sa araw-araw na ginawa ng diyos laging laman ngayon ng isipan ko ang aking mag-iina. Lalo na ngayong buwan na ng mga puso, oo nga pala valentines na naman sa isang linggo, pang ilang valentines ko na ba itong nagdaan na hindi ko man lang nakakasama ang aking valentina?, pangatlo na pala since 2005 pa.
Para sa akin memorable talaga ang buwan ng pebrero hindi lang dahil sa araw ito ng mga nagmamahalan, kundi buwan din ito ng pag-iisang dibdib namin ng noo’y akin pa lamang nobya (wow! ang lalim ng tagalog ko ah? tsk! tsk! pag-homesick ka nga naman tumitindi ang pagiging korni). Pang-apat na taon na rin namin bilang mag-asawa itong darating na disi-otso ng pebrero pero mas mahaba pa ang kami’y magkalayo kaysa sa magkasama.
Sabi ng iba “Life is a jouney” sa tagalog ang buhay ay isang paglalakbay. Kung binata/dalaga ka mag-isa kang maglalakbay sa landas ng buhay. Pero kung may asawa ka hindi ka na iisa kundi dalawa na kayong maglalakabay sa landas ng buhay, dalawa kayong magkasamang tatahakin anumang daan ang napili nyong tahakin. Magkahawak kamay at kumakandirit pa na susuungin ang anumang balakid na madadaanan sa paglalakbay sa buhay.
Pero minsan hindi natin maiiwasan masusumpungan natin na ang landas na magkasamang nyong tinatahak ay may mga balakid na nakahambalang. Na ang tanging nakikitang paraan upang malagpasan ay ang tahakin ito ng magkahiwalay kahit na pansamantala lamang.
Tulad nitong aming tinatahak ngayon, malayo kami sa isa’t isa. Pero ilang milya man ang nakapagitan sa amin ngayon, lagi namang magkadugtong ang aming isipan. At alam namin na sa paglipas ng ilang taon magkakahawak kamay muli naming lalandasin ang aming napiling buhay.
Â
6 responses so far ↓
1 Ferdz // Feb 11, 2007 at 2:04 am
Buti n lng sa tulong ng technology ngayon, mas lalo kayong makaka communicate sa isa’t isa. Pero iba talaga kung magkasama kayo ano?
2 ann // Feb 11, 2007 at 3:38 am
Nanibago ako sa lalim ng mga tagalog mo, di ko maarok…hahaha!
Ferdz is right, hindi na ganun kalungkot ngayon ang malayo dahil sa technology. Nasusubaybayan mo pa rin at nakikita ang paglaki ng anak mo.
3 jlois // Feb 12, 2007 at 2:46 am
@ Ferdz
Oo nga ferdz iba pa rin ang magkasama kasi kung communication lang naiibsan na yun dahil na rin sa technology ngayon.
@Ann
Nakakapanibago ba?lol
Nasusubaybayan ko pa nga rin ang paglaki ng aming supling pero hanggang tanaw nga lang ako, iba pa rin kasi yung guidance mo sa mga bata physically eh diba?.
4 manilenya // Feb 12, 2007 at 10:06 am
at lalo kang maninibago kapag nakita mo si Jlois tita ann lol!! hunk na hunk sa personal tapos senti masyado sa blogging
Happy Anniv pala pre!
5 rHo // Feb 12, 2007 at 1:49 pm
kuya.. nakaka-relate ako sobra!! kami rin, mas malayo pa yung oras na magkalayo keysa magkasama!! naaakuu naman…
kayang-kaya yan kuya!! happy valentines na lang and happy anniv sa inyo ni valentina mo! hehehe!
6 tutubi // Feb 13, 2007 at 6:53 am
technology eases the loneliness thru constant communication but nothing can replace even a warm hug
ahh, the sacrifices of working abroad
Leave a Comment