Madalang ang pag-uwi ko ng maaga sa aming bahay mula sa opisina noong ako’y binata pa. Madalas nagiging tambayan ko na ang aming opisina lalo na kung marami kaming trabaho. Maaga ako kung pumasok ngunit gabi na ako kung umuuwi noong mga panahon na iyon. Kung minsan naman kahit holiday pa mas pinipili ko pa ring mag-trabaho na lang kaysa magkulong sa bahay. At kung minsan, nagkakayayaan ang barkadang gumimik laging ”go” ang mood ko at sigurado umaga naman ang uwi namin. Yan ang palaging routine ko noong single pa ako at walang sabit.Â
Entries from October 2006
Routine, Detour and Single life
October 23rd, 2006 · 10 Comments · Reflections
Tags:
“Life is like a box of chocolate”
October 5th, 2006 · 16 Comments · Viewpoints
Iba talaga ang buhay, pag nasa sariling bayan ka na at kapiling mo ang iyong pamilya. Masaya, masarap sa pakiramdam, at lagi kang may ngiti sa labi, lalo na kung kasama mo na ang iyong tsikiting na walang kasing kulit.
Kahit pa buong araw akong wala sa bahay namin dahil sa trabaho ko okay pa rin dahil alam ko naman na pagsapit ng gabi ay kasama ko na naman ang aking pamilya. At kahit pa pagod na pagod ako sa aking trabaho, hindi pa rin ito nagiging problema sa akin dahil alam ko sa isang ngiti ng munti kong anghel at yakap ng aking maybahay ay mawawala na ang pagod na aking nadarama. Yun nga lang may mga dis-advantages din, kadalasan nga ay kinakapos sa gastusin dahil na rin sa sobrang taas ng mga bilihin. At lagi ring may pangamba na baka hindi mabigyan ng magandang kinabukasan ng ating mga anak, pero kung sa pang-araw araw lang, nakakaraos din naman.
Tags: