Marami palang nabitin sa nakaraan kong kuwento at napansin ko rin na maraming na-intriga at gustong malaman kung anong naging konklusyon nito. Ngunit dahil sa aking kaabalahan sa aking trabaho kaya hindi ko magawang sundan o tapusin na ang kuwentong aking nasimulan na. Pero dahil sa pati na rin ang aking maybahay na nakisali na rin sa mga nagko-komentong ituloy ko na raw at tapusin. Dahil kahit sya man daw ay nabitin at gustong malaman ang konklusyon nito, gayung alam na alam naman niya kung ano ang naging katapusan ng kuwento at kung sinu-sino ang mga karakter. Kaya heto na at akin nang itutuloy. Saan nga ba tayo naputol?.
At dahil sa talagang mahal nitong ating bida ang kanyang nililiyag at talagang desidido syang masungkit ang binukayong OO. At dahil na rin sa udyok ng kanyang mga kaklase at barkada at dahil na rin sa mga kasabihang “Pag may tyaga may nilaga†na kanyang naging inspirasyon at nagbibigay lakas ng loob. Kaya’t kanyang niligawan at sinuyong muli sa ikatlong pagkakataon ang kanyang babaeng sinisinta.
At muli ngang sinuyo ng ating bida ang kanyang babaeng nililiyag. Dahil nagkaroon sya ng pagkakataon na magkitang muli, dahil nagkataon na meron sila parehong klase sa gabi. Subalit hindi na tulad ng dati na hayagan kung magsabi at magpakita ng kanyang pagsuyo. Sa kanyang ikatlong pagkakataong panunuyo, sinusuyo nya na lamang ng medyo pahaging o masasabing parang isang “covert operation” na lamang o isang pasikretong panunuyo. Oo!, isa na lamang pasikreto kung kanyang suyuin ang kanyang babaeng nililigawan sa takot na baka sya’y ma-basted muli.
Madalang man silang magkita dahil tatlong beses lang sa isang linggo ang kanyang klase sa gabi. Pero mag-kaganun paman kung sila’y may klase at sila’y nagkikita nagku-kumustahan at nagkukuwentuhan pa rin na parang isang tipikal na magka-klase. Hindi tulad ng kanyang dating panliligaw na hinahatid nya hanggang sa sakayan ang kanyang nililigawan. Ngayo’y sinasabayan na lamang nya ito palabas ng eskwela. At tulad pa rin ng dating samahan bilang magka-klase, sinasamahan pa rin nya sa tambayan kasama ng ilang kaklase’t kaibigan sa sandaling bakante o naghihintay ng oras sa klase. At syempre pa hindi nawawala ang pasundot-sundot nyang diskarte at pagpapalipad hangin.
Lumipas ang ilang linggo ng muling pagpapalipad hangin, at maraming baso na rin ng laway ang pinawalan sa hangin. Mga matatamis na ngiti at tapik sa balikat lamang ang naging sukli. Pero sapat nang dahilan iyon para sa ating bida upang ipagpatuloy lamang ang kanyang paniningalang pugad.
Nagdaan ang isang buwan, umabot ng dalawang buwan at halos matatapos na ang buong semestre, kaya nagpasya na ang ating bida na bilisan ng konti ang kanyang diskarte. Upang ng sa gayon ay malaman nya na kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanyang paniningalang pugad. Isang gabi nang magpasya na ang ating bida na ihatid muli sa sakayan ang kanyang nililigawan, isiniwalat nyang muli ang kanyang damdamin at sinabing hindi pa rin sya nawawalan ng pag-asa kahit pa naka-dalawang pagkabigo na sya.
Ngunit…subalit…. tulad pa rin ng dati bilang kaibigan pa rin ang tugon sa kanya ng kanyang nililigawan. Tugon na hindi na nya ikinagulat dahil na rin siguro sya ay nasanay na sa ganung reaksyon. Dahil sa likas na makulit at sandamukal ang baon na tyaga, gusto pa nya sanang ligawan pang muli ang babaeng kanyang kinukulit. Subalit huli na dahil wala nang oras, naging abala na rin sya sa kanyang trabaho at tapos na rin ang semestre at wala nang pagkakataon upang sila’y muli pang magkita.
Pagkalipas ng ilang taon muling nag-krus ang kanilang landas…. ngunit wala na, hindi na tulad ng dati wala na ang damdaming kanyang tinatago. Maluwag na rin sa kanyang dibdib na hindi sya “ang bukol na sa kanya’y uukol”.
Ang haba ba ng kuwento? O yan tapos na ang kuwento. So ano moral ng storya? simple lang isang salawikain pa rin “ang maniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili”.
Â
Â
20 responses so far ↓
1 Culture Shiok! // Apr 9, 2007 at 12:27 pm
Tunay ngang mahaba…. ang kuwento!
Meron pa bang… Abangan ang susunod na kananata?
2 Tikey // Apr 10, 2007 at 12:55 am
At tunay ngang mahaba sya! Hindi umukol sa kanya ang kasabihang, sa hinaba haba man daw ng prusisyon ay daanin nlang sa santong paspasan pag patay na ang kabayo… gets mo? nyhahah! ang gulo!
