Entries from April 2007
Sa gabing malamig ang simoy ng hangin
hanap ko’y yakap mong nagpapa-init
sa aking damdamin
ang boses mong tila musika
sa aking pandinig
ang nais kong laging naririnig
ang halik mong nagpapa-nginig
sa aking kalamnan ang lagi kong
inaasam na laging kong matikman
diba’t walang kasing-saya sana
kung tayo’y laging magkasama
magkasama sa hirap man o sa ginhawa
pero ngayo’y ako’y nasaan?
nandito sa malayo
niyayakap kong mag-isa
ang aking sarili
sa ilalim ng buwan
at lamig ng gabi
Halata bang homesick na naman ako?.
Â
Permanent link to this post (87 words, estimated 21 secs reading time)
[Read more →]
Tags:
Marami palang nabitin sa nakaraan kong kuwento at napansin ko rin na maraming na-intriga at gustong malaman kung anong naging konklusyon nito. Ngunit dahil sa aking kaabalahan sa aking trabaho kaya hindi ko magawang sundan o tapusin na ang kuwentong aking nasimulan na. Pero dahil sa pati na rin ang aking maybahay na nakisali na rin sa mga nagko-komentong ituloy ko na raw at tapusin. Dahil kahit sya man daw ay nabitin at gustong malaman ang konklusyon nito, gayung alam na alam naman niya kung ano ang naging katapusan ng kuwento at kung sinu-sino ang mga karakter. Kaya heto na at akin nang itutuloy. Saan nga ba tayo naputol?.
This is a preview of
Kundi ukol hindi bubukol! (kasabihan at salawikain, conclusion)
.
Read the full post (634 words, 2 images, estimated 2:32 mins reading time) [Read more →]
Tags: