The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Ano dapat gawin pag binasted?

May 5th, 2007 · 5 Comments · Non-sense

 

Nitong nakaraang dalawang araw aking sinilip ang sitemeter dito sa aking blog, curious kasi akong malaman kung meron pa bang naliligaw o nagti-tyagang magbasa nitong aking blog na lagi namang walang update. Isa sa naka-agaw ng aking pansin ay itong isang search query na ito na naging dahilan upang mapunta sa unang puwesto ang aking blog.

Obvious naman siguro na naghahanap ng kasagutan sa halata mo naman na dinadalang suliranin ng kung sinumang nilalang na iyon. Ngisi ang unang naging reaksyon ko sa natuklasan kong iyon. Dahil na rin siguro mayroon akong naalala. At dahil na rin doon ay nagising ang aking kamalayan, naghukay ang aking isipan sa mga lumang karanasan na nakatago na sa pinakasulok-sulokan ng aking isipan. At ito ang aking mga nahukay na maaring makatulong sa kung sinomang magkakaroon ng ganong problema.

  • Pag ika’y nabasted sa unang pagkakataon, palipas oras ka muna, mag-relax. Magpatugtog ng radyo, tumingin sa kisame habang nakahiga sa kama. Magmuni-muni at himay-himayin ang mga naging diskarte.
  • Tawagin ang mga sunog bagang barkada at mag-aya ng inuman, hingan sila ng payo kung meron mang maipapayo Kung wala pasensya ka.(nyahaha)
  • Mag-isip ng bagong diskarte o sundin ang payo ng mga sunog bagang mga kaibigan (kung meron mang naipayo).
  • Lastly, dagdagan ang tiyaga, remember sabi ng matatanda “walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin”. he he he

And if all else fails, at ganun pa rin wala ka pa rin napala, at kahit na nagkaroon ka na ng stiff neck sa kakatingala. Eh, its time to move on na at ibaling na lang sa iba ang paningin o kalimutan na ang umibig. Lalo na kung ang karakas na tinataglay ay ganito. :)

Tags:

5 responses so far ↓

  • 1 arvin // May 5, 2007 at 3:54 pm

    nag-advice nalang eh noh? ang weird nung query na un. haha :P

    kung may time ka, please redirect your link to my main blog, don’t use the redirection (.co.nr)

    point your link here:
    http://arvinastig.orgfree.com/blog

    tnx. Ü

  • 2 jlois // May 7, 2007 at 10:51 am

    @Arvin
    He he he, natuwa kasi ako doon sa query eh. :)

  • 3 TIKEY // May 8, 2007 at 11:00 am

    Ako ata ang nag research na un ah! nyhahah!

  • 4 Ano dapat gawin pag binasted? | Paradise Philippines // Sep 8, 2007 at 11:24 am

    [...] (more…) [...]

  • 5 maureen // Sep 24, 2007 at 8:07 am

    yan applicable dito ang favorable words ko this past few days…

    pag broken-hearted or binasted, its not enough to move on but mmmoooovvvveeee aaaawwwaaaayyyy… :)

Leave a Comment