Mahilig tlga akong mag pa cute, kc ang cute cute ko pag nagpapacute ako dba? aminin! nyhahahah!
3 melai // Apr 10, 2007 at 6:26 am
tsk tsk tsk di pala happy ang ending… hmmn dibale nakakita naman yata ang bida ng mas pa sa dating nililiyag eh
4 karmi // Apr 10, 2007 at 3:48 pm
o nga kuya, kala ko pa naman, and they lived happily ever after..
pero at least naging maayos naman ung pagkikita nila nung kanyang nililiyag..
5 rHo // Apr 11, 2007 at 1:59 pm
pero bakit parang bitin pa rin ako???! hahahahaha!!! tsk… sayang, hindi pala nakamit ang binubukayong OO!! di bale.. sguro naman si bida e sobrang happy na sa kinalalagyan nya ngayon kahit naka-3 beses syang binasted ni girl!! hehehehe…
6 Shari // Apr 11, 2007 at 2:21 pm
Kung gayon, isang kalokohan yung kasabihan na pagkahaba-haba man g prusisyon…blah blah blah.
Minsan totoo, minsan hindi.
7 djag // Apr 11, 2007 at 11:39 pm
ok ang kwento ,more…
8 jlois // Apr 12, 2007 at 12:15 am
@Culture shiok
mahaba ba? napasarap lang mag-kwento eh. wla nang aabangan kung meron man ibang kuwento na yon.
@Tekiy
Nahilo ako sa sinabi mo ah? :p
@Melai
Part lang yan ng nakaraan ng ating bida, pero ngayon syempre masaya na sya.
@Karmi
They lived happily with their owb lives karmi. he he he
9 jlois // Apr 12, 2007 at 12:19 am
@Rho
Bitin ka pa rin?, nasanay ka siguro ng hppy ending sa mga pinapanood mong telenovela eh.
@Shari
Gaya nga ng isang part ng unang post ko, may kasabihan na hindi talaga angkop, o gaya ng sabi mo kalokohan lang. Pero minsan naman yung iba totoo din minsan naman coincidence lang?
@Djag
More? wala na eh, iba naman.
10 bill // Apr 12, 2007 at 9:21 am
hehehe. for some reason napatawa ako sa huli, iyon pala ang ending. pero maganda ang story telling. ang galing mong magkuwento pare.
11 melai // Apr 13, 2007 at 9:35 am
buti naman at masaya ka na lol! at nakakatuwa pre kasi nagbabasa na rin pala si mare ng blog mo sa susunod bloghop na rin yan tapos gagawa na rin sya ng sarili nyang blag
ala ann the second no? 
12 rHo // Apr 13, 2007 at 3:07 pm
hahahahaha!!! paano mo nalaman un??! siguro nanonood ka rin ng mga teleserye noh?! hehe!
13 jlois // Apr 14, 2007 at 12:14 am
@Bill
napatawa ka ba? at salamat sa papuri.
@Melai
Oo naman mare! si misis nga ang no.1 fan ko sa pagba-blog ko eh :), baka hindi mag-blog si misis mare kasi sumasakit nga daw ang mata nya pag matagal syang nakatitig sa PC.
@Rho
Nyahahaha! halata ba na nanonood din ako?, lahat kasi ng tao sa bahay mahilig manood ng teleserye eh kaya no choice ako kundi makipanood na din.
14 ann // Apr 14, 2007 at 7:38 am
Para sa akin happy ending yan kasi kung sya yung ukol syo eh pano na si misis ngayon di ba? Yan ang bukol na ukol syo…hehehe.
Pero parang bitin yung story, wala bang nakatago or baka edited na yan.
15 jlois // Apr 15, 2007 at 3:19 am
Bitin pa rin ba miss ann?, syempre sa bida happy ending na kasi nakita na nya yung “talagang uukol par a sa kanya” pero hindi yung tsik na hinahabol nya dyan sa storya yung ukol sa kanya. Samaktwid sa ibang storya sya.
16 Kulas // Apr 15, 2007 at 12:10 pm
Nice story. Medyo-medyo isa sa mga karanasan ni Werter(sorrows of werter, Goeth).
More! Ika nga.
17 Kulas // Apr 15, 2007 at 12:14 pm
Ops, siyanga pala, nakuha ko yung link sa blog mo kay Nelan - one of may favorite blogs.
18 melai // Apr 16, 2007 at 3:17 pm
bili mo kasi contact lens sus
19 MommyBa // Apr 23, 2007 at 6:26 am
Sad ending but I guess they’re really not mean for each other.
Pero bilib ako sa persistence ni lalake ha. Wow! He really proved that he was serious about her. Too bad lang talaga dahil yung efforts napunta sa wala.
20 Kundi ukol hindi bubukol! (kasabihan at salawikain, conclusion) | Paradise Philippines // Sep 8, 2007 at 11:10 am
[...] (more…) [...]
Leave a Comment