Madalang ang pag-uwi ko ng maaga sa aming bahay mula sa opisina noong ako’y binata pa. Madalas nagiging tambayan ko na ang aming opisina lalo na kung marami kaming trabaho. Maaga ako kung pumasok ngunit gabi na ako kung umuuwi noong mga panahon na iyon. Kung minsan naman kahit holiday pa mas pinipili ko pa ring mag-trabaho na lang kaysa magkulong sa bahay. At kung minsan, nagkakayayaan ang barkadang gumimik laging ”go” ang mood ko at sigurado umaga naman ang uwi namin. Yan ang palaging routine ko noong single pa ako at walang sabit.Â
Siguro dahil sa wala akong masyadong responsibilidad maliban lang sa pagtulong ko sa aking magulang at mga nakababatang kapatid. Kaya parang walang problema kung umuwi man ako ng wala sa oras at gawin ko anuman ang gusto ko.
Pero ngayong may asawa’t anak na ako, nag-iba na ang routine ko sa araw-araw kung noon ay trabaho-barkada-goodtime-bahay ang routine ko. Ngayon trabaho-bahay na lang ang routine ko madalang na ang mga “detour” na lakad. Kung meron man ay halos madalang na lang sa patak ng ulan sa tag-araw.
At madalas pa nito palagi akong nagmamadali sa pag-uwi, dahil na rin sa kagustuhan kong maabutang gising ang anak ko at makapaglaro muna kami bago kami matulog. Kadalasan kasing nangyayari ay umaalis ako ng bahay na tulog pa ang aking prinsipe at pag minamalas na napa-O.T. ako siguradong tulog ko na siyang daratnan.
Kaya naman hanggat maari hindi ako nag-oovertime, at sa halip nagkukumahog ako sa aking pag-uwi para makapaglaro kami ng aking munti at mapunan ko kahit papaano ang mga sandaling wala ako sa tabi nya noong ako’y nasa ibang bansa pa.
10 responses so far ↓
1 karmi // Oct 23, 2006 at 5:45 pm
naks naman kuya..
lahat naman kasi tayo nagbabago ang lifestyle lalo na kung may mga ibang priority na tau sa buhay…
huwarang ama! ^_^
2 pam // Oct 24, 2006 at 8:22 am
thanks for droppin by!!=D
3 rHo // Oct 24, 2006 at 1:07 pm
huwaw naman si kuya… good boy na! iba na talaga pag may asawa’t anak na! cheerrrsss for you kuya! i can sense na sobrang happy ka ngayon.. hehehe!
4 TK // Oct 26, 2006 at 11:29 pm
isa kang butihing asawa at magandang ehemplong haligi ng tahanan… ooppppssss… tama ba? nyahahah!
5 kneeko // Oct 29, 2006 at 4:21 am
idol na kita dre… paglaki ko ko gagayahin kita hehehe
6 sarubesan // Oct 31, 2006 at 4:46 am
aba naman ang bait ni tatay!
7 Royce // Oct 31, 2006 at 5:15 am
Ang galing mo tol! Sana ako rin…hehehe
8 melai // Oct 31, 2006 at 6:04 am
uhmmn kelan kaya ako makakakita ng tulad nitong si pre ko ……
9 neng // Nov 6, 2006 at 5:56 am
akala ko miss mo na ang “goodtimes” heheh!
buti naman iba na ang ibig sabihin nito
sa iyo
iba talaga ang tumatanda na esteee …. ang
butihing asawa’t ama pala tawag do’n
10 dennis // Mar 1, 2008 at 12:33 pm
he,he,he. Ganyan din ako noong araw, gusto kung umuwi agad para makapiling ang aking munting prinsipe. Pero ngayon nasa abroad ako, hinahanap hanap ko ang overtime kasi wala namang silbi ang oras mo dito kung uuwi kalang nang bahay walang magawa. Kaso nga lang eh may pagka kuripot yata ang napasukan kung kumpanya, hanggang ngayon hindi pa ako nakaranas ng overtime ( tsk.. tsk. malas nga naman o,he,he)
Leave a Comment