The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Kasabihan at salawikain! isang kuwentong “myth buster”

March 20th, 2007 · 18 Comments · Reflections, Short story

Marami tayong mga kasabihan at salawikain na nakatanim na sa isipan natin mga namana pa natin sa mga ninuno at kanunu-nunuan pa ng mga lolo at lola natin. May mga kasabihan tayo na masasabi natin na dapat nang kinakalimutan mga kasabihang obsolete na at dapat nang ibaon sa lupa. At meron din naman kasabihang naangkop pa rin sa kasalukuyan nating pamumuhay hindi nga lang natin alam kung sa lahat ba ng aspeto ng buhay ay maari nating gamitin. At isa na rito ay ang paborito kong kasabihan at hindi ko malilimutang ”pag may tyaga may nilaga” meron kasi akong naalalang nakakatuwang kuwento na nangyari noong ako’y isa pa lamang nababatong stupident ng kolehiyo. Pero naangkop ba itong kasabihan na ito sa lahat ng aspeto ng kasalukuyan nating pamumuhay?. Eh! di basahin na lang ang maikli kong kuwento.

uuy! ang ganda non ah, noong minsan makita ng ating bida ang kanyang barkada at kababata kasama nya yung syota nyang maganda. Takang-taka at mukhang tangang hindi makapaniwalang makapasagot sya ng ganon kaganda, sabagay kahit siguro sinumang makakita sa kanila’y isa ang nasasabi. Langit at lupa ang pagitan nila in other words di sila bagay, tampulan pa nga sya ng tukso ng buong barkada na kesyo dapat palagi nyang pagsusuutin ng helmet ang syota at baka magising at matauhan.

Kaya nung minsan nang nagkainuman ang buong magbabarkada nagawi ang kwentuhan sa syota kung paano diskarte at ano ang sikreto para magustuhan ka ng nakukursunadahan mo. “Pare tyaga lang kaya ko napasagot yun gf ko, nung una di rin ako pinapansin nya eh, pero dahil na rin sa tyaga ko napasagot ko rin”, sabay tungga ng baso ng alak at yosi at hithit buga sa usok. Ganun ba? tanong naman ng ating bida “eh di ibig sabihin pala totoo ang kasabihang Pag may tyaga may Nilaga pare?”. Oo naman pare totoo yon! pagmamayabang pa nyang sabi. Sagot naman ng ating bida “bah! kung sa tyaga lang ang puhunan marami ako nyan” ang ngiti ngiti pa nyang pagyayabang sa buong barkada.

Noong mga panahon na yon disiotso anyos pa lamang ang ating bida at nasa ika-dalawang taon sya sa kolehiyo, at mayroon syang kaklase gustong gusto nya, maganda, maputi at tsinita. Tipong bang ang angking ganda’y pwedeng iuwi at ipakilala sa nanay.
 
Kalagitnaan na ng second semester ng magpahiwatig ang ating bida ng kanyang pagkakagusto, sa tuwing sila’y magkikita sa klase lagi silang magkausap, magkatabi palagi sa upuan sa lahat ng klase, tinutulungan sa kanilang mga project . Madalas din kung ihatid sa sakayan at wala naman siyang nakikitang pagtutol kaya inakala niyang meron siyang nakikitang munting pag-asa. Pero nung minsan inihinatid ng ating bida ang kanyang babaeng napupusuan sa sakayan ng jeep at habang siya’y nagkukuwento, bigla na lang nag salita ang babae ng “ah ano na lang FRIENDS na lang tayo kasi nag-aaral pa ko tsaka gusto ko pang pumunta sa Canada”. Huh! ang gulat na tanong na nabigla pa sa narinig. “Ssssige oookey lang” ang uutal nyang sagot at pagkatapos ay lulugo-lugong nang lumisan ang ating bida. Para pinagbagsakan ng langit at lupa nung araw na yon ang ating bida at kinagabihan ay hindi sya dalawin ng antok at magdamag lamang siyang nakatitig sa kisame ng kanilang bahay.

Lumipas ang ilang araw ng pagmuni-muni at tinanggap na lang nya bilang challange ang nangyari at nagpasya na hindi pa rin sya mawawalan ng pag-asa kahit na binasted na sya ng kanyang nililiyag sa unang pagkakataon dahil nakatanim sa kanyang isipan ang mga katagang “pag may tyaga may nilaga” na naging inspirasyon nya. At yun nga’t umaasa pa rin sya na makakamit din nya balang araw ang inaasam nyang matamis na OO ng kanyang nililiyag.

Natapos ang second semester, pasukan na ulit sa ikatlong taon, parang walang nangyari tulad ng dati pa rin at pasundot sundot ng palipad hangin, pero hindi tulad ng dati medyo madalang na ang pagkikita ating bida at ng babaeng kanyang tinitingalang pugad dahil nag-working stupident na at pumapasok sa trabaho sa umaga at sa gabi naman sa eskwela. Nagkikita na lamang sila kung may pareho silang subject na panggabi rin. Sa telepono na lang ang madalas nilang pag-uusap. Minsan habang sila’y magkausap sa telepono, “alam mo Dianne inspirasyon kita sa lahat ng mga ginagawa ko ngayon” ang kinakabahan pa niyang pagkakasabi “Nakakatuwa naman” sagot naman ng babaeng kanyang nililiyag.

