The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Soccer court or basketball field?

March 13th, 2007 · 10 Comments · Daily dose

Dalawang linggo na rin mahigit na hindi ako nakakapag-post ng kahit ano dito sa blog na ito, dalawang linggo na rin kasi akong tinatamad sa nakasanayan ko nang gawin noong nasa Thailand pa ako ang mag-blog sa tuwing naho-homesick ako. Kadalasan ngayon pag nakakaramdam ako ng homesick ang ginagawa ko na lang ay manood na lang ng TV o kaya’y mag-surf na lang sa internet at magbabasa ng magbabasa hanggang sa sumakit ang mata at matutulog na lang pagkatapos.
At kung minsan naman mag-jojogging na lang tatakbo ng tatakbo, pa-ikot ikot sa paligid ng HDB block namin hanggang sa sumakit ang paa at humingal na parang aso. Kung minsan naman ay maglalaro na lang ako ng basketball pero yun ay kung suswertehin akong makakita ng mga naglalaro dahil dito kahit na marami kang makitang basketball court bihira ka namang makakita ng mga naglalaro mas sikat kasi ang larong soccer dito kaya nga pati ang basketball court ginagawang soccer field ng ilang matitigas ang ulong kabataang lokal kahit pa may nakalagay na sign na bawal ang mag-soccer sa basketball court.

Talking about katigasan ng ulo at walang disiplina akala ko sa Pinas lang marami meron din pala dito.

Tags:

10 responses so far ↓

  • 1 rHo // Mar 13, 2007 at 12:56 pm

    tama yan kuya… just keep yourself busy para di ka duguin kakaisip! hehehe…

    aaayy naku, kahit saan ngayon e marami ng pasaway! walang pinipiling lugar… nyahahaha!

  • 2 melai // Mar 14, 2007 at 6:52 am

    at hindi pa yan pre mga tao dito mga reklamador pa.. at least sa atin nirereklamo gobyerno dahil hindi naman gumagampan ng social services dito mga reklamong puro personal at kapag napagod sza karereklamo magsusuicide tsk tsk tsk!

  • 3 jlois // Mar 14, 2007 at 7:39 am

    @rho
    yun na nga ang ginagawa ko miss rho ang maging abala palagi para hindi ma-homesick.

    @Melai
    Oo nga ang gobyerno nila dito almost perfect talaga ang social services nila.

  • 4 ann // Mar 14, 2007 at 8:03 am

    Dito rin normal na buhay ng OFW yang mga ginagawa mo. Nasa kanila na lang kung paano nila libangin ang mga sarili basta wag lang sa hindi maganda naliligaw.

  • 5 Shari // Mar 15, 2007 at 5:08 am

    It never gets old, I guess. Pero at least kahit papano’y naiibsan ang lungkot dahil sa paglilibang ng iyong sarili.

    Hehe, hindi nga naman po siguro localized sa Pilipinas ang pagiging pasaway. :)

  • 6 jlois // Mar 15, 2007 at 6:05 am

    @ Ann
    kailangan talagang humanap ng kahit anong mapaglilibangan ang mga OFW kundi mababaliw talaga sa homesick.

    @Shari
    he he he.. oo nga nman miss Shari hindi naman dahil mayamang bansa itong Singapore wala nang pasaway. :)

  • 7 Ferdz // Mar 18, 2007 at 8:09 am

    Di ko akalain na mahilig din sa Soccer ang mga Singaporean, sabagay nung nadaan ako dyan nung world cup lahat ng tv sa bars and restos sa soccer. Hanap ka na lng ng ibang pinoy na mahilig mag basketball din.

  • 8 jaleesa // Mar 19, 2007 at 8:01 am

    hi jlois,

    long time no hear. i hope everything is ok at your end.

    bihira na din akong mag-blog. madami akong gustong i-blog pero tinatamad ako. kasi naman pagdating ko sa bahay, i take a nap. early start kasi ako palagi. hayyy…

    ingatz palagi. thanks for visiting my blog earlier.

  • 9 Culture Shiok! // Mar 27, 2007 at 2:51 pm

    Ano bang meron sa soccer na wala sa basketball?

    ewan ko ba kung bakit ganun na lang ang pagka-adik ng mga Singaporeans sa soccer.

    kung gaano ka-adik sa basketball at billiards and Pinoy, ganun ka-adik ang mga Singaporeans sa soccer

  • 10 Soccer court or basketball field? | Paradise Philippines // Sep 8, 2007 at 11:09 am

    [...] (more…) Author: Contributors Time: Saturday, September 8th, 2007 at 11:02 am Category: Personal Comments: You can leave a response, or trackback from your own site. RSS: You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. Navigation: « Getting bored during a long holiday [...]

Leave a Comment