The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 4

Entries from March 2007

Kasabihan at salawikain! isang kuwentong “myth buster”

March 20th, 2007 · 15 Comments · Reflections, Short story

Marami tayong mga kasabihan at salawikain na nakatanim na sa isipan natin mga namana pa natin sa mga ninuno at kanunu-nunuan pa ng mga lolo at lola natin. May mga kasabihan tayo na masasabi natin na dapat nang kinakalimutan mga kasabihang obsolete na at dapat nang ibaon sa lupa. At meron din naman kasabihang naangkop pa rin sa kasalukuyan nating pamumuhay hindi nga lang natin alam kung sa lahat ba ng aspeto ng buhay ay maari nating gamitin. At isa na rito ay ang paborito kong kasabihan at hindi ko malilimutang ”pag may tyaga may nilaga” meron kasi akong naalalang nakakatuwang kuwento na nangyari noong ako’y isa pa lamang nababatong stupident ng kolehiyo. Pero naangkop ba itong kasabihan na ito sa lahat ng aspeto ng kasalukuyan nating pamumuhay?. Eh! di basahin na lang ang maikli kong kuwento.

[Read more →]

Tags:

Soccer court or basketball field?

March 13th, 2007 · 10 Comments · Daily dose

Dalawang linggo na rin mahigit na hindi ako nakakapag-post ng kahit ano dito sa blog na ito, dalawang linggo na rin kasi akong tinatamad sa nakasanayan ko nang gawin noong nasa Thailand pa ako ang mag-blog sa tuwing naho-homesick ako. Kadalasan ngayon pag nakakaramdam ako ng homesick ang ginagawa ko na lang ay manood na lang ng TV o kaya’y mag-surf na lang sa internet at magbabasa ng magbabasa hanggang sa sumakit ang mata at matutulog na lang pagkatapos.
At kung minsan naman mag-jojogging na lang tatakbo ng tatakbo, pa-ikot ikot sa paligid ng HDB block namin hanggang sa sumakit ang paa at humingal na parang aso. Kung minsan naman ay maglalaro na lang ako ng basketball pero yun ay kung suswertehin akong makakita ng mga naglalaro dahil dito kahit na marami kang makitang basketball court bihira ka namang makakita ng mga naglalaro mas sikat kasi ang larong soccer dito kaya nga pati ang basketball court ginagawang soccer field ng ilang matitigas ang ulong kabataang lokal kahit pa may nakalagay na sign na bawal ang mag-soccer sa basketball court.

[Read more →]

Tags: