The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

A new beginning

January 3rd, 2007 · 5 Comments · Ofw life, Senti

Isang buwan na mahigit ang lumipas ng muli akong umalis ng Pilipinas upang mag-trabahong muli sa ibang bansa. Pangatlong pagkakataon na rin itong hindi ako nag-pasko sa Pilipinas na kapiling ng aking mag-ina at iba pang kapamilya. Pangatlong pagkakataon ko na rin itong hindi nakakarinig ng mga batang nagka-caroling sa kalye, ng mga batang namamasko sa kanilang ninong at ninang, ng mga magbabarkadang sabay sabay na nagsisimbang gabi at magsing-irog na naglalambingan sa isang tabi.

Buong akala ko noong ako’y magbalik sa Pilipinas matitikman kong muli ang bibingka at puto bungbong na itinitinda sa madaling araw, na buong akala ko’y makikita kong muli ang mga makukulay at nagkikislapang bituing palamuti sa bawat bahay at kalye, na akala ko’y maririnig kong muli ang saya at ingay ng pagsalubong sa bagong taon, pero hindi pala.

Lumipas man at natapos ang nakaraang pasko’t bagong taon na hindi man naging masaya para sa akin, pero umaasa na sa bagong sibol na taon at sa susunod na pagkakataon ay makikita at mararanasang muli ang pinakamasayang pasko sa buong mundo. Ang paskong pinoy sa lupa ng mga pinoy.

 

Tags:

5 responses so far ↓

  • 1 kneeko // Jan 3, 2007 at 7:36 pm

    dre andyan ka na pala… senti nga naman dahil di ka na umabot ng pasko sa atin wheeww..

    that’s life… kaya naman di ba?

    kelan anman balik mo sa pinas?

  • 2 jlois // Jan 5, 2007 at 5:02 am

    yan ang hindi ko pa alam kung kailan, hindi pa kasi ako entitle d nang vacation eh atsaka higit sa lahat wala pang pang-gastos sa pagbabakasyon.

  • 3 TIKEY // Jan 5, 2007 at 11:02 am

    Hala ka bawal na ang senti sa 2007 ne

  • 4 kathy // Jan 7, 2007 at 5:57 am

    happy new year joven :) ….

  • 5 max // Mar 7, 2007 at 12:54 am

    sabi nila mga 6 na buwan ang lilipas bago ang isang taong nangibang bansa, ay masanay sa iyang bagong kinalulugaran.

Leave a Comment