The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Friday the 5th

January 5th, 2007 · 14 Comments · Daily dose

Its friday today the 5th day of the first month of the year 2007. Well nothing significant about this day, it is only an ordinary day, friday ngayon bukas sabado na at halfday sa opisna namin pag sabado. Ang bilis ng araw ano parang kailan lang yung may tatlong araw na walang pasok noong nakaraang bagong taon at ngayon nga’y biyernes na. Ganito naman yata talaga dito parang ang bilis ng takbo ng araw pati yata ang takbo ng pamumuhay ng mga taga-rito mabibilis, fast pace kumbaga ang buhay dito sa Singapore.

Well kailangang gumala bukas at sa Linggo para naman ma-break itong routine na ito, nakaka-bato na kasi ang ganito yun at yun palagi ang nakakagawian ko ngayon, sa opisina at sa HDB apartment na lang lagi ang aking routine. Halos sa araw-araw yun at yun na lang.

Mula pagkagising sa umaga ligo, bihis at alis na papuntang opisna, pag-uwi sa bahay konting nood o kaya’y maglaba tapos tulog na, routine na diba?. Kaya kailangan sigurong kahit isa’t kalahating araw sa loob ng isang linggo eh maiba naman ng napupuntahan, ginagawa at nakikita.

Okay saan kayang magandang pumunta? sa Orchard kaya o sa Lucky plaza?.

 

Tags:

14 responses so far ↓

  • 1 TIKEY // Jan 5, 2007 at 11:00 am

    Aba gusto mong mag jalan jalan ah! nyahahha!

    Feeling mo napaka ordinaryo na ng ginagawa mo, pero sa kabilang banda mas oks na un at least ligtas ka sa disgrasya hindi ba?

    Ayus na ayus na maligo ka sa umaga, kc ung iba halos sa maduming batis at ilog nalang sila naliligo. Mas mabuti meron kang bihisan kc ung iba walang pampalit ng damit. Mas magarang may trabaho ka kc ung iba walang trabaho. Buti me TV ka ung iba kc wala. tapos buti nakakatulog ka, kc ung may insomia nahihirapang matulog ang mga yan! nyahah! nangunsensya daw oh! nyahahah!

    Makipag chat ka nalang pare ko sa asawa mo! heheh! bilhan mo ng wi-fi para 24 hrs meron kang makulit! hehe!

  • 2 jlois // Jan 6, 2007 at 12:23 am

    naka-wifi si misis tikey! ako ang medyo limited ang acces sa internet kasi wala akong sariling PC o laptop dito :)

  • 3 t-cher // Jan 6, 2007 at 3:01 am

    o hayan, kasabay ng pagbabago ng aking bahay ay ang pag iwan ko sa pagiging clown hehehe….

    sarap buhay mo jan heheheeh….sulitin mo habang pwede pa. tama si tikey, maswerte ka kesa sa iba!

  • 4 manilenya // Jan 6, 2007 at 4:05 pm

    waaaaahhhhhhh kanina pre nasa paya lebar ako di ba tagaroon ka?? waaaaahh kelan tayo kita kain tayo kahit saan sagot mo kaw may work e hehehehe
    at sya nga pala ang Lucky Plaza e nasa Orchard road kaya pareho lang ang place lol

  • 5 Aisha // Jan 6, 2007 at 8:30 pm

    grabe..ang bilis talaga ng panahon..
    ang alam ko nga..

    - - -naaalala rather im just 10
    akala mo ngayun 19 na ako lol..

  • 6 sarubesan // Jan 7, 2007 at 2:02 am

    Happy New Year to you and your family! tagal kong absent sa blogging world. hehe

  • 7 jlois // Jan 8, 2007 at 3:03 am

    @T-cher
    Sarap buhay ba t-cher? at nagpalit ka rin pala ng nick mo ah? :)
    .
    @manilenya
    sayang nagawi ka pala sa paya lebar, kaya lang taga-Bedok ako eh. sms mo kasi ako para kita tayo pag wala akong pasok, Oo nga yung lucky plaza nasa Orchard he he he okay nga at least hindi na ako lalayo.

  • 8 jlois // Jan 8, 2007 at 3:06 am

    @Aisha
    Oo nga ano bilis talaga? :) 9 years ago batang musmos ka pa lang ngayon pala’y dalaga ka na? :)

    @Sarubesan
    Happy new year din syo Vemsan! sayo at sa iyong pamilya.

  • 9 mmy-lei // Jan 10, 2007 at 8:43 am

    wow gala na naman!

    magtatagal ka ba jan?

  • 10 racky // Jan 11, 2007 at 5:57 pm

    ej pare, baka kung saan ka na makarating nyan :P

    mag-gym ka kaya, healthy pa ;)

  • 11 jlois // Jan 12, 2007 at 12:53 pm

    Siguro mmy-lei, wan-to-sawa ito eh walang contract

  • 12 jlois // Jan 12, 2007 at 12:55 pm

    wala pa ngang masyadong nararting dito eh mare! :) oo pinag-iisipan ko nga rin nyang gym na yan wala pa kasi akong nakikitang malapit na gym sa lugar namin.

  • 13 rHo // Jan 13, 2007 at 12:08 pm

    bakit kasi hindi mo i-meet si ate melai para hindi ka mainip! nyahahahaha!

    naku kuya, mag-enjoy ka na lang at lagi mong kausapin si misis at ang iyong tsikiting! :)

    nagbalik na ako kuya galing sa malamig na ALaska!

  • 14 kneeko // Jan 16, 2007 at 8:26 am

    dre… ok yan kita kits kayo ni melai..

    ambilis nga ng panahon sa ngayon wheew

Leave a Comment