Sa gabing malamig ang simoy ng hangin
hanap ko’y yakap mong nagpapa-init
sa aking damdamin
ang boses mong tila musika
sa aking pandinig
ang nais kong laging naririnig
ang halik mong nagpapa-nginig
sa aking kalamnan ang lagi kong
inaasam na laging kong matikman
diba’t walang kasing-saya sana
kung tayo’y laging magkasama
magkasama sa hirap man o sa ginhawa
pero ngayo’y ako’y nasaan?
nandito sa malayo
niyayakap kong mag-isa
ang aking sarili
sa ilalim ng buwan
at lamig ng gabi
Halata bang homesick na naman ako?.
Â
17 responses so far ↓
1 melai // Apr 20, 2007 at 7:21 am
aalis na ko sayang magcocomment sana ko para una pero maya na lang pagbalik ko … tulog mo na lang muna yang pagkahomesick mo lol!!
2 mare // Apr 20, 2007 at 8:16 am
pre, summer ngayon ah, isara mo muna ang aircon
may unan naman at kumot
3 karmi // Apr 20, 2007 at 1:04 pm
no comment?! hehehe..
homesick ano un kuya? di ko alam un eh.. sundin mo lang payo nila te melai, itulog mo na lang yan!!! hehehe..
pero ngayo’y ako’y nasaan?
nandito sa malayo
niyayakap kong mag-isa
ang aking sarili
sa ilalim ng buwan
at lamig ng gabi
ayon lang.. hahaha! kelan tau uwi kuya!!!! waaaaaaaa…..
4 melai // Apr 20, 2007 at 2:54 pm
naku pre e di kinilig na si mare nyan sa tula mong yan kapag nabasa nya…… okey lang yan pre pero please lang wag kang talon dyan sa tinitiran mo ha……
5 sasha // Apr 22, 2007 at 1:26 pm
Mukha ngang homesick ka, kuya! Naks, galing ng tula para kay ate ah hehe
Gandang gabi sayo dyan
6 Marni // Apr 23, 2007 at 2:26 am
nakakatouch naman words mo… pati ako nakakafeel ng lamig ng gabi … even though its sweltering hot here in Cebu right now.
7 MommyBa // Apr 23, 2007 at 6:23 am
Awww! Oo nga! Homesick ka na naman! but I cant blame you. Sana nga kahit papano eh mawala yan soon para naman di ka nagiging masyadong malungkot.
8 Prudence // Apr 23, 2007 at 10:04 am
Awww…I’ve never been homesick yet so I dunno how that really feels. But it must be a sad, sad feeling
9 rHo // Apr 23, 2007 at 3:07 pm
haaaynnaaakooo… magsama-sama tayong mga homesick!! hahahahaha!!
don’t wori kuya… bakasyon ka na lang ulit sa pinas para makasama mo na si ate! hihihihi…
10 missP // Apr 24, 2007 at 7:42 am
beri obyus!
homesick ka? try watching tagalog films..or listen to tagalog songs…para mas lalo ka ma homesick
for me it works.. i feel like i am in the philippines when i am listening to internet radio all the time. tagalog music sa background while doing my stuff.. it does help!
11 ann // Apr 25, 2007 at 4:31 am
Hirap maging OFW, nagiging makata.
12 jlois // Apr 25, 2007 at 7:50 am
@Melai
itinutulog ko na nga lang mareng melai! pagnaho-homesick ako eh.
@Hindi naman de-aircon ang kwarto ko ngayon mareng neng!, pero malamig talaga, kasi walang kayakap.
@karmi
Tagal pa baka sapasko pa!.
@Marni
mainit nga daw sa Pinas sabi ni misis, dito sa singapore abnormal panahon minsan maaraw tapos biglang uulan ng malakas, tapos malamig na sa madaling araw.
13 malaya // Apr 27, 2007 at 9:03 am
Para di ka ma-homesick, gawan mo na rin ng blog ang esmi mo. ehehehe.
14 Culture Shiok! // Apr 28, 2007 at 7:52 am
dalawang oras at kalahati lang ang pagitan…..
15 TIKEY // Apr 29, 2007 at 1:34 pm
Kuya, wag ka nmang ganyan, pati tuloy ako napapaluha luha narin dahil sayung tula tula pano ka ginawa…
hay buti nalang patapos na ako sa stage nayan, malapit na ako sa finish line at makakasama ko narin sya… panapanahon lang yan pare koy, buti nga ikaw last year nakasama mo sila ng matagal, ako one week lang..
chaka ang isipin mo nalang wala kamang kayakap ngayon itoy dahil gusto mong gumanda ang kinabukasan ng iyong pamilya at mabigyan ng magandang future ang iyong mga supling..
at syempre darating din un time na magkakasama kayong muli at hindi na magwawalay pa…
naks ang haba na neto…. mabuhay!
16 ella // Apr 30, 2007 at 9:33 pm
Waaahh!
Nainggit naman ako sa lab mo. Buti pa siya, may Jlois na laging nagmamahal kahit malayo.
17 Sa lamig ng gabi | Paradise Philippines // Sep 8, 2007 at 11:12 am
[...] (more…) [...]
Leave a Comment