The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

“Life is like a box of chocolate”

October 5th, 2006 · 16 Comments · Viewpoints

Iba talaga ang buhay, pag nasa sariling bayan ka na at kapiling mo ang iyong pamilya. Masaya, masarap sa pakiramdam, at lagi kang may ngiti sa labi, lalo na kung kasama mo na ang iyong tsikiting na walang kasing kulit.

Kahit pa buong araw akong wala sa bahay namin dahil sa trabaho ko okay pa rin dahil alam ko naman na pagsapit ng gabi ay kasama ko na naman ang aking pamilya. At kahit pa pagod na pagod ako sa aking trabaho, hindi pa rin ito nagiging problema sa akin dahil alam ko sa isang ngiti ng munti kong anghel at yakap ng aking maybahay ay mawawala na ang pagod na aking nadarama. Yun nga lang may mga dis-advantages din, kadalasan nga ay kinakapos sa gastusin dahil na rin sa sobrang taas ng mga bilihin. At lagi ring may pangamba na baka hindi mabigyan ng magandang kinabukasan ng ating mga anak, pero kung sa pang-araw araw lang, nakakaraos din naman.

Hindi tulad ng buhay kung nasa labas ka ng bansa nagta-trabaho, namumuhay ng mag-isa at malayo sa pamilya. Para kang isang basang sisiw na naghahanap ng masisilungan, naghahanap ng makaka-usap o mapupuntahan sa oras na masumpungan mo ang lungkot ng pag-iisa.

Oo nga’t hindi na kakapusin sa panggastos ang pamilya mo at madalas pa nga na sagana sa material na pangangailangan ang pamilya. Wala rin ang pangamba o ang agam-agam na baka hindi natin mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga anak. Pero sapat nga kaya yong kaisipang malaman mo na nakakasiguro ka na sa kinabukasan ng mga anak mo, nakakasiguro ka na hindi pinoproblema ng pamilya mo ang pera. Para isakripisyo natin ang ating kaligayahan, ang kaligayahang makasama sa araw-araw ang ating pamilya.

Aaargh! mahirap mang isipin mahirap mang gawin, pero sa tingin ko sapat na yon.

Tags:

16 responses so far ↓

  • 1 TK // Oct 6, 2006 at 12:10 am

    Tama ka sa iyong tinuran kaibigan
    walang anupamang bagay ang makakapantay sa pagsasama nyo ng pamilya mo,
    walang kung ano mang ginto ang pwedeng itumbas sa bwat ngiti ng iyong mga mahal
    Ang pagmasadan kung pano ang paglaki ng iyong mga supling ang nagsisilbing rewards sa atin hindi ba?
    walang kapantay ang ligaya na tulod ng ating sariling pamilya…. wag kang mang ingget uy! nyahahah!

  • 2 lojik // Oct 6, 2006 at 3:28 am

    it’s not really the money that makes the world go round. pero minsan nakakainis isipin na minsan, it has so much value na hindi ka makakilos na wala un. importante pa rin. kahit papano.

    pero ang mas higit na mahalaga eh masaya ka. that thing that money can’t buy. kaya ka lang naman nagtratrabaho at naghihirap para rin mapasaya mo ang sarili mo at ilang mahal sa buhay.

    walang silbi ang yaman kung di ka naman masaya.

    happy for you, mr. jlo. at least di ka na homesick!

  • 3 sarubesan // Oct 6, 2006 at 4:57 am

    i agree! kaso pamilya namin nagkalat na.. meron sa pinas, sa qatar, sa amerika(iba ibang states pa nga)..kelangan na ng grand reunion.LOL

  • 4 melai // Oct 6, 2006 at 6:10 am

    nakakadagdag ka naman ng isipin pre e
    lol!! nukaba
    wag kang ganyan
    sus!!!

  • 5 rHo // Oct 6, 2006 at 2:08 pm

    waaaahhhh… ayoko ng mag-isip!! huhuhuhu! tiis-tiis na lang siguro muna sa ngayon, in God’s perfect time maayos din ang lahat! maibibigay mo na ang pangangailan ng pamilya mo plus kasama mo pa sila! haaaay… kelan kaya yun?!

