 2006 at 2:49 am
ayyyyy tayppsss ko yang pagputi ng buhok-buhok na yan! hehehe… naks, lalo na kung kakantahin nyo e tlgang uugod-ugod na! o db?! sweetness naman! hahaha!
11 malaya // Oct 3, 2006 at 6:27 am
ganda nga ng soundtrack ng buhay mo, APO song pa lang kabog na! Dagdagan pa ng Martin Nievera.
***
tunay nga na ang kanta ay buhay, kung iisipin, from classic to rock o kahit pa underground yan, nailalarawan pa rin nito ang buhay.
Leave a Comment