Syempre palakpak ang tenga sa tuwa sa kanyang narinig. At buong akala nya ay meron na naman siyang nasisilip na pag-asa, mga ilang minuto ng kanilang pag-uusap sabi nya “naalala mo ba yung sinabi ko dati? yung sabi ko FRIENDS na lang tayo” matagal bago nakasagot ang ating bida at nang siya’y mahimasmasan “Oo naman natatandaan ko at okey lang sa akin” ang pagkukuwanri niyang sabi sabay paalam na sa kanya at baba ng telepono.

At dahil sa talagang mahal nitong ating bida ang kanyang nililiyag at talagang desidido syang masungkit ang binukayong OO. At dahil na rin sa udyok ng kanyang mga kaklase at barkada at dahil na rin sa mga kasabihang “Pag may tyaga may nilaga” na kanyang naging inspirasyon at nagbibigay lakas ng loob. Kaya’t kanyang niligawan at sinuyong muli sa ikatlong pagkakataon ang kanyang babaeng sinisinta.

At alam nyong nangyari? ……..

 

To be continued muna!

 

Tags:

18 responses so far ↓

  • 1 rHo // Mar 20, 2007 at 1:04 pm

    waaaaaaahhhhhh……. bitin!!!! gawin mo na yung kasunod kuya! nyahahahaha!!

    naks naman, usapang puso dito ha! hehehe!

  • 2 melai // Mar 21, 2007 at 4:58 am

    bitin!!!!!

    ei pre natawa ako sa comment mo sa kabila hehehehe
    nagiging makata ka yata lol!

    pre kelan mo ko ililibre?

  • 3 kneeko // Mar 21, 2007 at 10:41 am

    ano bang nangyari sa bida? balik-tanaw to ah hehe

  • 4 karmi // Mar 22, 2007 at 3:27 pm

    ikaw ba ung bida kuya? :)

    anong nangyari? sinagot ba?! gudluck.. nakakaintriga tuloy! hehehe.. aabangan ko ang susunod na kabanata nito.. :)

  • 5 ann // Mar 23, 2007 at 4:20 pm

    bitin nga….palagay ko sya yung misis mo ngayon…hehehe.

  • 6 Mon // Mar 23, 2007 at 10:08 pm

    makikisampa na rin po sa usapan. Yup nadinig ko na rin yang kasabihan na yan. Natandaan ko tuloy ang isa pang kasabihan kapag hindi mo nakuha sa tyaga ang iyong gusto. Kundi ukol di bubukol :P

    natawa ako doon sa binukayong OO. :D

  • 7 ghee // Mar 26, 2007 at 3:20 am

    pag may tyaga..,may nilaga.. :)

    kelan ang update ng kasunod?aabangan ko na lang :)

  • 8 Shari // Mar 27, 2007 at 7:00 am

    Pero on a more serious note, di talaga totoo yung kasabihan. ;)

    Bitin! Moooorrrrrrrrreeeee!!! LOL!

  • 9 Culture Shiok! // Mar 27, 2007 at 2:54 pm

    haba-haba tapos nambitin pa…

    hahaha! :D

  • 10 bill // Mar 28, 2007 at 3:02 am

    Wooow intriguing. Medyo bitin nga. Pero pagtiyatiyagaan kong hintayin ang susunod para magkaroon me ng nilaga :-)

  • 11 Jaja // Mar 28, 2007 at 8:33 am

    asan na ang kasunod?nakakabitin naman!:(

  • 12 jlois // Mar 29, 2007 at 12:25 am

    @Rho, Melai
    nabitin ka ba? sensya na ha busy pa ako eh tambak pa work load ko hanggang basa lang muna kaya kung gawin ngyon. :)

    @kneeko
    ikuwento ko sa next na post kung anong nangyari :)

    @Karmi, Ann
    ako ba yung bida? secret! abangan mo na lang ang susunod na kabanata. :)

    @Mon
    Oo nga mon yan palagi ang panapat sa kasbihang “pag may tyaga”

    @Ghee, Bill, Jaja
    Sige miss ghee abang ka lang, medyo busy pa kasi ako eh wala time mag-update.

    @Shari
    Maaring tama ka miss shari! :)

    @Culture shiok

    Nabitin ba? he he

  • 13 melai // Mar 31, 2007 at 5:25 pm

    pre tagal mo naman
    bitin na bitin na ko

  • 14 Joan // Apr 5, 2007 at 5:19 pm

    hi Jlois, nasa Sing ka na pala. Hubby ko nasa Bangladesh ulit. Lagi ka pala wala, pano naman magkakaroon ng kasunod si bunso? hehehe…

    Take care… finally, napadaan na ako ulit dito …

  • 15 The cycle we called life - jlois.pinoycad.net // Apr 6, 2007 at 5:42 am

    [...] RSS 0 Views ← Kasabihan at salawikain! isang kuwentong “myth buster” [...]

  • 16 isabelle // Feb 5, 2009 at 10:18 am

    hi!!!!ano ang nangyari sa bida

  • 17 isabelle // Feb 5, 2009 at 10:20 am

    kailan kaya

  • 18 Nicolette // Aug 5, 2009 at 1:25 pm

    Bitin ! Aii ! Baddd ! hehe !

Leave a Comment