  • 6 master // Oct 6, 2006 at 3:23 pm

    maraming tough choices sa buhay at kailangan nating mamili. kung ano man ang piliin natin, we have to live with it. homesick na naman si pare ko!!!

  • 7 jlois // Oct 6, 2006 at 4:11 pm

    @Tikey, ha ha ha lol! na-inget ka ba kaibigan?

    @Lojik, Yes its true! hindi lang pera ang nagpapa-ikot ng ating mundo, kundi ang mga taong nakapaligid sa atin mga taong nagbibigay sa atin ng halaga. Oo nga hindi na nga ako homesick lagi nga akong masaya eh at lagi ko nang nasusubaybayan ang anak ko.:)

    @Sarubesan, mukha ngang kailangan nyo nang mag-reunion. lol :)

    @Melai, lol ha ha ha! nakadag-dag ba? syensya na :)

    @Rho, huh? bakit ka umiiiyak? :)

    @Master, huh rin? master hindi naman ako homesick eh :) nasa pinas na ako 5 months na ako dito. :)

  • 8 rho // Oct 6, 2006 at 11:05 pm

    kasi naman nang-iinggit ka pa kuya!! waaahhh… daya!! anyway, hapi naman ako sa’yo syempre dahil kasama mo na sila! cheeerrrsss 4 dat! o ayan, di na ako naiyak! hehehe!

  • 9 mmy-lei // Oct 7, 2006 at 5:23 am

    wahhhh!!!

    mang-inggit daw ba si j! wag kang ganyan, mahirap ma-homesick ngayon dito!

  • 10 karmi // Oct 7, 2006 at 4:51 pm

    tama ka kuya.. aanhin ang kayamanan kung malayo ka naman sa iyong pamilya..

    iba pa rin talaga ang pakiramdam ng nakakasama mo sila, nawawala ang pagod at lungkot.. :)

    hehehe, dami nga maiinggit sau nyan kuya.. pero tama sila, we are happy for you kuya! :)

  • 11 Royce // Oct 9, 2006 at 2:48 am

    Congrats sa bagong bahay! Kay ganda talaga! Kung hindi pa ako bumisita sa bahay ni Ella, di ko alam na lumipat ka na pala.

    Talagang huli na ako sa mga balita, Pre! Have to do a lot of catch ups, hehehe

  • 12 billycoy // Oct 9, 2006 at 8:29 am

    Mahirap talagang lumayo sa sariling bayan, kaya for now, ginagawa ko lahat mapaangat ko lang ang buhay kahit dito lang sa ‘Pinas.

    Optimistiko ako na maganda pa ang mangyayari.

  • 13 kneeko // Oct 10, 2006 at 8:07 am

    wheeewww anong kaguluhan ito? hehhee

    honga dre iba pa rin dyan sa pinas… pero may mga pangarap tayong gusto matupad na hindi mangyayari kung sa pinas lang tau umasa…

    siguro kung may pamilya na ako at may kaunting naipon dyan na rin ako maghahanapbuhay…

  • 14 MommyBa // Oct 19, 2006 at 5:06 pm

    Sabi nga ng boss ko, “money is important because it’s a tool to be able to live. however, having your family around you is priceless.”

    nagkaroon ako ng dilemma kung uuwi ba ako ng Pinas o hindi. Eventually, umuwi rin ako dahil iba pa rin ang nasa piling ng pamilya mo. Hirap man eh at least magkakasama kayo.

    Pero me mga choices tayo na kelangan gawin paminsan-minsan na para sa ikakabuti ng lahat. Kelangan lang na maging matatag :)

  • 15 jaleesa // Oct 21, 2006 at 6:45 am

    masaya kapag kasama mo ang iyong pamilya, sa hirap o ginhawa. pero minsan talaga, kinakailangan mong pumunta ng ibang bansa para mabigyan mo ng magandang kinabukasan ang iyong pamilya. unless malaki ang sweldo mo sa pinas at super rich ka, then you don’t have to go abroad :)

    ingatz

  • 16 theusday // Dec 16, 2006 at 1:16 am

    mahalaga ang pera, pero para saken, mas mahalaga pa rin ang family. Im too young to be supporting my family, and I know I should be out enjoying my self, pro pag iniisip ko na it’s for my sisters and my mom, ginaganahan akong magtrabaho..

Leave a Comment