Naging routine na sa akin na bago ako dumiretso sa stasyon ng MRT papunta sa aming lugar, ay kumakain muna ako ng aking hapunan sa isang hawker center na malapit sa MRT Station na aking sasakyan. Kagabi isang ordinaryong gabi at dating gawi bago dumiretso sa stasyon kain muna ako. habang umoorder palingon-lingon ako’t naghahanap ng may bakanteng mesa na mapupuwestuhan. Sa sandaling paghahanap na bitbit ang aking pagkain, nakakita naman ako ng mapupuwestuhang mesa, naki-share na lamang ako sa isang mesa na may naka-upong medyo may edad ng babae.
Entries from May 2007
Sariling mundo
May 12th, 2007 · 15 Comments · Daily dose
Tags:
Why do I blog?
May 7th, 2007 · 11 Comments · Daily dose
The Ninja blogger tagged me to answer this question why do I blog?. Now I’ve been blogging for almost a year and a half, but I haven’t had any particular posts, disclosing the reasons on why on earth I’ve been involved in this addicting activity called blogging. Well, thanks to the ninja, because this is the chance for me now to divulge those reasons.
- Homesickness, the main culprit on why did I blog, I was working in thailand then, alone and don’t have much local friends, Filipino colleagues may kanya-kanyang lakad. Of course being away with your family you’re always on the look out for things to cope you’re homesickness.
Tags:
Ano dapat gawin pag binasted?
May 5th, 2007 · 5 Comments · Non-sense
 
Nitong nakaraang dalawang araw aking sinilip ang sitemeter dito sa aking blog, curious kasi akong malaman kung meron pa bang naliligaw o nagti-tyagang magbasa nitong aking blog na lagi namang walang update. Isa sa naka-agaw ng aking pansin ay itong isang search query na ito na naging dahilan upang mapunta sa unang puwesto ang aking blog.
Obvious naman siguro na naghahanap ng kasagutan sa halata mo naman na dinadalang suliranin ng kung sinumang nilalang na iyon. Ngisi ang unang naging reaksyon ko sa natuklasan kong iyon. Dahil na rin siguro mayroon akong naalala. At dahil na rin doon ay nagising ang aking kamalayan, naghukay ang aking isipan sa mga lumang karanasan na nakatago na sa pinakasulok-sulokan ng aking isipan. At ito ang aking mga nahukay na maaring makatulong sa kung sinomang magkakaroon ng ganong problema.
Tags: